Chapter 28 [The Truth]

155 13 2
                                    

Nakasunod lang ako kay Nica hanggang sa napaupo sya. Nagmamadali akong lapitan sya.

"Nics ano nangyari?" bigla nya akong niyakap napaupo kami sa buhanginan at umiyak ng umiyak si Nica. "Nics sabihin mo sakin, ano nangyari?"

Hindi makapagsalita si Nica, sa sobrang pag iyak. Ano kaya nangyari? I tapped her back.

"Sige iiyak mo lang yan. Nandito lang ako." nasasaktan nga sya ramdan ko eh, sobrang higpit ng yakap nya at patuloy ang pag iyak nya.

-------------

"Sige sabihin mo sakin ngayon ano bang nangyari?" tanong ko sakanya.

Nandito kami sa isang resto-bar dito sa lugar nila Chiqui, kakatapos lang namin kumain. Halos aayaw pa nga kumaim ni Nica eh. Kung hindi ko pa pipilitin eh wala talagang mangyayari.

"LJ masakit na marinig ang lahat ng iyon." panimula nya.

"Ang alin Nica? Sabihin mo na sakin para alam ko kung paano kita i-comfort." sabi ko sakanya at ito na naman.

Nagsimula na tumulo ang luha nya pero hindi naman malakas ang pag iyak nya.

"N-nung birthday V. Diba sabi mo kausapin ko sya? Kinausap ko sya. Hindi ko alam kung bakit ganun agad ang lumabas sa bibig ko." lalo syang umiyak, pero tahimik lang.

"Sige lang ituloy mo." hindi naman sa masyado akong chismosa kaya ko pinatutuloy sakanya yung sasabihin nya. Kapag kasi nai share nya yun, kahit kunti gagaan pakiramdam nya.

"Tinanong ko sya kung pwede ko ba syang maging bf. Nag sorry sya sakin. Iba ang gusto nya. Alam kong si Lyka yun. Kanina lang sa loob, habang na nonood kami. N-narinig ko... narinig ko.. s-sila na u-ulit... sila na." Napasubsob na lang si Nica sa table at ramdam na ramdam ko ang pag iyak nya.

Yung friend ko nasasaktan ng sobra. Umasa sya eh, tsk kasalanan ko yata ito eh. Lumapit ako sa kanya at tinap ko ang likuran nya. Hinayaan ko lang umiyak ng umiyak kasi nga para kahit papaano gumaan ang pakiramdam nya diba?

Jhope POV

Kanina pa ako nandito sa roof top nila Chiqui, gusto ko kasi mag isa eh. Si LJ at Suga hyung talagang bagay sila. Sana naman alagaan nya si LJ, ayoko mamgyari kay LJ ang nangyari kay Clarisse.

"Hobi bakit nandito ka?" napalingon ako sa nag salita at nakita ko si Suga hyung.

"Ikaw pala hyung." sabi ko naman.

Naupo sya sa tabi ko. Sandali kami natahimik dalawa, nakikiramdam sa bawat isa.

"May gusto ko kay Lyrra?" Napatingin ako kay Suga hyung.

"Bakit mo tinatanong sakin yan?" sabi ko naman sakanya.

"Gusto ko kasi malaman kung talaga bang tama ang hinala ko!" Sabi nya sakin at napabuntong hininga na lang ako.

"Kung ano iniisip mo. Yun ang totoo." Pagkasabi ko nun tumayo na ako at pababa na sana nang muli sya magsalita.

"Alam kong nag aalala ka. Oo magkamukha sila ni Clarisse pero wag ka mag alala hindi mangyayari yung nangyari nung summer." Nag stay ako saglit sa kinatatayuan ko. Pinilit ko makapag salita ng maayos para hindi maging weak sa harapan nya.

"Mabuti naman." Pagkasabi ko nun ay bumaba na agad ako sa roof top.

Medyo naging okay na yung pakiramdam ko nang marinig ko ang mga salitang yun sakanya. Sa pangalawang pagkakataon nagpaubaya ako sakanya.

Third Person's POV

Pabalik na ng rest house sila LJ at Nica ng salubungin sila ni Jin.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon