Phoebe's POV
Another boring day. Forever na ba kami ng ka-boring-an? 'Wag naman sana. Boring na Saturday, puro libro, kung hindi libro, gadgets. Ganyan tayo, eh. Siguro Daily Routine mo, Gising-Lamon-CP-Tulog, repeat.
Naisipan ko na lang lumabas, pupunta ako ng mall, mag-isa. Magbibihis lang ako, yung simple lang. Pagka baba ko nasalubong ko sina Mama at Papa nasa couch nag-chachansingan. Hahaha! Eh, sa yun yung ginagawa nila, eh. Nag dahan dahan na lang akong naglakad palabas.
Yeah! Nakalabas ako, walang galos! OA? Hahaha! Araw ko ngayon, pagbiyan!
Sasakay ba ako? Sige na nga, wala na akong choice. Ang layo ng mall, huy! Kaya ayun, pumara ako ng jeep, ayoko sa taxi, eh, at pagkasakay na pagkasakay ko, nakita ko agad si Troy. Uwaaa! Pwedeng tumili? Lol.
Hawak ko yung damit ko ng mahigpit atnaka lip bite. Baka hindi ko mapigilan, mahampas ko ang buong madla sa kilig na taglay ko ngayon. Naka-side siya, naka headphones at naka-shirts ng kulay green, yung parang kupas, naka-pants ng maroon, at naka-rubber shoes. Puteeeek! Kikitil ako ng buhay dito! Sino gusto mag-volunteer?! Bilis!
Uupo na ako pero walang pwedeng upuan kaya umusog sila, ang astig. Binigyan nila ng open space doon sa tabi ni Troy. Mga taksil!
Hindi niya parin ako napapansin, naka-head phone kasi siya, 'di ba? Tinignan ko yung phone niya, hindi naman sa chismosa. Nakita ko si, si Phoebe? Oo, si Phoebe?! Hutang ene! Hahampasin ko na sana yung katabi ko nang magsalita si Troy. "P-Phoebe, i-ikaw pala." he smiled at me. Waaaa! Pwede na mag bigti? Ready na ako, eh. Charot.
"A-Ay, ako nga." Hoy, Tounge! Tounge ka, tounge in a!
"Ahm..." pambibitin niya. Push, kaya mo yan, bhe. Hahaha! "P-Pwede... Ba..." pagpapatuloy niya sa sinasabi niyang paputol putol. Turn off na ko mga dre. "Tayong mag-date?"
"Huh?" patay malisya mga bes! Hahaha! Yung mga tao pinagtitinginan na kami. Kasi naman, eh. Pwede niya namang ibulong, 'di ba? Pasikta talaga siya.
"Payag ka na, teh!" Kabuteng bakla! Eh 'di kayo na ang mag-date! Pag-umpugin ko kayo, eh!
I smiled at him, yung pilit na parang 'you're-in-my-veins-look'.
"Ayiiiie!" sigawan ng mga tao sa buong jeep. Enebe?! Kenekeleg eke! Taena this!
"Sige na nga." pabulong kong pagkakasabi.
"Ayiiiie!" pero narinig parin ng Madlang Dabarkads. Ang lakas ng pandinig, eh, noh? "Bumigay si bes!" singit pa nung isang bakla. Ang sarap ihampas!
Ilang minutes pa ay bumaba na rin kami, naiilang na ako doon sa loob ng jeep, mabuti naman at nandito na rin kami. "Ahm, saan tayo, mag-dedate? Hahaha! Para malaman niya ang mga pinagsasabi niya. Mag-dedate daw kami, eh. In all fairness, ang gwapo niya.
Napalinga-linga siya, para siyang naiihi kasi hindi siya mapakali. Hahaha! Nakakatawa siya. Ang cute niya pala kapag nalilito. Hahaha! Malito ka na forever! Ang cuuuute! :">
"Huy! Para kang naiihi! Ba't 'di ka mapakali?" tawa parin ako ng tawa. Ang cute niya talaga, promise.
"Ahm, h-hindi ko alam kung saan tayo mag-dedate, eh." napakamot na lang siya sa parteng likuran ng ulo niya. Hahaha.
"Hindi mo pa nasubukan? Hahaha! Ang gwapo mo tapos hindi mo pa palang nasubukan makipag-date?" inatake na naman ako ng kabaliwan. Tawa ng tawa, tinatawanan ko lang naman 'tong kasama kong naiihi, este-hindi alam ang gagawin.
"Oo, eh. Gusto kong maging first date ka." Ay, putek! Bumanat ang sira. Nakaka-eeer! Mukha na ba akong buwang? Hahaha! Tomato, P20 pesos pero kilo! Bili na kayo, ngayon-ngayon lang namula!
BINABASA MO ANG
She's Mine [On-Going]
Teen FictionAng buhay ko'y umikot na sa'yo, paano kung isang araw tutol ang mga magulang mo dahil ang kapatid mo raw ang nararapat para sa'kin? Ipaglalaban mo pa ba 'ko? 12/16/15
![She's Mine [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/56814268-64-k990509.jpg)