Chapter 32 [I Miss Her]

165 14 3
                                    

Jhope's POV

Ang daming nangyari nung holiday vacation. Hayy gusto ko man isa isahin kulang ang isang chapter para ikwento sainyo kaya mag back read na lang po kayo. Hahahahaha. Yung kay Jimin na lang ikwento ko sainyo ganito kasi yan....

Flashbacks

Nandito ako sa may parking lot, bakit? Wala lang ayoko kasi pumasok pa sa dorm, si Suga hyung ayun beast mode talaga eh. Nasabi nyang nag away sila ni LJ, inamin na kasi nya yung totoo. Hindi nga nman kasi magnda yung ganun diba? Para sakin lang naman yun.

Mayamaya naisipan ko ng pumasok sa loob habang naglalakad ako biglang...

*Beeeeep..Beeeeeeeppppp!!*

"Ayy asdfghjkl." napatingin ako dun sa kotse. Teka parang kay Jimin ito ah.

Lumapit ako at nakita ko si Jimin na nakasubsob sa may manibela ng kotse nya.

"Hey Jimin!!" hmm bakit amoy alak sa kotse nya. "Hoy Park Jimin uminom ka na naman?" ilang minuto ako naghintay ng sagot nya pero hindi talaga sya umiimik.

Binuksan ko na yung pinto ng kotse nya at naupo sa tabi nya. Alam ko na ito eh. Ano na naman kaya nangyari?

"Nag away ba kayo ni Kristal?" tss alam ko naman na si Kristal ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito eh.

Nagulat ako nang pagtingin sakin ni Jimin halos mamula na sya sa kalasingan at ang mata nya na magang maga sa kaiiyak.

"Hyung!!" at bigla na naman syang umiyak.

"Park Jimin sabihin mo sakin kung anong problema?" Hayy naku naman ohh.

"Hyung si Jen. Wala na!! Akala ko nasama sya sa bus accident mabuti na lang wala siya dun." Ahh yun ba yung ikinatataranta nila nung nakaraan, ako din naman medyo nag panic dun. Mabuti at wala nga sya dun.

"Ohh eh ano problema?" Ligtas naman pala si Jen eh, bakit pa sya mag iinom. Ano Park Jimin lasinggero ka na??!! Tsk.

"Hindi pa din sya nagpapakita kahit kanino saamin. Yung parents nya pinagsisihan na nila yung ginawa na pagpapalayas kay Jen. Wala pa din siya dito." lalong bumuhos ang luha ni Jimin.

"Tsk. Ano naman kung wala pa sya? Wala ka naman pakialam sakanya ah!! Bakit nagkakaganyan ka?" sa sinabi kong yun natigilan sya.

Ilang minuto pa nag decide ako na paakyati na si Jimin.

"Tara na!! Umakyat na tayo sa dorm para makapag palit ka na din ng damit mo at makapag hilamos. Amoy alak ka talaga eh." inalalayan ko sya palabas ng kotse nya.

Habang naglalakad kaming dalawa nagulat ako nang biglang sabihin ni Jimin na...

"...miss ko na sya. Namimiss ko si Jen. Gusto ko makita si Jen, gusto ko na sya maging part ng buhay ko. Gusto ko mabuo ang pamilya namin, lalo na ngayon magkakaanak na kami. Gusto ko na sya pakasalan." at umiyak na naman sya.

Ang ano talaga ni Jimin eh nho? Ngayon nya lang naiisip ang lahat ng iyon, ngayong wala na si Jen sa tabi nya. Hayysss nung nandito itinataboy ngayong wala hinahanap ay katangahan naman talaga.

Nang makarating kami sa dorm nahiga na agad sya sa kama nya at nakatulog na agad. Si Jin hyung na ang nag asikaso sakanya.

End of Flashbacks

Hay naku ang kwento ni Jimin hahahaha. Back to school na nga pala ulit kami, nasa room ako at naghihintay ng dadating. Unang pumasok si Jin kasama si Lyka.

"Lyka dito ka na mag aaral?" nakasuot na kasi sya ng school uniform namin.

"Obvious ba? Dito na ako dahil gusto ko makasama ang Jin baby ko." ayy oo nga pala sila na ulit hahaha.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon