Chapter 31 [Reminiscene]

140 12 2
                                    

LJ's POV

"Hala naku puro na lang aksidente." Comment ni mommy dun sa news na napanood nya.

"Bakit mommy anong meron?" tanong ko sakanya.

"Nahulog kasi yung bus sa bangin. Tsk ang dami pa naman sakay. Kawawa naman yung mga pasahero dun." naawang tono ni mommy.

Tumayo na ako para pumunta sa kusina. Eh nakaramdam na naman ako ng gutom, kahit nag take na kami ng breakfast ni mommy.

"Ano bang pwede kainin? *le bukas ng ref* hmm ito kaya??" kinuha ko yung strawberry jam. Guys favorite ko ito, hindi para ipalaman sa tinapay. Papapakin ko ito, masarap kaya yung ganun lang hahahaha.

Pagkakuha ko bumalik ulit ako sa sala para manuod ulit. Napansin naman agad ni mommy yung ginagawa ko sa jam.

"Oyy LJ kakabili ko lang nyan kahapon. Wag mo uubusin yan!!!" singhal sakin ni mommy.

"Opo." yun lang nasabi ko eh. Hahaha busy nga kasi ako sa pagkain ano ba?!! Hahahahaha.

*Diiiinnnngggg dooooongggg!!!!"

"LJ buksan mo yung gate may nag doorbell." wala ako magagawa kaya tumayo ako para pagbuksan kung sino man yun. Ke aga aga bumibisita hahahaha reklamadora ako.

Agad ko naman binuksan yung gate at nakita ang isang lalaking sobrang puti na may dalang pink roses.

"Ano yan?" tanong ko sakanya. Oo nga pala si Suga ang nasa harapan ko.

"Flowers." buseeth!!

"Oo alam ko. Pero bakit may dala ka nyan?" gusto mo ba basagan tayo dito? Aga aga nad vibes tsk.

Inabot nya sakin yung flowers. Hala tatanggapin ko ba or hindi. Oo o hindi. Ayoko tanggapin baka kasi isipin nya okay na kami. Masakit pa sa heart yung ginawa nya.

"Ang ganda naman nyan." nagulat ako. Ayy kami pala ni Suga, nang kuhain ni mommy ang flowers na dala ni Suga.

Naglakad na papasok si mommy at bago sya pumasok sa pintuan tumingin ulit sya sa gawi namin.

"Oyy LJ papasukin mo yang si Suga." pagkasabi ni mommy nun agad na syang pumasok sa loob ng bahay.

Wala na ako nagawa kung hindi papasukin si Suga sa loob. Naupo sya sa sofa at ganun din ako pero hindi ko man lang sya nililingon.

"Yoongi ang bango ng flowers. Para sakin ba ito?" grabe nho??  Ang assuming ng mommy ko. Tss para sakin yan mommy hindi sayo.

Natawa na lang si Suga sa sinabi ni mommy.

"Nag breakfast ka na ba Yoongi?" tanong naman ni mommy.

Syempre nag breakfast na yan. Futek yaman yaman nyang taong gilagid na yan eh.

"Opo tita." ano pamangkin ka? "..bago po ako magpunta dito kumain na ako sa dorm." aba dapat lang alangan naman dito ka pa makikain.

"Hmm okay. Anyway bakit ang aga mo pala dito ha?" Usisa ni mommy kay Yoongi.

"Ayain ko po kasi sana mag date si Lyrra." Pagkasabi nya naman agad ako napasagot ng...

"Sorry busy ako." Ayoko pa kasi sya makasama. Masakit pa nga yung nalaman ko tapos date na okay lang ba sya.

"Busy?? Naku busy yan sa pag ubos ng strawberry jam. Sige na isama mo na yan." grabe talaga si mommy eh nho?? Ganyan talaga sya ka pabor kay Suga.

"Sinabi na ngang busy ako eh." padabog akong pumasok sa kwarto ko.

Kaasar naman eh, ayoko nga sya makausap o makita maka date pa kaya. Ayyttsss naman ang aga aga talaga nitong bad vibes.

Suga's POV

Biglang pumasok si Lyrra sa kwarto nya. Nasaktan ba talaga sya dun sa sinabi ko? Oo alam kong ilang buwan pa lang nawala si Clarisse, hindi yun madaling kalimutan pero dahil nandyan si Lyrra nagagawa ko. Hindi naman ako nagsisinungaling nang sabihin kong mahal ko sya. Totoo yun, alam kong magkahawig sila ni Clarisse pero ibang iba si Lyrra. Makita ko lang sya buo na ang araw ko.

"Yoongi pasensya na ha?" sabi naman ng mommy ni Lyrra.

"Okay lang po yun tita. Sa ibang araw na lang po kapag hindi na sya busy." tapos nag smile ako.

Hindi naman kasi talaga sya busy, iniiwasan nya lang ako at ramdam ko yun. Kailangan ko lang gumawa ng paraan para mapatawad nya ako.

Nagpaalam na ako kay tita at sumakay na ng kotse. Saan ba ako pupunta? Hndi ko alam ayoko muna kasi umuwi sa dorm kahit gusto ko pang matulog. Bigla ko na lang naisip na magpunta sa isang lugar. Yung lugar na peaceful yung makakapag isip ako ng maayos.

---------

After ilang months nakapunta ulit ako dto. Kapag nandito ako nagiging magaan ang pakiramdam ko. Bakit? Ang ganda ng paligid, puro huni lang ng ibon ang maririnig ko isama pa ang ihip ng hangin. Masarap pakinggan parang musika na nabubuo sa aking pandinig.

Naupo ako sa ilalim ng puno, pumikit ako at inalala ko ang mga sandaling nandito ako kasama ang taong pinakamamahal ko. Sa lugar na ito kami masayang nagkukwentuhan at walang humapay na kwentuhan at kainan. Dito namin sinimulang buoin ang pangarap namin, ang future namin pero nang dahil sa isang iglap nawala ang lahat.

Guys sorry kung sa mga oras na ito si Clarisse ang iniisip ko. Mahal ko si Lyrra pero hindi ko basta basta makakalimutan ang mga ala-ala namin ni Clarisse. Kahit ngayon lang hayaan nyo akong alalahanin ang mga sandaling yun.

Si Clarisse dito ko sya una nakita. Nakaupo sya dun sa isang puno na napapalibutan ng mga bulaklak habang ako nandito, oo dito mismo sa pwesto ko ngayon nag susulat ng isang kanta. Nagandahan ako sakanya, ang amo ng kanyang mga mata ang matangos nyang ilong at ang maninipis na labi. Mahinhin din ang pagkilos nya, para syang diwata nabubuhay sa mundong ibabaw. Walang katulad ang ganda nya. Hindi lang pala sya diwata. Isa syang anghel na diwata. Hindi ko alam kung paano magrereact, basta nung mga panahong yun isa lang pinangako ko sa sarili ko. Iingatan ko ang babaing yan. Pero...pero ako pa ang naging dahilan ng pagkawala nya.

Naramdaman ko ang agos ng luha sa mga mata ko, hindi ko alam kung paano ko pa maitutuloy ito.

"Clarisse kung nasaan ka man, tulungan mo naman ako. Ayoko makulong sa masakit na nakaraan." at patuloy ang pag agos ng luha ko. I can't manage it.

Napasandal na lang ako sa puno habang patuloy ang pag iyak ko. Nararamdaman nyo ba nararamdaman ko? Kung alam nyo lang kung gaano kasakit ang mga nangyari. Ako mismo ang pumatay sakanya at sa pangarap naming dalawa. Hindi ko naingatan ang babaing pinaglaan ko ng buhay sa loob ng tatlong taon.

Nung mga oras na nawala si Clarisse hindi ko alam kung paano magsisimula, paano makakaalis sa sakit na dulot ng pagkawala nya. Nag iba ang lahat. Naging sarcastic ako sa mga kasama ko. Masyado ako nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Hanggang sa nakaraang June nakita ko sya ulit. Akala ko muling nabuhay si Clarisse pero diba imposible ang ganun. Nakita ko si Lyrra na halos kahawig na kahawig ni Clarisse, akala ko kambal nya ito pero mali pala kasi imposible yun. Magkaibang pamilya ang pinagmulan nilang dalawa. Wala naman nasasabi si Clarisse na may twin sya. Inakala ko nung una katulad si Lyrra ni Clarisse pero mali ako. Palabang babae si Lyrra, natuwa ako sakanya at hindi nagtagal nahulog ang loob ko sakanya. Niligawan ko sya sa loob ng ilang buwan pero nung nakaraang araw lang sinaktan ko sya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko!!" halos mabaliw na ako sa kinauupuan ko dahil sa mga iniisip ko.

Pero isa lang ang sinisigurado ko, magiging kami ni Lyrra at aalagaan ko sya tulad.. ayy hindi higit pa sa pag aalaga ko kay Clarisse. Hindi ko hahayaan na masaktan sya o anao man ang mamgyari sakanya. Iingatan ko ang babaing mahal ko.




Whhhhaaaahhh ang emo ni Suga sa Chapter na ito huhuhu. Nadadala ako sa emotions nya bakit ganun . Ayy hahahaha.
Guysss whhhhaaaahh CONGRATULATIONS!!! Naka 500+ na tayo megeshhh nagawa nyo ^^ dahil dyan ito na. Minsan kwentuhan tayo sa fb okay :-) ito na po talaga Yoon Min Jung yan ang ginagamit kong fb syempre si Jhope ang dp ko. Tatlo po kasi ang bias ko sa bts Si Rapmon, Suga at Jhope. Anyway thank you so much. Support, Vote and Comment. Share nyo na din sa friendships nyo. I Love You Guyseu ^^

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon