Phoebe's POV
Now i know, yun pala yung gusto niyang sabihin sa'kin. Ilang beses nang nag-feedback sa isip ko yun, isang Ash Mendez, guwapo, mayaman, maangas, bad boy, nagkagusto sa akin? Like wow. Hindi ako makapaniwala. Parang si Ms. Philippines lang sa Miss Universe 2015. Ganun! Unexpectable.
Saturday ngayon, boring. Haaay! Ba't wala kasing assignments, ayy! Sem-break pala. Waaa! Boredom Overload.
Hindi parin tumitigil sa kakakatok kung sino mang nilalang yun, sana good news yan kundi pektus! Ang aga-aga eh.
"Hi." sumalubong sa'kin ang guwapong creature ng Earth at nginitian ako nito.Waaa~! Si Ash, OMG, OMG, OMG! Ang guwapo niya! Naka-polo shirt, jogger pants at naka-sneakers. Waaa~! Ang yaman! Saan lakad mo tsong? "Mag-bihis ka, may pupuntahan tayo." alok sa'kin ni Ash, saan? Magtatanan na tayo? Pwe! Ang dumi ng isip ko eh noh? Wahaha! That's life :3
"S-saan?" tanong ko sa torpe.
"Basta! Bilisan mong magbihis. Yung pang-relax na damit, ganun." Ano ba talaga? Na-eexcite tuloy ako. Binilisan kong magbihis gaya ng sabi niya.
Pumili ako, two piece na may skin ng zebra, waaa! Ang ganda nito, ito na lang. Nagsuot din ako ng maluwang na damit at shorts.
"Yeah! Done. What d'ya think?" Naka-ngiti kong tanong kay Ash. Ang guwapo niya sa suot niya! Japorms na japorms! "Huy!" i swipe his face, natutulala na naman si Kuya. Nyahaha!
"Huh? Wala! Hindi, ano?" Hahahaha! Nakakatawa si loko, sino bang niloloko niya?
"Umayos ka nga!" yung mukha ko naka-ngiti na naguguluhan, alam mo yun? Hindi, Kdot.
"Hoo! Okay, tara na. Malayo pa kasi yung pupuntahan natin." hinila ako ni Ash papunta sa kotse niya. Ang ganda. Wait, puno ng pangalan ko yung kotse? Really?! Like wow. Pumasok na kami sa kotse at umupo, gusto ko pang matulog, 5AM. Almost perfect, hindi parin nakakauwi si Mama't Papa galing sa business trip kaya minabuti kong i-text sila at pinayagan naman ako, kilala daw nila ang parents ni Ash kaya pwede. Wait, kilala daw nila? Pero, oo nga pala, 'Business'.
Ash's POV
Mabuti pinayagan ako ni Daddy, siguro hindi pa sinasabi ni Kuya kay Daddy na gusto niya si Phoebe. Hindi na lang sana. Hindi ko kayang mawala pa siya sa'kin.
Natutulog na siya, ang ganda ganda niya talaga, parang araw-araw nag-aayos pero hindi, natural beauty. Paano kung nag-ayos pa ang babaeng 'to? Eh di mag maganda siya. Grabe talaga, mabait, matalino, sexy. Complete Package noh? I feel so lucky. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe papuntang Bolinao, Pangasinan. Tinanong ko kasi si Mommy, trabaho niya kasi. Maganda daw sa Bolinao, magaling kasi siyang mamili. Mapa-damit, home interior design, tourist attractions, etc. Ang galing ni Mom, i idolize her also just like my Dad.
**
Yun nga, nasa Bolinao na kami, ipinarking ko na yung kotse at gigisingin ko na si Phoebe. "Phoebe," inalog ko siya in gentle way. "Babe." pagloloko ko. Hahaha!
"Huh? Bakit babe? " tumayo sa pagkakahiga si Phoebe, ang cute! Bagong gising, just like a princess.
"Nandito na tayo babe." lumabas siya, ba't parang hindi niya napapansin yung babe?
"Anong babe ang pinagsasabi mo ha? Kanina ko pa napapansin eh." napansin niya pala :3
"Hehe, eh di hon!" pagloloko ko.
"Tse! Tigilan mo nga ako Ash!" pagtataray ni Hon, hon naman eh. Sorry na. Tumalikod siya sa'kin.
"Sorry na hon." niyakap ko siya, back hug. Hindi ko alam ang gagawin eh, ewan ko ba. Hindi ako nagiging bad boy 'pag siya ang kasama ko. Halos hindi na nga ako bad boy eh, classmate ko kasi eh. Ayokong ma-turn off siya sa'kin kaya iniiwasan kong maging bad boy. Maybe when I loose her, The Bad Boy King of Kings shall return.
BINABASA MO ANG
She's Mine [On-Going]
Teen FictionAng buhay ko'y umikot na sa'yo, paano kung isang araw tutol ang mga magulang mo dahil ang kapatid mo raw ang nararapat para sa'kin? Ipaglalaban mo pa ba 'ko? 12/16/15