Chapter 40 [Are You Sure?]

139 11 2
                                    

Goooooddddd Mooooorniiiinnggg Wooooorld!!! Ang aga ko nagising, maaga nga ba?

Tiningnan ko yung wrist watch ko.

"Ayy asdfghjkl LATE NA AKOOOOO!!!"

Nagmadali akong ayusin yung mga gamit ko, naligo ako at nag uniform na. Bumaba na ako at dumiretso sa dining area.

"Mommy bakit hindi mo man lang ako ginising?" ayan late tuloy ako.

"Ginising kita. Sabi mo sakin, wait ko pa si Suga eh. Later na." ayun ginaya nya pa ako.

"Sabi ko naman sayo mommy wag mo ako kausapin ng tulog. Tsk. Anyway pahingi na lang nito." kumuha na lang ako ng sandwich tapos uminom ng milk sabay puslit.

Nagmadali na ako lumabas ng bahay at naghanap ng masasakyan.

"Kayneeesss!! Bakit wala man lang dumadaan na taxi or bus or kahit jeep man lang. Late na ako huhuhu." ayan pagdadrama ko sa gilid ng daan.

Ano nasaan na mga sasakyan? Pasko na oh wala pa din akong masakyan. Hayyyssss!!

Habang naghihintay ako may nag beep na kotse sakin.

*Beeeeeeppppp!!!* napatingin ako sa gawi nung pinanggalingan nung busina.

Nag open yung pinto ng kotse at isang kabayo ang niluwa nito, ayy este si Jhope pala.

"Sakay na." alok nya sakin. Lumapit na ako, sus aarte pa ba ako? Late na kaya ako.

Pasakay na sana ako at bubuksan ko yung passenger seat pero pinigilan ako ni Jhope.

"Dun ka na lang sa likod." Wala naman ako magagawa kaya dun na lang ako.

Pagpasok ko sa loob ng kotse nya, may napansin akong nakaupo sa may passenger seat.

"Pasensya na ha?" Sambit ni Jhope.

"Ha?!! Bakit? Ahhhh hahahaha okay lang ako dito sa likod. Hihihi" sabi ko sakanya.

Tapos ini start na nya yung engine. Nag start na sya mag drive at nag usap naman ulit sila nung girl. Yess girl yung nasa passenger seat. Hindi ko mkita yung mukha kayness naman oh.

"Hahahahaha!!" tapos nagtawanan sila.

Bakit nakaramdam ako ng OPness, nag browse na lang ako ng book ko at pinilit ko magbasa. Oo pinilit ko kaya lang wala talga pumapasok eh. Bakit ganun? Tapos bigla kong naalala na tanungin si Jhope kung bakit bigla syang nawala kahapon.

"Saan ka nagpunta kahapon?" hinintay ko ang sagot nya pero parang hindi nya yata ako narinig kasi nag uusap pa din sila nung babae.

Tsk. Sino ba kasi yung babae na ito?

Hindi na ako nagsalita at tumahimik na lang. Hinintay ko na lang na makarating kami sa school.




At sa wakas nandito na kami. Nag park na kasi yung kotse ni Jhope eh. Bumaba sya, shemsss nakakahiya pagbubuksan pa nya ako. Binuksan nya yung passenger seat at bumaba yung girl. Nakatingin lng ako at hinihitay na pagbuksan nya, kaya lang pagkatapos nya pagbuksan ng pinto yung girl sabay na sila naglakad papasok sa school.

"Tsk. Akala ko pa naman pagbubuksan nya ako. Umasa ako dun ah." Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na sa kotse ni Jhope.

Yung feeling na nakakabad trip kasi akala ko talaga pagbubuksan nya ako pero mali pala ako. Tsk iniwan nya lang ako. Ito naglalakad na ako papasok ng school keaga aga para akong lukot na papel. Hanggang sa may umakbay sakin.

"Aga aga swaegie ganyan mukha mo." alam ko na agad kung sino ang lalaking nakaakbay sakin.

"Ehhh late na kasi ako." yowww LJ palusot pa. Tsk alangan naman na sabihin ko pa yung nangyari baka magwala sya dito.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon