Chapter 50 [What's Next?]

121 10 4
                                    

Pagmulat ko agad agad akong bumaba kasi alam kong nandyan na si Suga ko. Pagbaba ko nakita ko lahat sila nakain na sa dining room.

"LJ kain na!" alok sakin ni Jessa.

Inilibot ko ang mata ko at hinanap ang mukha ni Suga.

"Nasaan si Yoongi?" hindi ko kasi makita mukha nya.

"Yahh anong sinasabi mo?" tanong ni V.

"Nandito sya kagabi. He flipped my hair, hinawakan nya kamay ko then he kissed my forehead." Paliwanag ko.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan LJ?" sabi naman ni Rapmon.

"Kayo talaga!! Hahahaha nasa kwarto siguro sya."

Nagmadali ako na magpunta sa boys room.

"Swaegie??!!!"

hinanap ko sya. Pero bakit wala sya? Wala din ako makitang gamit nya. Nandito na nga ba sya kagabi? Biglang bumukas yung pinto.

"Swaegie!!" pagharap ko si V lang pala.

"LJ bakit ba?" tanong agad ni V.

Bigla tuloy ako nanlumo at napaupo sa isang kama. Tumabi sakin si V at tinap yung likod ko.

"Akala ko bumalik na sya. Mukhang nanaginip lang yata ako kagabi."

"Wag mo na nga yun pag iisip isipin. Tara na bumaba na tayo. Uuwi na din kasi tayo sabi ni Jessa."

"Okay."

tumayo na kami at nagpunta na kami sa dining room naupo na ako at binigyan ako ni V ng pagkain. Nag smile lang ako sakanya. Wala talaga ako balak kumain eh. Pero alam nyo iniisip ko talaga na totoong totoo yung nangyari kagabi eh. Alam kong may gumawa nun sakin. Pero sino kaya yun?

"Grabe excited si Jhope hyung umuwi." sabi Jungkook.

"Sus hindi sya, nag aya na kasi yung babaing seaweeds na umuwi." Seaweeds?? Grabe si Kristal. Hahaha.

"Oyy babae kumain ka na tatawa tawa ka pa dyan." aba ginaganyan ako ni V ha?

Binigyan ko sya ng pakialam-mo-ba-look tapos inirapan ko na sya.

"Sige na kumain na lang tayo para naman hindi tayo magutom sa byahe." sabi ni Jessa.

"Naku magdadala ako ng pagkain para hindi ako magutom." Sabat naman ni Jin.

"Ganun ikaw lang? Makasarili ka eh noh? Paano naman ako na girlfriend mo?" patampo na yan si Lyka hahahaha.

"Syempre share tayo hahaha." whooohhh ang sweet naman ni Jin hahahaha.

Sana kasi nandito si Suga para ganyan din kami. Hayaan nyo na pupuntahan ko na lang sya pag uwi ko sa Manila.

"Ahmf Jimin." Tapos sabay tingin nya kay Jimin. Si Kristal yun.

"Bakit?" masayang tanong ni Jimin.

"Gusto mo ba magdala din ako ng pagkain? Para hindi ka magutom?" ayun naman pala eh.

"So sinasabi mo bang lagi akong gutom?" at medyo tinarayan ni Jimin si Kristal.

Wow ha? Tinarayan talaga. Tsk bakla si Jimin guys hahahaha.

"Ahhh hindi naman. Baka kasi magutom ka sa byahe diba?" oo tama si Kristal.

"Ikaw bahala." bakit ang cold na nya kay Kristal. Ayy si Jen na nga kasi mahal nya. So nasaan ba kasi si Jen diba?

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon