Chapter 16: Handkerchief

9 1 1
                                        

Phoebe's POV

"Huh?" tinawag ako ni Sam at ngayon ay hinihila niya ako sa kung saan.

Hinila niya lang ako ng hinila. Natanaw ko si Claire, doon niya siguro ako idadala?

Huminto na kami, ang ingay. Ang daming tao, puro babae, kung hindi naman, bakla. Meron din namang lalaki, pero may kasamang girlfriend. Walang forever!

Sinabi ko sa isip ko, "Nandyan na si Athena Ericka Artemis!"

Hahaha! Nandamay talaga, eh, noh?

Nakisiksik lang ako hanggang marating ko ang rurok ng tagumpay, este yung bulletin board. Ay, putrages! Sa Bulletin Board lang pala ako dadalhin ng best friend ko. Bumalik yung tingin ko sa Bulletin Board. Another putrages, nandun ako. Ganun na ba ako kasikat? Wait, kasama ko sa picture si, si Troy?! Let me think, yun yung sa Starbucks last Saturday. Yung mga bata! Siomai sila! Ba't yan nadyan? Pagpipiyestahan ba nila ako? Kami? Mali, marami pang ibang pictures, halos mag-syota. Ba't kami? Hindi naman kami, ah? Walang kami.

May nabasa akong 'Cutest Couple'. Couple?! Okay na sana ako dun sa cutest, pero ba't couple?! The heck! Hindi kami! Walang kami!

Tinignan ko lang ng tinignan, pinagmasdan lang pala. Napansin ko na lang na biglang tumahimik. Tumalikod ako para tignan kung time na ba at wala ng tao.

Pagkatalikod ko, nakita ko si Ash. Mukhang galit, pero gwapo parin. "Yes?" tanong ko.

"Kayo na pala." at tumingin siya sa left habang nakangisi.
Ang gwapo niya sa side view! Kahit nakatalikod! Kahit nakaharap! Ikaw na! Ikaw na ang gwapo! Fvtek lungs.

"Walang kami."

"Ano yan?" at ngumuso siya dun sa bulletin board. Ay, yun pala ang pinaglalaban niya.

"Bulletin Board." pamimilosopo ko. Tumawa naman yung iba sa paligid namin.

"Tss." lumapit siya sa akin, sa bulletin board pala at binuksan yun. Made of glass kasi. Kinuha niya yung picture namin ni Troy. Tatangkain niyang punitin ng may pumigil sa kanya.

"Don't you dare tear the picture, Mr. Ash Mendez." pagbabanta ni Madam Principal. "Ano'ng problema mo sa dalawa? Should I say, ano'ng problema mo kay Troy?" at inukut-ikutan ni Madam Principal si Mr. Jealous.

"I don't have any problem, Ma'am." sagot niya.

"Are you sure? And why are you tearing the picture? Is it, because you're..." binitin pa kami ni Madam Principal, eh, noh?

"Jealooooouuus!" sigaw ng mga tao sa paligid. Nasa gitna kasi kami.

Sinamaan ni Ash ng tingin yung mga tao kaya natigilan sila. "Excuse me." at lumabas na siya sa gitna at umalis. Ano problema nun?

"Excuse me. Ms. Lazarte, ilagay mo na 'tong picture niyo, contest 'to, eh." at lumabas na rin si Madam Principal.

Gaya ng sabi ni Madam, ibinalik ko yun at saktong nag-bell na ang ring.

Hahaha! 'Di mo napansin, noh? It should be,
'Nag-ring na ang bell.'
Hindi, 'Nag-bell na ang ring.'

Hahaha! Ayus ayus din sa pagbabasa 'pag may time.

Dumiretso na ako sa room ko at nandoon na pala silang lahat. Si Ash naman nasa sulok. As usual, katabi ko na naman si Mr. Jealous.

Sounds chismosa na ako, naririnig ko kasi yung pinaguusapan nila. Kahit iwasan kong makinig, malakas talaga yung paguusap nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Mine [On-Going]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon