"Are you ready to take risks?"
AVERY
Hindi na nakayanan ni Zirrius ang puyat at pagod. He had no choice but to lay down on the ground. Patuloy pa rin ang panginginig at pagtaas ng temperatura ng katawan niya. Malalaking butil ng pawis ang namumuo sa noo niya at nanlalamig ang katawan niya. Muling bumugso ang malakas na ulan. Mabuti na lang nakahanap kami ng pwedeng tigilan. Kendrick checked the bag of goods given by Zach.
Nakahinga siya nang maluwag nang malaman na hindi lang pagkain ang laman nito. May mga halamang gamot, tubig at langis din. Kendrick was really worried for Zirrius. Nagmamadaling dinaluhan niya si Zirrius at pinunasan ng malamig na tubig mula sa ilog na nadaanan niya kanina. Kung maaari ko lang silang tulungan, ginawa ko na sana. Pero sa ngayon, hindi ko maaaring gamitin ang katawan ni Zirrius upang maglabas ng mahika. Hindi na niya kakayanin pa. I would just make the situation worst.
Nagpakulo din si Kendrick ng ilang halamang gamot upang ipainom kay Zirrius. Kahit nahihirapan si Zirrius ay pinilit niyang uminom ng gamot. Kahit may sakit na siya ay hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ang buong Alveria at si Liana. Ngayon, nagdadalawang-isip na siya kung tama ba ang naging desisyon niya na umalis. Well, for me, he did the right thing. Kung natuloy kasi ang pagbitay sa kanya, wala na talaga siyang magagawa para sa mga mahal niya kapag patay na siya. I just did him a favor.
Muling humiga si Zirrius. Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan niya. Nag-aalalang pinagmamasdan siya ni Kendrick. Ipinatong pa ni Kendrick ang kamay sa noo ni Zirrius.
"Hindi bumababa ang lagnat mo," saad niya at malalim na bumuntong-hinga. Tumingin siya sa labas ng kweba kung saan makikita ang malalaking patak ng ulan. "Hindi ko alam ang binabalak ninyo. Where do you plan to go now?" mahinang wika ni Kendrick. Sa totoo lang, wala rin namang alam si Zirrius sa pupuntahan namin. Ni hindi nga niya alam kung bakit kami pupunta roon. Ang alam lang niya, kailangan kong makabalik sa katawan ko. I wanted to tell him the truth but I was afraid. There's something wrong with this set up. Hindi ko alam kung magiging kakampi ko ba siya hanggang sa huli.
Mapait na napangiti si Zirrius kahit alam kong nahihirapan na siya. His breathing was unstable. Naninikip ang dibdib niya dahil hindi na kinakaya ng katawan niya ang nakapapasong temperatura niya. Inalis ko sa isip ang pag-aalala. Alam ko naman na malalampasan niya ito.
"H-Hindi ko alam. A-Ang alam ko lang babalik tayo," mahina at nahihirapang sagot ni Zirrius. He closed his eyes and after a minute, he lost consciousness. It's now time to talk to his soul through his dreams.
The place inside his subconsciousness was dark and eerily quiet. I wonder where his soul was wondering now. Naglakad-lakad ako upang hanapin siya. Habang naglalakad ay may iba't ibang liwanag akong nakikita. On this part, I could see all the memories, aspirations and ideas Zirrius had that he was not aware of when he's awake. I could tell that this part of himself was like a forgotten or hidden dream. The face of her mother was a part of it. I gasped when I suddenly remembered the letter. Naiwan namin 'yon sa Alveria. Hindi ko alam kung mahalaga ba 'yon sa paglalakbay namin ngayon pero kung mahalaga man 'yon, hindi na kami maaaring bumalik pa.
Natigilan ako nang makita ko si Zirrius sa malayo. So Liana was part of his dream this time? Napapaligiran sila ng rose garden. He was happily talking to an illusion he surely made. Poor him. Naglakad na ako patungo sa kanya. I didn't want to ruin his dream but I didn't want him to live in lies. He already lost Liana. Hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba siya kapag nakaalis na ako sa katawan niya. Sa tingin ko, wala na.
BINABASA MO ANG
Soulbound
FantasyAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...