Chapter 42 [The Start of Trouble]

109 10 3
                                    

Ang bilis ng araw bisperas na ng pasko mamaya. Naeexcite ako!!

"Nasaan na ba si Jhope at si Wendy?" tanong ni Jessa

Paalis na kasi kami papunta sa rest house nila sa Zubic.

"Papunta na daw." sabi naman ni Jungkook

Tsk ang tagal naman kasi nila. Baka naglampungan muna yan. Ayy potek kadiri. Ano ba pinag iisip ko.

"Ayan na pala sila eh." turo ni V sa gawing kanan.

Lahat kami napatingin sa gawin iyon. Magkahawak sila ng kamay na papalapit sa amin. Dala ni Jhope ang isang maleta. May maliit naman na bag si Wendy.

Bakit maleta dala ni Jhope? Hahaha maloko nga.

"Jhope bakit maleta dala mo? Hahaha si Jhorse ba laman nyan? Hahaha!!" Isasama nya siguro si Jhorse whahahaha

"No. Damit namin ni Wendy ito." natahimik naman ako dahil dun.

Bakit magkasama ang damit nila? Talagang mahal nga nya si Wendy.

"Hyung hindi kana madalas umuuwi ah? Nagsasama na ba kayo?" anong nagsasama pinagsasabi ni Jimin?

Naku kung wala lang talagang problema si Jimin patatahimikin ko yan. Mabuti nga ngayo nagsasalita na sya. Madalas nga lang nya kausap si Kristal. Sila pa din hanggang ngayon, kaasar kasi yang si Kristal parang linta. Kapit na kapit kay Jimin, ayaw pa hiwalayan si Jimin hindi naman na sya ang mahal.

"Hahahaha." anong nakakatawa at tumawa si Jhope.

"Hyung bakit ka tumawa? Totoo nho? Hahaha totoo nga." at lalo pang lumakas ang tawa nilang dalawa.

Kaysa maggaganyan ka Jimin lumaklak ka na lang ng cherifer nang tumangkad ka pa.

"Sa bus na nga lang kayo magtawanan. Sumakay na tayo." sambit ni Jessa.

Isa isa na kami pumasok sa bus. Ohh mini bus parang ito yung sinakyan namin before. Hahahaha yung mga moments na yun natutuwa ako.

Naupo ako sa may malapit sa bintana. Nakita ko naman si Jhope. Dito ka ulit maupo sa tabi ko. Kwentuhan ulit tayo tulad nung dati.

"Hopie here!!" Sigaw ni Wendy

Teka tawagan namin yun ah? Bakit yun ang tawag ni Wendy sakanya?

"Ohh okay." lumagpas na saakin si Jhope at sabay upo naman ni Suga sa tabi ko.

"Swaegie are you okay?" tanong nya sakin at hinawakan nya yung noo ko.

"Yahh i'm okay." tinanggal ko yung kamay nya at humilig sa balikat nya.

"Ohh bakit? Inaantok ka ba?" hindi ako nagsalita.

Ilang minuto ko pumikit, naramdman kong umandar na din yung bus.

Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni Suga.

"Lyrra bakit?"

"Yoongi i love you. I love you so much."

"Hahaha ikaw talaga. I love you too. I love you more okay."

Niyakap ko na si Suga ng sobrang higpit.

"Ang sweet nyo dyan ah." napatingin ako kay Jin.

Akala ko naman kami yung sinasabihan nya. Tumingin ako kung saan sya nakatingin.

Si Wendy at Jhope na magkahawak kamay. Si Wendy na nakahilig sa shoulder ni Jhope. Tapos ikinikiss pa ni Jhope yung kamay ni Wendy.

"Kayong dalawa dyan ah." Pang aasar pa ni Rapmon.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon