Soul 33: Damon Elswit

39.5K 1.8K 407
                                    

"Because you don't want to be caught off guard..."


AVERY


Sa malawak na talampas kami dinala ni Aivee sa tuktok ng bundok kung saan walang tao na pumupunta. Ang mainit na sikat ng araw ay nanunuot sa balat ni Zirrius. Sa kalayuan ay makikita ang malawak na bukal kung saan umaagos ang tubig pababa sa batuhang bahagi ng bundok. Ito ang pinanggagalingan ng tubig na dumadaloy sa waterfalls. May naglalakihang puno ng mahogany at mangga, sampung kilometro ang layo.


Kumakanta ang mga ibon habang masayang lumilipad sa himpapawid. Ang ilan ay walang takot na dumadaan sa harapan ni Zirrius at nagsasaya at bumabati pa sa kanya. Kung hindi natatakot ang mga ibon sa kanya, tiyak nararamdaman nila ang pagiging mabuti ni Zirrius.


"Did you learn something from Avery?" interesadong tanong ni Aivee kay Zirrius. Gusto kong sumimangot dahil hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya. Basta naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya at nakikipag-usap kay Zirrius. She was wearing an off shoulder shirt and her belly was exposed. It was her usual clothes. Her white pants were made of cotton.


Samantala, nakasuot naman si Zirrius ng isang simpleng V-neck black shirt at black pants. Isinabit muna niya sa isang sanga ang dala niyang cloak at bag.


Kumunot ang noo ni Zirrius. "About mates?" tanong niya pabalik kay Aivee. Kahit ayaw kong turuan ni Aivee si Zirrius, wala naman akong magagawa. Mas mabuti na ito kaysa walang matutunan si Zirrius. Kung ako naman ang magtuturo sa kanya, tiyak na mahihirapan siya. Maliban na lang kung papayag siya na gamitin ko ang katawan niya upang ipakita sa kanya kung paano gumamit at maglabas ng mahika. Sa tingin ko ay hindi siya papayag sa ganoong paraan.


Marahang tumango si Aivee. "Mukhang alam mo na. Did she tell you that your mate can be your equal or your opposite? Madalas, kapantay mo sa lakas ang mate mo pero may ilang pagkakataon na kabaliktaran. Maybe because some elves need balance," dagdag na paliwanag ni Aivee.


"Bakit kailangan kong malaman ang mga ito? Hindi ba pwedeng magsimula na lang tayo sa pagsasanay?" kunot-noong saad ni Zirrius. Hindi siya interesadong malaman ang tungkol sa mates. Hindi siya naniniwala na ganu'n katindi ang magiging epekto sa kanya kung sakaling makita niya ang mate niya. Sabagay, isang tao ang gusto niya kaya nahihirapan siyang tanggapin ang mga sinasabi namin. Hindi niya kailangan ng mate hangga't nandiyan si Liana.


Naglakad si Aivee habang pinagmamasdan si Zirrius mula ulo hanggang paa. Halatang sinisipat at tinatanya kung gaano ang itatagal ni Zirrius sa pagsasanay. Inikutan pa niya si Zirrius para mas maayos niyang mapagmasdan si Zirrius. "Kailangan mong maintindihan 'to. Kapag tumuntong na tayo sa Elven Kingdom at hindi sinasadyang nagustuhan mo ang isang babaeng elf, baka magkagulo lalo na kung may mate na ang babaeng 'yon. Ayokong maging padalos-dalos ka sa kilos mo. You need to know the distinct smell of a single elf and a mated one. Mas mabuti na ang nag-iingat lalo na at bago ka pa lang sa mundo namin," paliwanag ni Aivee. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay ang sasabihin ni Zirrius. "Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan kong ipaunawa ito sa 'yo."


Natahimik na lang si Zirrius dahil alam niyang wala na siyang magagawa kundi ang makinig na lang. Bumuntong-hininga si Aivee at itinuloy na lang ang pagsasalita.


"Single female elves have this fresh and inviting scent especially when they're attracting lovers or trying to look for mates. Katulad ito ng naamoy mo noong isang gabi. While the mated ones, they smell good and tempting too but there's a dangerous scent lingering on them. It's the scent of their mates. The scent of the mating bond. It's a warning scent that if you touch them, be ready to face danger or death. Madalas sa mga lalaking elves ang pagiging seloso. They are territorial. Ayaw nila ng may kahati," pagpapatuloy ni Aivee. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin nila dahil handa silang pumatay para sa mates nila. Ganu'n din naman ang mga babae."

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon