Chapter 4 [Happy Virus]

340 15 0
                                    






After nung first subject meron kaming vacant na 3hrs. Saan naman kaya ako pupunta?

"Nicsss!!" kalabit ko sakanya na busy na naman sa pakikipag usap kay Jin. Oyyy napapadalas na ah.

"Sama ka na lang saamin." pabulong nyang sabi. Hmm sakanila? "Kasama ko sila Jin."

"Oyy ngayon lang natin sila nakilala tapos sasama na tayo sakanila, tsk baka ma rape tayo." Syempre pabulong ko lang sinabi yun.

Doble ingat lang po diba hindi pa naman namin sila masyado kilala eh.

"ARAY!!! Ano ba masakit?" Napasigaw ako kasi kinurot nya tagiliran ko.

Whhaaahh anong karapatan mo na kurutin ako, masakit kaya huhuhu ㅠㅠ

"Bakit Lyrra??" Agad akong nilapitan ni Suga. "Anong nangyari sayo? Tell me."

Hala anong nangyayari sakanya? OA ha. Makapag alala wagas, owemji hindi kaya... gosh may gusto sya sakin? Pwe!! Ayan ka na naman Lyrra Jamelle eh, ang assuming mo talaga.

"Oa mo Suga, okay lang ako." sabi ko sakanya at muling kinausap si Nica.

Yung pabulong pa din syempre. "Masakit yun ah... Ikaw na lang girl, ayoko makasama ang mga yan. May atraso pa sila sakin."

Kinuha ko ang bag ko, nakita ko din na kinuha ni Suga ang bag nya.

"Lyrra hintay!! Saan ka pupunta?? Sama mo ako." Hinarap ko si Suga. At nakatingin lang sya sakin.

"Hep! Dyan ka lang. I need privacy, wag kang susunod okay. Bye!" then naglakad na ako paalis ng building.

Masyadong pilingero yung gums nayun sunod ng sunod sakin, ano sya pet ko? Lols pet nya yakk. Aaligid aligid sakin parang aliping sagigilid hahahaha.

Naghihintay ako ng masasakyan. Jusko bakit walang bakante? Tsaka saan ako mag stay ng 3hrs. SM na lang kaya ako. Hmm tama iikutin ko mag isa ang SM. Oo sanay naman akong mag isa eh. Ito namang si Nica, sya na nga lang ang friend ko iiwan pa ako sa ere nang dahil kay Jin. Nakakaiyak ah.

"Tama mag SM na lang ako."

Buo na ang desisyon dun na lang talaga ako tatambay. Pambansang tambayan kaya yun hahahaha, alam ko kasi kapag walang klase yung iba sa SM daw natambay ma try nga dun.

Nagulat ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Tara SM na lang tayo." pagharap ko nakita ko si Jhope na nakangiti sakin. "Ayan na yung jeep, tara sakay na tayo." tinulak nya ako pasakay ng jeep at hindi na ako nakapag salita pa.

Na stock na yata ako. Hindi nya man lang ako pinagsalita at tinulak pa ako pasakay ng jeep grabe sya ahh. Anong karapatan din nyang gawin sakin yun?

"Bayad nga po dalawang SM." tapos nag abot na sya ng bayad dun sa driver.

Buong byahe tahimik lang ako, ganun din sya. Ang cool nya kapag tahimik, cool din naman sya kapag maingay at sobrang kulit.

Nang makarating na kami, inalalayan nya ako pababa sa jeep.

Wow!! ang gentleman ng babang ito XD Djk lang ayoko na mang asar nakakahiya eh. Pumasok na kami sa loob ng SM. Iniisip ko pa din. Ano gagawin ko ng kasama sya? Ayy assuming lang ako, baka nakisabay lang sya sakin.

"Saan tayo LJ??" teka ako ba kinakausap nya?

Kabobohan oh, ako lang naman ang LJ dito kaloka talaga oh.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon