Chapter 39 [Sweet VS Guilt]

137 12 1
                                    

LJ's POV

Gusto ko pa sanang habulin si Jhope pero mabilis syang nakalabas ng school. Ang pinag aalala ko lang nasaktan ko sya eh. Napag usapan na namin ito pero bakit ganun pa din sya magreact? Hayss bakit ba may ganito agad?

"Swaegie!!"

"Ayy gilagid!!" nagulat ako kaya ko nasabi yun.

Pagtingin ko sakanya natawa ako dahil sa itsura nya. Hahahaha.

"Nagulat mo kasi ako eh. Hahahaha sorry na." tapos hinawakan ko yung kamay nya at bigla naman syang nag smile.

"Hahahaha. Tara kain na tayo, saglit lang pala yung pinagawa sakin." Sabi nya habang hawak ang kamay ko.

"Pero ang mabuti nyan magkakasabay n tayong kumain." tapos nag smile na ako sakanya.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa cafeteria at sabay na bumili ng kakainin namin.



Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang tumayo si Suga.

"Bakit?" tanong ko sakanya, hindi sya nagsalita at bigla na lang nag smile.

"SCHOOLMATES, STAFFS!! CAN I HAVE YOUR ATTENTION PLEASE??" Ano naman kaya sasabihin ng lalaking ito? Ang lahat ay sakanya na nakatingin. "EARLY IN THE MORNING MAY GOOD NEWS AKONG NATANGGAP..." nagbulungan ang ibang students "...NAPAKAGANDA AT NAPAKASAYANG BALITA. LISTEN!! SINAGOT NA AKO NG BABAING NASA HARAPAN KO NGAYON." pagkasabi nya nun ay napatingin sya sakin.

Ano ba dapat ko maramdaman? Masaya ako kasi ginawa nya pa ito, pero parang nakakahiya kasi diba? Ini announce pa nya. Kaya lang dapat nga masaya ako kasi proud sya na ako ang girlfriend nya. Sheemmmsss kinikilig ako kaasar hahahaha.

"SI LYRRA JAMELLE TORRES AY GIRLFRIEND KO NA!!" nag palakpakan naman ang mga students maging ang staffs.

Hinatak ko naman paupo si Suga. Medyo nakakhiya na kasi. Oo alam kong sweet yun pero kasi.. ah basta hindi nyo alam nararamdaman ko hahaha.

"Nakakahiya naman yun Swaegie." bulong ko kay Suga.

"Tsk. Walang nakakahiya dun lalo na ako anh boyfriend mo. Itong gwapo kong mukha. Hahaha." ayy boseth na Suga yan.

"Whhooohhh ramdam na ramdam ko na ang pasko. Ang hangin grabe hahaha. Ituloy na lang natin ang pagkain mabuti pa." suggest ko.

Kaysa naman magdaldalan pa kami at magpakilig pa sya. Baka langgamin pa pagkain namin hahahaha.

-------

Kinagabihan, sinalubong agad ako ni mommy.

"Congrats LJ." Hmm saan naman kaya?

"Saan mommy?" Tanong ko sakanya habang ibinababa ang bag ko.

"Anak talaga ohh. Mabilis ang balita hahaha. Boyfriend mo na pala si Yoongi eh. Isinigaw pa nya sa cafeteria nyo." nagulat naman ako sa sinabi ni mommy.

"Paano nyo po nalaman yan?" nagtataka kong tanong.

"Haha may nagpost kasi ng video ni Yoongi habang sinasabi yun. At naka tag ikaw, meron pang ibang nakatag eh." ayyy loko kanino kaya galing yung video na yun?

"Anong name nung nag upload mommy?" syempre ayoko naman mag isip ng kung ano ano diba?

"YoonRa Fan. Tsk pati pala pamaypay may Fb na. Wow ganda ng name YoonRa... wait teka lang. Yoongi and Lyrra equals YoonRa. Wow ang galing hahahaha." ayun natawa na naman ang mommy ko.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon