Chapter 19 [Vacation]

141 9 0
                                    

Nandito na pala kami pero ayoko pa yata umalis sa kinauupuan ko. Tulog pa si LJ at sa balikat ko pa din nakasandal.

"Hobi tara na!!" Aya ni Rapmon sakin.

"Sige una na kayo, hintayin ko lang na magising si LJ." sabi ko kay Rapmon.

"Okay sige. Una na kami." paalam ni Rapmon.

"Oyy Jhope wag ano ah?? Hahahaha" sabi naman ni Jessa at sumunod na kay Rapmon.

Ano ba pinagsasabi nung babaing yun hahaha. Loko sya.

"Hyung tara na!!" sabi namn ni Jungkook sakin.

"Hindi nyo ba narinig sinabi ko kay Rapmon? Hahaha una na kayo hintayin ko lang magising si LJ bago kami bumaba. Mahimbing ang tulog nya eh." pagkasabi ko nun bumaba na agad sina Jungkook, V at Jimin. Mayamaya bumalik si Jimin at binulungan ako.

"Hyung i know the truth." tapos nag smile at bumaba na sila.

Anong alam nya? Yung abs na yun hahahahaha. Ilang sandali lang kumilos na si LJ.

"Hopie nandito na ba tayo?" nakatingin sya sakin. Malapit lang mukha nya sakin. Hala yung puso ko grabe ano na naman ito?? Pwede ba wag muna ngayon please baka makahlata si LJ.

"Yes kanina pa hahaha." sabi ko naman sakanya "..aray!! Bakit?" bigla nya kasi ako hinampas eh.

"Kanina pa pala tayo nandito hindi mo man lang ako ginising." then biglang nag pout si LJ, pinisil ko naman yung pisnge nya.

"Ang cute cute mo talaga. Oh sige na tara na bumaba na tayo." tumayo na ako at inayos yung gamit namin.

"Ano ginagawa mo?" tanong ni LJ. Hala obvious ba? Syempre nag aayos ng mga gamit namin.

"Inaayos gamit natin. Mag ayos ka na ng sarili mo. Bumaba na tayo." sabi ko kay LJ.

Ang gulo kasi ng buhok nya eh. Nag ayos naman sya at bumaba na kami buhat ko yung gamit ko at gamit nya. Inaagaw pa nga nya sakin.

"Ako na magdadala nyan nakakahiya naman sayo eh." -LJ

"Ayy wag ka makulit kaya ko naman. Magaan lang kaya ito, at saka sakin ka pa talaga nahiya? Natulog ka na nga sa balikat ko. Pero don't worry hindi ako galit. So hayaan mo na ako magdala nito. Okay?" sabi ko naman sakanya.

Nag nod na lang sya at patuloy kami sa paglalakad. Kanino ngang rest house ito? Wait pag mamay ari ito nina....

"Hopie bilisan mo naman. Nabibigatan ka na yata eh. Akin na nga yan." sigaw ni LJ at saka aagawin yung mga gamit nya.

"Oyy sabi nang kaya ko nga. Wag ka nga makulit dyan." Tapos nauna na ako pumasok sa rest house.

Pagpasok ko lahat sila nakatingin sakin ay samin pala ni LJ dahil nasa tabi ko na sya.

"Bakit ganyan kayo makatingin samin?" tanong ko sakanila.

Nakakatunaw kasi mga tingin nila samin. Ano na naman meron? Maging si Ate iba ang tingin.

"Clarisse nandito ka?" sabi ni ni ni Chiqui??

"Sinong Clarisse?" nagtatakang tanong ni LJ.

"Teka Chiqui si Lyrra ito." sabi ko naman.

Hinawakan ni Jungkook ang kamay ni Chiqui at pinaupo ito. Siguro ngayon naguguluhan na naman si LJ dahil pang ilang beses na ito nangyari. Napagkakamalan syang si Clarisse. Hindi ako ang dapat magkwento kung sino si Clarisse.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon