Namjoon and Jessa Story

160 9 0
                                    

Jessa's POV

Wow ha?? Paasa talaga si Bess kaasar, sabi nya ganitong oras nandito na sya. Malapit na mag gabi wala pa sya asar naman.

Ilang oras pa ako naghintay, oo oras talaga. Si Clarisse kasi ang dami pang orasyon nyan bago lumabas ng bahay. Maganda naman sya balit kailangan pa nya ng mga kung anu ano.

Nandito ako sa Mall nakaupo sa isang gilid. Para akong namamalimos. As if naman na ganun hahahaha. Ganda ganda ko tapos para lang ako namamalimos hahaha joke lang yun.

"Hyung bakit mo hinawakan?" napatingin ako sa nagsalita sa may likuran ko.

Hala diba sila ang Bangtan? Kilala ko sila syempre. Sa Bulletproof Academy ako nag aaral eh, at saka mga sikat yan sila. Ang may ari kasi nung school ay yung parents ni...sino nga ba yun? Yung ano...yung mukhang badjao. Basta yun na yun. Crush na crush ko nga si Seokjin kaya lang para naman girly pa yun kaysa sakin pero yung real reason wala ako pag asa sakanya may girlfriend sya eh.

"Hala hyung nasira." ayun si Taehyung, yung nababalitaan ko na nag iisang alien daw sa plamet earth.

"Hindi ko sinasadya." ayun yung badjao. Oo sya yun.

"Hala hyung babayaran mo yan." yun si Jimin yung pinakamaliit sakanila. Pero grabe ang cute nya sarap gawing key chain hahahaha

"Stop it. You got no jams." banggit nung badjao. Okay anong ibig sabihin nun? May sarili ba silang way ng pag eenglish?

"Shhhhhhh!!!!" Pang aasar pa ni Jimin.

"Yaahh your your dirty ahmm dirty water." huh??!! ano daw sabi ni Jhope? anong dirty water?

"Hyung!!!" Sigaw naman ni Taehyung.

"Shhh listen to me. You no fun." anoooo daww??? Shemasss na English yan oh.

"Suga hyung ayusin mo baka sakaling maayos pa." Pagmamakaawa ni Badjao.

"I don't give a sh**" aba anong pag iinarte yan ng gilagid na yan. Hahaha magums kasi Yoongi.

Lumapit ako kasi bka sakaling makatulong ako.

"Anong nangyari?" tanong syempre. Paano ako tutulong kung hindi ko alam nangyari diba?

"Hmm sino ka naman?" tanong nung badjao.

"My name is Jessa, schoolmate nyo ako from 9-A." oo yun ang section ko. Sila kasi nasa 9-B.

"Ahh okay. Sige dun kana." Aba aba mahangin ba dito? Grabe ang badjao na ito ah..

"Gusto ko na nga makatulong ganyan ka pa. Hmm dyan na nga kayo!!" at tinalukuran ko na sila.

Bahala sila dyan. Anyway yung nasira nya ay mamahalin lang naman na shades. Kaya naman nya siguro bayaran yun. Mayaman eh, rich kid kasi sila.

Naupo ulit ako sa kaninang inuupuan ko. Hindi naman nagtagal dumating din si Bess.


Sa School ng Bulletproof Academy

"Tsk." hindi ako makamove on sa nangyari kahapon dun sa mall.

"Anong nangyari?" ahh si Sheila pala pinsan ko.

"Tsk yung Bangtan kasi nakakaasar." sabi ko at ibinagsak ko yung notebook ko sa desk.

"Hala pati ba si Taehyung ko?" Ito na naman sya.

"Ayy naku tama na kakapantasya kay Taehyung. Magising ka nga?" Sumbat ko sakanya.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon