Chapter 38 [Cracks of My Broken Heart]

114 14 0
                                    

Jhope's POV

Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Nakakatuwa talaga at nag enjoy ako na kasama si LJ. Sana mamaya mamasyal ulit kami. Kahit makasama ko lang sya mag dinner okay na yun.

"Hyung gums mo malaglag ha??" Napatingin ako sa pumasok at ang ngiti nga ni Suga hyung grabe.

"I going to kill you V." banta nya dito pero nakangiti pa din sya.

"Tss. Bakit kasi ganyan ang smile mo?" tanong naman ni Jin hyung.

"May sobrang ganda lang naman na nangyari ngayong araw." pagkasbi nya nun agad syang tumingin sa akin.

Bakit? Bakit ganyan sya makatingin sakin? Anong nangyari? May nagawa ba ako na ikinasaya nya? Naguguluhan ako ha!!

"Anong magandang nangyari?" tanong naman ni Rapmon.

"I have a girlfriend." at nag smile na naman sya.

Girlfriend? Ganito kaaga meron na agad syang nahanap? Napalitan nya agad si LJ. Hmm wala talaga sya. Hindi man lang nya pinalipas ang ilang buwan. Nakakaasar sya, hindi ba nya alam na mas masasaktan nya si LJ dahil sa ginawa nya.

"Sino naman yan ha?" tanong naman ni Jessa.

"Hyung napalitan mo na agad si LJ?" sabat naman ni Jungkook.

Ang sagot sa tanong mo Jungkook ay oo. Oo napalitan na nya agad si LJ.

"Syempre hindi. Sya nga ang girlfriend ko eh." Ang mga salitang yun ang lumabas sa bibig nya.

Lahat kami nagulat at natulala. Pero ako hindi lang yun eh. Parang nabasag ang puso ko, namatay ang buong pagkatao ko at para na akong nilubayan ng kaluluwa ko. Sobrang sakit nararamdaman ko dito. Sobra talagang sakit. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa narinig ko. Hindi ko kaya narinig ko.

Lumabas ako ng classroom at wala akong pakialam kung ano man ang isipin nila sa ginawa kong paglabas. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng school malapit s tambayan namin.
Yung puno sa harapan ko, walang sabi sabi sinuntok ko. Dun ko nilabas ang inis, galit, muhi, selos at kung anu ano pang sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Wala na akong lakas pa kaya napaupo na lang ako at umiyak. Pangalawang beses na. Pangalawa na ito na nangyari sakin, bakit kasi naulit na naman ito. Bakit ba lagi na lang iisang babae ang minamahal namin. Bakit sa huli ako lagi ang talo, ako lagi ang umiiyak. Bakit ko pa nga ba tinatanong ang lahat ng ito? Alam ko naman na yung sagot. Alam ko naman na lamang sa lahat ng bagay si Suga hyung.

Napayuko naman ako at wala akong gustong gawin kung hindi ang umiyak ng umiyak dito. Nangyari na ito noon kay Clarisse. Oo natanggap ko naman yun, pero yung kay LJ kaya matatanggap ko ba agad?

"Hindi ko alam!!! HINDI KO ALAM!!!!"




Ilang oras din ako umiyak at para akong nawala sa katinuan kanina. Hindi ko alam kung paano ako makikipag usap sa iba.

Naglakad lang ako ng naglakad, hanggang sa napansin ko si LJ na papalapit sakin. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Mahal ko sya pero simula ngayon sa palagay ko sa tuwing makikita ko para nya akong sinasaktan.

Ito na nga nasa harapan ko na sya. Nakatingin lang ako sakanya, hindi ko kaya magsalita. Bakit? Dahil sa oras na magsalita ako feeling ko babagsak ang luha ko.

"Oyy Hobi, okay ka lang? Yung mata mo bakit ganyan? Umiyak ka ba?" umiling na lang ako sakanya.

Ngayon kitang kita ko ng malapitan ang saya nya. Sobrang saya nya. Nilagpasan ko na sya pero hinawakan nya ang kamay ko. Napahinto naman ulit ako.

"Oyy teka lang. Sabay naman tayo kumain. Si Nica kasi at Mingyu ayun nilayasan ako." -LJ

"Sorry may pupuntahan kasi ako. Iba na lang ayain mo." mahinahon lang akong nagsalita dahil wala na akong lakas eh.

Hinatak naman nya ako papuntang cafeteria. Pinipilit nya akomg maupo pero diba bakit ako sasabay? Nasasaktan nga ako tapos kakain pa ako.

"Anong gusto mo kainin? Ako na lang ang bibili, libre ko promise." masaya nyang sabi sakin.

Tumayo naman ako sa pag kakaupo ko at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad palabas ng cafeteria ng may humawak sa kamay ko.

"Hoseok anong problema? May masakit ba sayo?" tanong nya sakin.

Gusto kong sabihin na. OO MAY MASAKIT SAKIN. MASAKIT YUNG PUSO KO. FEELING KO MAMATAY NA AKO DAHIL HINDI KO KAYA YUNG SAKIT. Pero hindi ko masabi yan sakanya dahil ayoko naman na mag alala sya sakin. Sh*t mag aaalala nga ba bwiset san nanggaling ang salitang yun?

"Oo nga pala, alam mo bang si Hora inilagay ko sya sa may tabi ko. Hahaha natutuwa kasi ako sakanya eh." tapos tumawa pa sya. Sobrang saya nya. Sobra ang saya nya.

"Oo nga pala. Yung stuff toy na yun, itapon mo na. Wala na naman.yung halaga eh." at tuluyan ko nang inalis ang pagkakahawak nya sakin.

Naglakad na ako palayo sakanya. Tumulo na naman ang luho ko, ang sakit talaga. Yung katawan ko na mismo ang sumusuko.

"Oyy teka lang!!" Hindi pa din ako tinitigilan ni LJ.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi harapin sya. Kahit na patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko.

"Bakit ka umiiyak?" worried ba sya kaya nya tinatanong? Tsk as if naman.

Pinahiran ko agad ang luha ko, pero dahil hindi ko mapigilan patuloy pa din ang pagtulo nito.

"Teka may panyo ako dito." kinuha nya ang panyo nya at papahiran nya sana ang luha ko pero tinabig ko ito.

Bigla namang nagbago ang mukha nya. Nagtaas ang boses nya.

"Ako na nga itong concern sayo, ganyan ka pa. Ano bang problema mo ha? Kung ano man yang problema mo, wag mo akong pagbuntungan ng galit mo. Nakaasar kasi eh." Nakita ko na ang pagkainis sa mukha at boses nya.

"Okay yan. Maasar ka!! Oo nga pala congratulations. Congrats sa inyo ni Suga hyung. Masaya ako para sainyo, masaya talaga ako. Congratulation sana magtagal kayo." tumulo na naman ang luha ko at mas madami pa yun.

"H-Hoseok??!!" Humina ang boses nya at parang nag aalala. Hahawakan nya sana ako pero lumayo ako sakanya.

"Hindi dyan ka lang. Okay lang ako. Kaya ko ito. Sana maging masaya kayo, wag kang mag alala sakin. Haha nag aalala nga ba. Nakakatuwa naman yun. Sige bye na!!" tumalikod na ako at tumakbo na ako.

Lumabas na ako ng school. Alam kong bawal yun pero wala na akong pakialam dahil mabigat ang pinagdaraanan ko. Nasasaktan ako, hindi ko kaya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta bahala na lung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang makalayo sakanila.




Huhuhu ㅠㅠ ang emotional ko. Bakit ako umiyak? Bakit nadala ako sa scene na yun. Yung umiyak si Jhope. Shemmmsss masakit talaga ehh. Basahin nyo pa din ha? Thank You guys. Support, Vote and Comment. I Love You guys ^^

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon