Soul 5: Lies in Disguise

38.4K 2K 113
                                    

"You may not feel it now but it's hard to escape from our fate..."



AVERY



Natigilan sila sa pagtakbo patungo sa 'kin dahil sa lumilipad na espada ni Zirrius na biglang pumigil sa kanila. Muntik na silang madaplisan. I almost forgot his sword so I sent it flying here. Bumaon ang espada ni Zirrius sa katawan ng isang puno. Halos mapasinghap ang tatlong lalaki sa harapan ko. Hindi na ako babalik sa bayan dahil patay na naman si Silf at ang mga guwardiyang kasama niya. Wala na akong magagawa para sa kanila kundi ang ipagdasal sila.



"Gumagamit ka ng mahika!" sigaw ng isa sa kanila na hindi makapaniwala sa nakikita.



"Alam ninyo, sasabihin ko na ang totoo. Sikreto lang natin ito ha? Matagal ko ng itinatago ang kapangyarihan ko. Hindi ko lang ipinapahalata sa inyo," nakangising saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang pagtripan ang katawan ni Zirrius at maging ang mga taong nasa harap ko ngayon. Alam kong nag-aaksaya lang ako ng oras pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. I missed to have a body. I missed the feeling of moving freely on my own.



"At bakit kulay ginto na ang mga mata mo? Ano'ng itim na mahika ang ginagamit mo?" gulantang na tanong ng isa pa sa kanila. Titig na titig siya sa mga mata ko at halatang naguguluhan.



"Ito ang totoo kong anyo. Sabihin mo sa hari na magtago na siya dahil papalitan ko na siya sa pwesto niya," nakakalokong sabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi ko ngayon. Tiyak na kung maririnig ni Zirrius ang mga sinasabi ko, sasakalin niya ako hanggang sa maubusan na ako ng hininga. Tiyak na magagalit siya at papalayasin ako sa katawan niya. Mabuti na lang, mahimbing na natutulog ang kaluluwa niya sa oras na ito.



"Isa kang demonyo!" sigaw ng isa sa kanila.



Bigla akong sumeryoso. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako demonyo kundi isang elf. This human race is really naive. "May mas demonyo pa ba sa inyo?" seryosong tanong ko sa kanila. "You killed the guards without mercy. Tiyak ako na nagmakaawa sila sa inyo pero hindi ninyo pinakinggan. Ngayon, matitikman ninyo ang galit ko," nagngingitngit na saad ko. I hate them for being inhuman. Wala ba silang puso upang saktan ang kanilang sariling kababayan?



"Tiyak na kapag nalaman ng hari na gumagamit ka ng mahika, hindi siya magdadalawang-isip na patayin ka," nakangising saad ng isa na tila may naisip na magandang ideya. Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi nila. I have no choice then. Kailangan nilang mawala para maging malinis ang trabaho ko.



Nagtawanan ang tatlong lalaki dahil sa galak na tila nagwagi na sila. "Papatayin din kayo ng hari kapag nalaman niyang gumagamit kayo ng mahika," seryosong saad ko sa kanila.



Umiling silang tatlo at mas lalong lumakas ang pagtawa. "Hindi niya kami papatayin dahil malakas na tao ang kinakapitan namin. Hindi niya matatanggihan ang pinuno namin," malakas ang kumpiyansa sa sarili na sagot ng isa sa kanila. Mas lalo akong naintriga sa totoong katauhan ng kanilang pinuno. Mukhang malapit sa hari ang pinuno nila. O maaari rin na ang hari na mismo ang pinuno nila. Pero siguro mali ako dahil ayaw ng hari sa mahika. Wala pa akong ideya kung bakit ipinagbawal ng hari ang mahika pero aalamin ko sa susunod na mga araw. Sa ngayon, lilinisin ko muna ang mga kalat.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon