Chapter 62 [Hide and Seek]

123 8 5
                                    

LJ's POV

"Thank you sa masayang araw Yoongi." pagpapasalamat ko sakanya.

Inihatid nya kasi ako pagkagaling namin sa theme park. Okay na kami at wala na ang lahat. Inamin ko na din kasi sakanya na mahal ko na nga si...

"Hoy bago ka tumulala dyan. Uuwi na ako. Bye!!" at bumalik ako sa realidad dahil sa pagpapaalam nya.

"Ah okay. Sige bye." tapos pumasok na ako sa loob.

Sinalubong agad ako ni Mommy. Ang mga tingin nya parang gusto ako tunawin.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin?"sabi ko.

"Si Yoongi ba yun? Saan kayo galing? Kayo na ba ulit? Napatawad mo na sya? Naku LJ ha? Binabalaan kita, ayoko dumating yung time na iiyakan mo na naman si Yoongi."

Ano gusto pa ba nya ako magsalita? Ang daming tanong na binabato sakin eh.

"Wait lang mommy ha? Hinay hinay naman sa tanong, nakakarindi kasi eh."

"Kung sinasagot mo na lang tanong ko nang matapos na tayo dito." napa face palm na lang ako sa kulit ni Mommy.

"Okay. Nagkaroon na kami ng closure ni Suga para maging okay na ang lahat saamin. Galing kami sa theme park para kahit sa huling araw maging happy kami. Okay na mommy? Sige matulog na ako. Bye and Good night." Then i kissed her.

Pumasok na ako sa kwarto, nagpalit ng damit at nag ready na para matulog.

Nakabili na nga pala ako ng charger. Yey!!! makakapag charge na ako. Kinuha ko yung phone ko at sinaksak na. Nahiga ako at bigla ko naalala yung mga inamin ko kay Yoongi.

Flashbacks

Hinawakan ni Suga ang mukha ko.

"Umamin ka na sakin Lyrra. Anong totoo? Na fall ka na ba kay Hoseok?"

Ano sasabihin ko? Bahala na nga.

"Bitawan mo kaya mukha ko." agad naman nya binitawan.

"Oh ngayon sabihin mo na." excited sya na malaman eh.

Bumuntong hininga ako. "Madalas kami magkasama, napapasaya nya ako. Para ngang hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Yung mga na feel ko sayo nun, ganun din ang nararamdaman ko kay Jhope."

"You mean?" hinihintay nya ang kasunod.

"I think i'm starting to love him." parang feeling ko nakahinga ako ng maluwag nang masabi ko yun.

End of Flashbacks

Bigla kaya dumating si Jungkook nun, buti na nga lang hindi nya narinig yun eh. Hayyy salamat naman. Hindi pa kasi ako ready dun, tsaka sabi naman ni Jhope friends na lang kami at isa pa. Nagseselos nga talaga ako. Ehh sila kasi ulit ni Wendy eh. Tsk kung kailan minamahal ko na sya ganito naman nangyayari.

"Haaayyyyssss nasaan ba ang forever ko??!!!"

Nag ring yung phone ko. Nag open na pala sya, tiningnan ko kung sino tumatawag.

Only Hope's calling...

Kinabahan ako bigla, sagutin ko na ba? Shock ano ba ito.

Dahan dahan ko kinuha yung phone ko at sinagot yung tawag nya.

"Hello." sabi ko.

"May balak ka pa ba magpaturo sakin? Nandyan naman kasi si Suga hyung eh." bakit ganito ang tono nya? May kasalanan ba ako?

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon