"You're not yet ready but waiting will get you nowhere..."
AVERY
Natigilan si Zirrius sa tanong ko. Ramdam ko ang namumuong mga katanungan sa isip niya. He wanted to know more. He wanted the truth. Gusto niyang makita ang silid na tinutukoy ko pero alam ko hindi pa rin niya nakakalimutan ang atraso ko. Dismayado ako. Akala ko pa naman ay makakalimutan na niya ang ginawa ko.
"Gusto ko pero hindi ko pa rin palalagpasin ang pagkontrol mo sa katawan ko nang walang paalam," nakasimangot na saad ni Zirrius.
"Kill joy," mahinang sabi ko sa kanya. If only I have lips, I would surely pout.
"What you did is not even funny or joyous so I'm not killing the fun," seryosong sabi niya. He's too serious. Siguro mali ang ipinangalan sa kanya ng ina niya. Mukhang namana niya ang pagiging seryoso sa pangalan niya.
"Fine. I'm sorry. Pero kahit naman magpaalam ako sa 'yo, hindi mo pa rin ako papayagan. Don't worry, I will not do it again," I answered and of course, that's a lie. Gusto ko lang na maging kumportable siya habang nasa loob ako ng katawan niya. But again, that's impossible. Even when I'm not overtaking his body, he's already uncomfortable with my presence.
"Liar. Of course, you'll do it again. Hindi mo na ako maloloko," seryosong sabi niya.
"Kung ganu'n, huwag kang matulog para mabantayan mo ako," natatawang paghahamon ko sa kanya. I was looking forward on the dark circles on his eyes. Tiyak na hindi niya makakayanan ang hindi matulog. Bibigay rin siya kahit ano pa ang mangyari. Mabuti na lang, wala akong katawan kaya hindi ako napapagod at inaantok.
He hissed with annoyance. He sighed heavily. Bumaling ang atensiyon niya kay Kendrick pero iniisip pa rin niya ang sinabi ko tungkol sa sikretong silid na nasa loob ng silid ng ama niya. At naiinis pa rin siya dahil sa ginagawa kong pagkontrol sa katawan niya nang wala siyang kaalam-alam. Sumasakit na ang ulo niya dahil hindi niya alam kung paano ako pipigilan sa ginagawa ko. I grinned inside his head. Magic. He needed magic to do that.
"You're right. She did control my body," seryosong sabi ni Zirrius.
Napailing si Kendrick. Sumandal siya sa isang puno at humalukipkip. "She's reckless for using magic on the palace's grounds. Paano kapag nakita ka ng mga tauhan ng hari? Tiyak na hindi sila magdadalawang-isip na patayin ka. Hindi naman sila maniniwala kahit sabihin mo na may ibang kaluluwa na kumukontrol sa katawan mo," seryosong paalala ni Kendrick kay Zirrius. "You really need to seal her if she doesn't want to listen," he added. My soul frowned. Ginagatungan pa niya ang mga pangamba ni Zirrius.
"Do you want me dead?" tanong sa 'kin ni Zirrius.
BINABASA MO ANG
Soulbound
FantasyAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...