Chapter 49 [He is Back?]

125 9 6
                                    

Nakatulog pala ako at parang nagutom yata ako. Makapunta nga sa kusina.

Bumangon ako pero ang bigat ng katawan ko tapos ang sakit sakit ng ulo. Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already 11:27pm.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nagbukas ako ng ref at naghanap ng pagkain. Habang busy ako sa paghahanap ng pagkain. Nakarinig ako ng kaluskos. Syempre napatingin ako sa likuran ko. Wala naman tao. Balik ulit ako sa paghahanap ng pagkain at nakarinig ulit ako ng kaluskos.

"Putspa!!! Sino bang nandyan? Lumabas ka!!"

Walang nagsalita. Natatakot na ako baka may multo na dito, naku ayoko ng ganito. Bwiset na yan!!

"Kung sino ka man o kung ano ka man. Lumabas ka dyan magpakita ka sakin. Naiinis na ako!! Wag mo ako tinatakot!!!!!"

Maya maya unti unti ako nakakita ng ulo. Bwisit ulo talaga una ko nakita, nakakatakot naman kung paa diba?

"BULAGA!!!"

"ASDFGHJKL HAYEUP!!!! ALIEN KA!!!"

"Whahahahahaha takot na takot ka LJ ah?!! Hahahaha"

Takteng alien ito tinakot ako. Halimaw sya futek. Anyway wala naman halimaw na ganito kagwapo katulad nya. Lumapit ako sakanya at pinaghahampas sya.

"Kaiinis ka Kim Taehyung bwisit na alien ka."

"Hahahaha. Ouch!! Sorry na."

at tumigil na ako sa paghampas sakanya. Kinuha ko yung tinapay at coco jam tsaka naupo sa dining area. Naupo din naman si V.

"Gutom ka na naman?" halata ba? Tsaka anong na naman?

"Obvious naman. Bakit gising ka pa?" Pustahan hinihintay nya lang matulog ang lahat para makapag transform sya bilang isang alien hahahahaha hinihintay din nya yung ufo nya XD!!

"Bakit ikaw gising pa?" oo mo V!! binalik mo lang sakin yung tanong eh.

"Hay naku!! Ako nauna nagtanong sagutin mo muna."

"Ako huli nagtanong kaya sagutin mo muna." guys mapapaaga ang pagbalik nya sa planeta nya hahaha.

"Gutom ako kaya gising pa ako. Eh ikaw?"

"Ahhh kasi nagising ako nung marinig ko yung sasakyan na umalis eh." umalis??? Bakit naman kaya?

"Sino sa tingin mo umalis? Tsaka saan sila pupunta?" ganitong oras umalis sila. Sinu-sino kaya yun.

"Ako at si Jhope hyung lang naiwan sa kwarto. So paniguradong sina Jungkook, Jimin, Rapmon hyung, at Jin hyung yung umalis. At sigurado ako na kasama sina Jessa, Kristal, Lyka, at Chiqui."

ahh so naiwan si Wendy, so sya pala yung tulog dun. Okay.

Hindi na ako nagtanong at kumain na lang. Hanggang sa matapos ako kumain nakabantay lang si V.

"Ah V favor naman oh."

"Ano yun?"

"Pahingi naman ako ng gamot para sa lagnat. May lagnat na naman kasi ako eh."

"Hala!! Wait lang."

nagmamadali naman syang naghanap ng gamot dun sa first aid kit. Nang makahanap sya agad nya inabot sakin.

"Dali na inumin mo na." huta nagmamadali ka ba? Can you wait for a while.

"Saglit lang ha? Binubuksan ko pa nho." nang mabuksan ko inunom ko na. Atat kasi si V eh.

"Tulog na ulit ako."

Tumayo na ako, kaya lang muntik na ako matumba kung hindi lang ako nasalo ni V.

"Ayan kasi!! Aalalayan na kita." at inalalayan nya nga ako.

"Alien thank you." tapos biglang sumimangot mukha nya.

"Bitawan kita dyan eh."

"Hehehe ikaw naman. Joke lang."

tapos ito inalalayan nya ako paakyat sa room. Bigla lang nasagi sa isip ko, what if sya ang naging bf ko. Shetss ang alaga naman nya, hindi nya ako iiwan nun. Pero syempre hindi sya bf ko. Friend lang turing namin sa isa't isa. Guys ang swerte ng magiging girlfriend ni Taehyung.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa kwarto.

"Sige na mahiga ka na." aba inuutusan pa ako.

"Teka lang naman diba. Ito hindi makapaghintay."

"Dali na para makabalik na ako sa kwarto."

"Eh di bumalik ka na dun."

"Mahiga ka na at matulog kasi bilis!!"

"Oo na ito na nga oh."

Nahiga na ako. Inayos nya yung kumot ko.

"Ayan sleep well."

"Thank you sweet mo. I love you na."

bigla nya ako pinitik sa noo.

"Hoy LJ!!!"

"TSKK!! Joke lang. Asa naman toh hahahaha."

"Matulog ka na nga."

"Oo na."

Pumikit ako at narinig ko naman na lumabas na sya. Sumara na yung pinto.

Hayy naku sana mahanap na ni V yung para sakanya. Sana si Kristal na yun, kaya lang alam nyo bang mahal kasi talaga ni Kristal si Jimin pero si Jimin hanggang ngayon si Jen ang mahal. Ang gulo diba?

Akala mo naman ang love life ko hindi magulo hahahaha. Iniwan ako ng Suga ko dito, sumama sya sa Clarisse na yun which is ex gf nya. Nakakaloka naman yun. Paulit ulit ba ako sa pambanggit ng ganyan? Ehhh nakakaasar naman kasi eh. Umalis kasi ng walang pasabi. Kabwisit tuloy ang pasko ko.

Maya maya may narinig akong pumasok. Naupo sa may kama ko. Shettssss si V baka chinickeck kung gising pa ako. So nag pretend ako na tulog na.

Then he flip my hair. Anong ginagawa ni V? Hinawakan nya yung kamay ko at naramdaman kong idinikit nya sa pisnge nya. Hindi, hindi sya si V. Oo sigurado akong hindi sya si V. Tapos binitawan nya yung kamay ko at kinagulat ko ng ikiss nya ako sa noo. Sino yun? Dahan dahan ko iminulat yung mata ko, nakita ko lang isang lalaking palabas ng pinto. Hindi ko sya nakita bukod sa blurred yung paningin ko naka dim light kami dito sa kwarto.

Bigla tuloy ako kinabahan kung sino yun. Pero hindi kaya si Suga yun? Hala sya na nga kaya? Pinilit ko tumayo pero hindi ko kaya ang bigat talaga ng katawan ko. Naniniwala akong si Suga yun. Buti na lang binalikan nya ako dito. Natutuwa ako kasi ako pa dib yung mahal nya. Hindi nya ako nakalimutan.

Tapos naisipan kong kuhain yung phone ko sa side table since hindi ako makatayo. Itetext ko na lang sya.

To: Suga SweetSwaegie ❤

Swaegie thank you dahil bumalik ka. Thank you dahil nandito ka ulit. Salamat sa pag kiss mo sa forehead ko. Medyo gumagaan na pakiramdam ko. See you tomorrow i love you.

Message sent.

Hinintay ko yung reply nya pero wala. Okay lang yun nabasa naman nya siguro yun. Importante talaga bumalik sya para sakin at binigyan pa nya ako ng kiss sa forehead. Sabi nya kapag kiss sa forehead means ayaw nya ako mawala. So ayun that's why he kissed my forehead.

Kinikilig talaga ako ng sobra. Oo kahit may sakit ako kinikilig pa din ako. Hahahahaha.




Owemji Yoongi is back. Mabuti naman at naisipan na nya balikan si LJ. Ang bagal ko ba mag update? Sorry na po school matters eh. Syempre buhay estudyande ako hahahahahaha. Support, Vote and Comment. Thank you sa nagbabasa. Love you all guys ^^ Bye!!

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon