Special Chapter [Jin and Nica]

118 13 0
                                    

Third Person's POV

Nasa isang bench si Nica at hinihintay nya si Mingyu dahil may usapan sila. May balak na naman kasi silang puntahan, ngayong umaga nila pag uusapan dahil kapag school hour hindi sila nakakapagkita, dahil nga may meeting ang mga professor may free time sila magkita.

"Nasaan na ba sya? Anong oras na wala pa din sya." inip na inip na si Nica kakahintay kay Mingyu.

Habang nakatingin sa may gate ng school si Nica may lalaking lumapit sakanya.

"Pwede ba kita makausap?" Napatingin si Nica sa nagsalita.

Tumayo agad si Nica at naglakad na palayo. Ngunit nahawakan ang kamay nya.

"Jin ano ba bitawan mo nga ako." pagpupumiglas ni Nica.

"Mag usap lang tayo." sabi ni Jin at binitawan ang kamay ni Nica.

"Tsk. Wala naman tayo pag uusapan." at nagpatuloy sa paglalakad si Nica pero humarang si Jin sa dadaanan nya.

"Ano ba Jin?!!" sigaw nito kay Jin.

"Kausapin mo naman kasi ako." pagmamakaawa na nito sa dalaga.

"Tigilan mo nga ako Jin." sambit naman ni Nica sa binata na nasa harapan nya.

"Wag mo na kasi ako iwasan." natahimik silang dalawa nang sabihin iyon ni Jin.

Hindi nakapag response agad si Nica. Mga ilang segundo pa nang magsalita na si Nica.

"Big deal ba sayo ang pag iwas ko? Bakit ba ganyan ka?" tanong ni Nica kay Jin.

"Maging friends ulit sana tayo." -Jin

Pagsabi nun ni Jin natawa si Nica pero yung sarcastic na tawa.

"Haha friend? Jin alam mo yung feelings ko sayo tapos sasabihin mo friends?" sumbat ni sa binata.

"Bumalik na lang ulit tayo sa dati yung masaya tayo. Please!!" pakiusap ulit ni Jin kay Nica.

Hinampas ni Nica si Jin. At pinaulit ulit nya ito habang sinusumbatan.

"Baliw ba ako para gawin yun? Sinaktan mo na nga ako, gusto mo na naman ako saktan. Gusto mo maging friends tayo at ibalik ang dati habang kasama mo ang girlfriend mo??!!!! Sira ba ang ulo mo? I hate you Jin." Nahinto sa pag hampas si Nica nang may sumigaw mula sa likuran nila.

"Teka bakit mo hinahampas boyfriend ko?"

Lumapit sakanila ang babae at inalayo bahagya si Jin at tumapat sya kay Nica.

Nagulat si Jin dahil nasampal agad ni Lyka si Nica. Nang masampal sya ni Lyka biglang tumulo ang luha ni Nica.

"Wala kang karapatan na saktan si Jin." sumbat ni Lyka kay Nica.

"Tama na Lyka." awat ni Jin kay Lyka.

"Sinaktan ka nya Jin, hindi ko palalagpasin ito." muling ibinaling ni Lyka ang tingin kay Nica.

Halos maluha na si Nica, dahil tinutulak tulak sya ni Lyka. Umaaawat si Jin pero hindi nya kaya awatin si Lyka.

"Layuyuan mo si Jin. Wala kang karapatan sa ginawa mo sakanya. Alam ko din pala na may gusto ka kay Jin, kung balik mo sya agawin..." nasampal na naman nya si Nica. "Yan ang aabutin mo sakin." At itinulak.

Tuluyan na bumuhos ang luha ni Nica.

"Tama na Lyka. Hayaan mo na sya." sa pag awat ni Jin kay Lyka, tumigil na din ito.

Lumapit si Jin kay Nica at ini offer ang kamay nito para tulungan syang makatayo.

Tiningnan ng masama ni Nica si Jin pero ang mga nito ay punong puno ng luha. Tinampal nito ang kamay ni Jin kaya napalayo si Jin. Tumayo mag isa si Nica.

"I really hate you Jin." naglakad na ito at binangga nya si Jin.

Naglalakad si Nica habang pinupunasan ang luha nya. Nakasalubong niya si Mingyu.

"Kanina pa kita hinahanap. Teka bakit? okay ka lang ba?" napansin kasi ni Mingyu ang pag iyak ni Nica at namumula nitong pisnge.

"M-Mingyu..." agad nyang niyakap si Mingyu at umiyak.

"Anong nangyari?" tanong ni Mingyu kay Nica ngunit hindi ito nagsalita at umiyak lang ng umiyak.



Konti lang po ito pasensya na, isiningit ko lang ito. Kasi hindi masyado napagtutuunan ng pansin sina Jin. Hihihihi sila Jhope kasi lead eh kaya ganun hahahaha. Anyway thank you sa pag babasa guys. Support, Vote and Comment. I love you guyseu hihihi ^^

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon