Chapter 5: Posters

21 1 0
                                        

Phoebe's POV

La la la la la la la!

Ang sarap ng tulog ko, paggising ko it's almost perfect. Nandyan si Mama, pati si Papa. Naisipan kong mag-jogging saglit habang maaga pa. Nagbihis ako ng pang-jogging, lumabas at tumakbo.

Malayo-layo din ang tinakbo ko, at unang kamalasan, naiwan ko yung tubig. Haaaay! Mabuti hindi malala pero pagod na pagod na 'ko. Mukha na nga akong asong nanghihikapos, nakalabas na din yung dila ko. Nyaaaaa! Aso, CONFIRM.

Umupo ako sa may bench dail sa sobrang pagod.

Wait, ano yung natatanaw ko?! Parang isang lalaking maganda ang katawan na nagpapawis, shemay! Ang hot niya! So damn hot! OMG! Ang guwapo niya! Ang hot! Complete Package ang dating! Si...

"ASH!" Waaaaa! Ngayon ko lang napansin na ang hot niya pala! Sh*t! Pagpawisan ka na lang palagi Ash! Hoomay! Perfect Day! Good luck, sapian mo 'ko!

"Oh Phoebe," sabi ni Ash with his sexy voice na pagod na pagod. "Nag-jojogging ka pala." pagpapatuloy niya. Ang hot ng boses niya.

"Ah.. Hehe, nag-jogging ako, maaga pa kasi." *smile*

Tumabi siya sa kinauupuan ko, sheet! Ang guwapo na hot! Eto na! Titirain ko 'to! Charot lang.

"Meron ka pa bang tubig dyan?" tanong ko habang siya pero naka-akbay sa'kin. Waaaa! Kinikilig na 'ko, flattered inside, 'di lang flattered,

deads na. End of the story. Hahaha! Joke lang.

"Yun nga, kumuha siya sa bulsa niya ng dalawang bote ng tubig at ibinigay sa'kin yung isa, "Aahhh." tunog na parang napreskuhan.

"Hahaha!" tawa ni Ash. Aaaargh! Pagtawanan daw ba ako? :((( "Uwi na tayo?" alok sa'kin ni Ash.

"Sige." dahil sa pagod na pagod na'ko, inalok ako ni Ash na buhatin na lang ako, buhatin na parang bagong kasal. Yeaaaah! Kilig Ubeerlod mga daay!!

"Ang bigat mo pala." sabi sa'kin ni Ash habang bitbit ang sinasabi niyang mataba. "Pero sexy ka parin" Pwe! Sino'ng sexy?!

"Manyak! Hindi ako sexy!" pagsusungit ko, inirapan ko na lang siya. Gustung-gusto ko 'to, ang saya ko. Parang ikinasal ako sa taong karapat-dapat kong pakasalan, pero kailangan paring siguraduhin kung siya na nga talaga.

"Tss."

Dumiretso muna kami sa bahay namin at umuwi na siya. May isang oras pa para makapag-prepare for school. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis, pagkababa kumain, pagkatapos kumain nag-ayos ng kaunti. Hindi naman ako maarte nuh.

On the way na 'ko papuntang school, naglalakad ako, may pasok si Papa sa trabaho niya. Kaya yun, naglalakad ako.

Sa wakas nasa harap na 'ko ng school and wait, nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong mga POSTERS!

Ako, kasama si Ash?! Sino namang gumawa nito?! Iharap niyo sa'kin! Ang sama niya! Kung sino man siya, ang yaman naman niya? Napuno ng posters yung buong campus. Ilang tarpaulin din yun. Wait, sino ba kasi yun?!

Nakayuko akong pumasok sa school papunta sa room ko, ang sama ng tingin ng mga tao sa'kin. Feeling ko ang sakit ng tingin nila sa'kin. Ngayon, alam ko na. Malandi na ang tingin gnmga tao sa'kin. Pero hindi, hindi ako malandi. Nagkataon lang ang mga yan! Kasalanan mo lahat ng 'to, ikaw TADHANA!

May kung sinong humawak sa kamay ko, si Julie lang pala. "Hi Julie." walang sigla kong bati kay Julie. Ano pang mukhang maihaharap ko sa kanya.

"Oh, ba't ka malungkot? Dahil ba sa mga posters na yan? Tsk, huwag mong alalahanin yang mga yan!" masiglang tugon ni Julie. Haaay! Mabuti ka pa masaya, wala kang problema. "Si Ash ang bahala dyan, 'di ba nga siya ang bad boy dito? At siya lang ang may karapatang gumawa ng mga ganyan. Matalino yun, alam niya ang gagawin niya." ngnisian ako ni Julie at unalis na. Totoo nga siyang kaibigan. Pero teka, si Ash na siguro ang bahala, teka ulit, yun matalino? Hahaha! Teka ulit, ay wala na.

Ngumiti ako kahit walang nginingitian, sana dumating na si Ash. Naglalakad pa din ako, malayo pa 'ko nang may nagtangkang humawak sa kamay ko. "Phoebe, don't worry about that." bulong sa'kin ni Ash habang nakahawak siya sa kamay ko. Ganito din yung feeling ko nung nasa mall kami, pero mas nakaka-tense sa school. Geez, pinagtitinginan na kami, i mean si Ash-___-

"Hoy!" sigae nung babaeng nakaharang sa harap namin ni Ash. Siya ba yung, yung humalik kay Ash dun sa Parking Lot?

Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga yun! Siya! At baka siya rin ang may kinalaman dito kasi mukhang galit na galit siy sa'min ni Ash, ay ako lang pala.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" mukhang galit na galit si Ash.

"Remember? This school is ours." Oo nga, sila ang may ari ng school na 'to. Ang yaman nila.

Magka-holding hands parin kami ni Ash hanggang ngayon, yung babae naman ay nakatingin sa kamay namin na parang nakakakita ng tae. Like duh, hindi ki ito ginugusto. I mean, gusto ko pero hindi dito. Oo, gusto ko na si Ash, wala nang makakapigil sa nararamdaman ko.

"Tara na." bulong sa'kin ni Ash, dumaan kami sa gilid nung babae, si Micole ba yun?

"Mga bastos!" sigaw ni Micole sa'min ni Ash.

Nakarating na rin kami sa room namin ni Ash. Tinignan ko si Ash mata sa mata, dideretsahin ko na siya. "Ash, ba't mo ginagawa sa'kin yun? Yung pagliligtas, pamamasyal, pag-iistalk, pag-hoholding hands, at pagiging PDA?!" Sabi ko sa kanya ng seryoso, siya pero napalunok. Hindi ko siya maintindihan, pwede niya naman akong diretsahin eh. Torpe ba siya? Duwag? Baka both?! Ayoko sa mga duwag!

Third Person View

Pinagpapawisan na si Ash, hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo o itago muna ito. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano'ng magiging pasya mo?

"Ano?!" sigaw ni Phoebe kay Ash, sa loob-loob ni Phoebe gusto niya na talagang malaman.

"K-kasi..." paputul-putolna tugon ni Ash. Kinakabahan siya, baka kasi 'pag sinabi niya na gusto niya ito, agawin ito ng Kuya niya gaya ng dati.

Kapag nagustuhan kasi ng Kuya ko yung nakaka-relasyon ko, nakukuha niya.

Yan ang tumatakbo sa isipan ni Ash kaya ayaw niya pang aminin.

*Kriiing*

"Mag-uusap pa tayo mamaya." banta ni Phoebe, ayaw niya kasi sa mga duwag at torpe.

Phoebe's POV

Haaay! Nasira na ng tuluyan ang araw ko! Kanina sa corridor, ngayon naman hindi ako makapag-concentrate dahil sa mga nangyari, nakilala ko pa yung ex ni Ash! Hays! Oo, selos nga itong nararamdaman ko. Nag-didiscuss ang teacher namin pero parang wala akong mapakinggan dahil sa gulo ng isip ko. Kasalanan mo 'to Ash! Ang sama mo! Math pa naman 'tong subject na 'to. Bumawi ka sa'kin Ash.

Yun nga, tapos na ang klase namin sa umaga, papalabas na 'ko nang may nagtulak sa'kin, pinagpapasahan nila ako, mga babae. Yung tatlong Spice Girls at si Micole. Apat na sila ngayon huh?

Pinagpasapasahan nila ako hanggang natumba ako sa gitna nila. "Aray!" bumagsak yung puwet ko sa sahig, ang sakit sakit.

"Akin lang siya!" sigw sa'kin ni Micole habang yung tatlo naman ang sakit ng tingin sa'kin.

"Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ha?!" This time, umiiyak na'ko. Hindi ko na mapigilan, Ash! Kailangan kita ngayon! Saan ka na ba?

"Cry until you die." sabay tawa, ibinuhos ko na lang lahat ng sakit na naramdaman ko sa araw na 'to. Worst Day ever! Yung posters na yun eh!

"Huwag ka ngang umiyak dyan!" maykung sinong humila sa'kin at itinayo ako. Hindi ko siya makita sa sobrang dami ng luha sa mata ko, hindi ko na rin mapansin yung boses niya dahil sa humahagulgol na 'ko.

Pinunasan niya yung mga luha ko at nakikita ko na siya, si Ash. Si Ash! Salamat at nrinig mo ako. "Tahan na."

Napatingin kami ni Ash sa likod kung nasaan yung apat. Tumakbo sila, siguro binigyan ng death glare ni Ash yung mga yun.

"Ba't mo 'ko iniwan?" yakap-yakap ko na siya ngayon, hindi ko lang napigilan.

"Sorry. Sorry for everything. Hindi na mauulit, hinding-hindi na kita iiwan." He give me a hug, tight hug.

"Promise?"

Hinalikan niya ako sa noo. Hindi ko alam ang meaning.

**

She's Mine [On-Going]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon