Chapter 6: Can't Hide Feelings Anymore

17 1 0
                                        

Phobe's POV

[Hi.] nagulat ako sa tumawag.

"Ba't ka naman napatawag?!" Syempre! I hate that person! Si Asher Baltazar, yung ex ko. Ooh, magkasunod yung pangalan nila Ash. *!*

[Saan na nga ba yung school mo?] tanong ni Asher.

"Sa Luxemberg High, bakit?" Huwag mong sabihing...

[Doon na 'ko mag-aaral sabi ni Mommy.] What?! Hindi pwede!

*toot* *toot* *toot*

Binabaan ba naman ako? Bastos! Bakit siya lumipat ng school?! Si Asher Baltazar yung ex boyfriend ko, mga 2 months lang kami, hanggang doon lang ang nakayanan namin dahil nahuli ko siyang nakikipag-make out. Yun nakipag-break ako sa kanya. Dati naman hindi siya ganun eh, mabait yun pero baka nadala ng temptasyon. Past is Past! Wala naman na eh. Tapos meron ng Ash Mendez ang buhay ko. Mwehehe!

7:30AM || School || Fast Forward

Nalate ako pero mas nalate yung Advisory Teacher namin, meron daw kaming bagong kaklase. O, M, G! Baka si Asher yun! Oh huwag po! Ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking yun!

"Class, I have to tell you something." napalunok ako. "Meet Mr. Asher Baltazar." pagpasok niya, nagsitilian yung mga kaklase ko. Holy sheet! He's still handsome and kinda hot! Naglalaway ata ako. Waaa!

"Huy Phoebe Aviana Zarate! Naglalaway ka." sigaw nung kaklase ko, nasa likod ko kasi siya naka-upo. Really?!

"Saan?! Ano? Hindi, wala." nagtawanan ang lahat, ako syempre ang pinagtatawanan. Masanay na kayo.

"Pwede bang umupo na lang ako sa tabi ni Aviana?" Oo, tama ang narinig niyo. Aviana ang tawag niya sa akin. Kahit nung kami pa. Haay! Past is past sabi eh. Ano?! Sa tabi ko? No way.

"Babe," biglang sumulpot si Ash, at babe ang tawag niya sa'kin. Wow ha?! "That seat is reserved." tapos tinuro ni Ash yung upuan sa tabi ko.

"Dib--" idinampi ni Ash yung daliri niya sa labi ko, pwede bang yung labi mo na lang? Charot.

"Okay." sabi ni Asher.

Hinila ako ni Ash palabas ng kuwarto. Hindi ko alam kung saan kami papunta.

Tumigil kami sa isang room, hindi ko alam kung anong room 'to.

"Sino yun ha?!" hawak niya yung magkabilang balikat ko.

"Aray, nasasaktan ako." pagrereklamo ko. Ang sakit kasi.

"Sorry, sino kasi?" binitawan niya ako. Haay! Nakahinga din ako ng maaliwalas. Bakit ba siya interesado?

"Si Asher Baltazar. Ex ko." nanlaki yung mata niya, naiyukom niya yung kamao niya, problema nito?! Parang baliw.

Dumiretso siya sa room namin, ako naman sinundan siya kasi doondin ang room ko.

"Ano bang problema mo?" bulong ko kay Ash habang nagtuturo si Sir sa harap.

"Wala." sabi niya, ang sexy. Waaa!

"Ano nga?" tanong ko ulit, imposibleng wala lang yun. Halata kasi sa kanya na nagseselos siya, wait! Gusto niya kaya ako? Huwag kang assuming Phoebe. Hindi ka pa sigurado.

"Wala nga sabi!" ooops! Shete ka Ash! Ba't ka sumigaw?! Pinagtitinginan na tuloy kami.

"Is there any problem Mr. Mendez?" tanong ni Sir.

"Nothing." Wae? Liar.

Bumalik na ulit siya sa pag-didiscuss. Hooo! Natakot ako dun ah. First time niya akong nasigawan. Kakausapin ko siya mamaya. Ano kayang sasabihin niya? Hmm, let's see.

She's Mine [On-Going]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon