Phoebe's POV
Nag-aaral ako sa Luxemberg High, isang private school. Pang-mayaman, magarbo, mahal ang tuition.
Nasa school na 'ko ngayon at hinihintay mag-bukas ang room.
Isang oras pa bago ang first subject namin nang dumating ang tinatawag nilang 'SPICE GIRLS'. Yung mga magaganda, mayayaman at sexy pero hindi matalino. Hanggang cover lang sila ika nga. Ako? Sa loob lang, mabait, matalino at talented. It means, I'm much better than those creatures at my front, and ooh. Tinitignan ako taas baba, judging my body huh? Maldita ang mode ko nu? Hehez.
"Hey you wierdo!" panlalait niya sakin. Ayokong makipag-away pero palagi akong sinusubukan ng mga estudyanteng mayayaman sa pera pero mahihirap sa katalinuhan.
"I'm not talking to amonkey." di ba? Sasagutin ko ng ganyan at nang matahimik na lang.
"How dare you?!" asar na asar na siya.
Hindi ko na lang pinansin.
"Argh!" Sanay na'ko sa mga bulok nilang style, napag-kakamalan pa nga akong maldita eh, pero hindi. I mean, half-half.
Sa wakas, 8:30 na at ibig sabihin our 1st subject is going to arrive. Favorite subject ko 'to kaya maaga ako palagi.
Kriiiiiiiing!
**
"Good morning students, first day ngayon di ba? Introduce your self." sabi nung sir ko sa Mathematics. Si Sir Gaspar.
Isa-isa nang tumayo yung mga kaklase ko at ako na susunod...
Hi, my name is blah blah, from blah blah. Thank you.
Hi, i'm blah blah, from blah blah, i believe in saying that, blah blah.
Heto na, ako na susunod.
"Hi, my name is Phoebe Aviana Zarate, 15. I believe in saying that, attitude first before beauty. Thank you." tapos nagpalakpakan sila, pati yung sir namin. Syempre, ako kasi yung validectorian dati nung 3rd year, ngayon 4th year na 'ko. Ang bilis ng panahon.
Natapos na rin lahat, nakapagpakilala na. At pinalibot kami para malaman kung saan ang mga room subjects namin.
Wala pa akong friend ni isa, pinipili ko kasi bago ako makipag-kaibigan. Marami kasing kaibigan kapag may kailangan lang, kapag namomroblema. Ayoko sa plastik.
Napatingin ako sa paligid ko at parang may nakatingin sa'king babae, nginitian niya ako, nginitian ko rin si as usual. Papalapit na siya sakin nang may kasamang ngiti, hindi ko siya kilala pero nag-ngitian kami.
"Hi, I'm Julie Cabatbat," at inaalok ako nito ng shake hands. "Be my friend.." wow ha? Parang inaalok lang akong kumain, hard to get ako nu. Haha!
"Sige, tatanggapin ko pero prove mo na totoo ka." I mean, dapat 'di siya plastik na lumulutang 'pag nasa tubig. At inabot ko na rin yung kamay ko,"Mauna na 'ko, they're out of my sight." tapos kumaripas ako ng takbo.
Julie's POV
Yah, nakipagkaibigan ako kay Phoebe dahil alam kong totoo siya. Totoong kaibigan, hindi plastik, maganda at sexy pala siya, what if?! *evil grin*
"Sige!" sigaw ko sa kanya kahit malayo na siya.
Phoebe's POV
Haaay! Napagod ako sa kakatakbo, hinabol ko kasi sila. Si friend kasi eh, si Julie. Naki-chika pa, hehehez. Ang bait niya, sexy, maganda, mayaman.
Wait... Naduduling ba ako? May.. May.. Gwapo kasi sa harap ko. 'Di ko pero kilala, siya ba yung.. Campus Prince? Kasi ang daming sumusunod na aligagang babae at nagtitilian pa. Hay naku.
"Hi," bati sa 'kin nung stranger na naka-shades pa.
"I'm not talking to a stranger." naka-talikod parin ako sa kanya. Kahit gwapo ka, study first ang mode ko.
"I'm Ash Mendez." inaalok niya ako ng shake hands, pangalawa na 'to ah? Ano'ng trip nila? "Miss?" parang gusto niyang sabihin na tanggapin ko yung shake hands. Hindi ko pinansin. At parang lahat ng babae eh tinatarayan ako, huhu! Parang papatayin ako ng wala sa oras. Help!
"Hmp!" tapos umalis na 'ko dun, ayokong makipagkilala sa mga famous. Mabuti kung kay Jully, half fame, half simple pero maganda't sexy si Julie.
**
Nasa room na 'ko at naisipang bumili ng makakain sa canteen, ang layo ng canteen sa room namin. Nasa kabilang building pa yun. Hays!
Nasa canteen na 'ko, at parang nagbubulungan yung mga babae nung pagkapasok ko. Hindi naman ako famous?
Minabuti ko nang bilisang bumili bago pa mapektusan ng mga 'to. Kumuha ako ng cheese burger cost P30.00, kitams? Ang mahal nu? Makabagbag bulsa, lustay ipon ko nito eh. 'Di joke lang. Haha!
Kumuha ako sa bulsa ko at ang pera ko lang P20, kung mamalasin ka nga naman. Ngayon ko pa naiwan yung pera ko sa bag.
"Pakibigyan siya ng dalawa ng order niya, sagot ko na." pagmamayabang nung lalaking nakipag-kilala sa 'kin pero 'di ko pinansin.
Kinuha ko yun at agad umalis, pero hinabol niya ako. Ano bang problema nito?
"Wala ka man lang sasabihin na kahit ano, miss?" yung gwapo este si Ash eh sunod ng sunod.
"Thanks." no emotion kong pagkakasabi.
"What's your name?" tanong niya sa 'kin.
"N.O.Y.B." Humarap ako sabay irap at umalis pero hinawakan niya yung kamay ko. "Bitawan mo nga ako!"
"Phoebe Aviana Zarate, right?" pala! Tapos tanong pa ng tanong! Idiot-,-
"Alam mo na pala, ba't mo pa tinatanong?" this time naka-tingin na 'ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga pero study first ako nu.
"Nice name, wala lang." tss, wala pala yun-___-
Pabalik na ko sa room ko nang nakaharang sa harap ko yung tatlong spice girls, si Veronica, Venice, at Vanessa. 'Triple V' dapat ang ipinangalan sa kanila eh :3
"Look who's here.." sabi sa 'kin nung Veronica? Ang gulo. 'Di ko sila kilala at wala akong pakialam.
"Malandi." pagpapatuloy ni Vannesa. Ako malandi? No way, at sino namang nilandi ko?
"Seducing our Ash!" sabi ni Venice. Seducing?! Big word! How dare you?
Iniwasan ko na lang sila at naglakd akong muli.
"Huwag na huwag mo kaming talikuran!" alam ko sa mukha niyang punung-puno na siya. Veronica!
Hindi ko sila pinakinggan kaya hinila nila yung buhok ko at agad itong hinila, ouch! Ang sakit. First day na first day of school may away. Hindi ko siya pinatulan hanggang may dumating, si Ash. Yung mga Spice Girls eh nagpaawa effect. Lol, sino maniniwala sa inyo?
"Oh Ash, she slap my face, huhuhu." binabaliktad nila yung nangyari.
"Sinabunutan niya ako, ang sakit."
Tapos si Venice naman kunwari nasaktan. Mukha nila!
"Nakita ko ang nangyari! Isusumbong ko kayo sa Guidance because of what you've done, you Spice Girls." syempre 'di ako kasama dyan, ako ang inapi. Mabuti hindi ko tinira. Fooo.
"Please Ash, please. Don't tell them what we have done!" lumuhod na silang tatlo sa harap namin ni Ash. "Please?"
"Napatawad ko naman na sila." sabi ko kay Ash kasi yung tingin niya parang gustong sabihin na 'ano'.
"Don't hurt her anymore or else," itutuloy pa sana niya pero sumagot agad yung tatlong spice girls.
"Promise!" sabay silang nagsalita.
"Good, tara hatid na kita sa room mo." alok sa'kin ni Ash, ang bait mo pala.
**
BINABASA MO ANG
She's Mine [On-Going]
Teen FictionAng buhay ko'y umikot na sa'yo, paano kung isang araw tutol ang mga magulang mo dahil ang kapatid mo raw ang nararapat para sa'kin? Ipaglalaban mo pa ba 'ko? 12/16/15
![She's Mine [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/56814268-64-k990509.jpg)