Chapter 33 [Smile]

149 10 0
                                    

LJ's POV

Kahapon lang nag start ang class namin at masaya naman ako. Okay naman ako sa new classmates ko. Maayos naman ang lahat. Okay naman din ang ganito diba? Kasi naman eh hayyysss. Tama na nga yung pag aaral ko na lang ang iisipin ko ngayon, stop na sa love life. Nagkaroon nga ba? Tss.

Maaga pa naman at mamaya pa ang start ng first period namin kaya naisipan kong mag stay sa roof top ng school. Naupo ako sa isang bench dun at pumikit saglit.

"Fresh talaga ang air dito." napamulat ako sa nagsalita at nakita ko sa may pintuan ang isang lalaking nakatayo.

Tumayo agad ako sa bench at balak ko na sana umalis sa roof top, palabas na ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Please Lyrra. Please!! Totoong mahal kita. Hindi naman yun dahil sa kamukha mo si Clarisse. Mahal kota kasi ikaw yan. Lahat ng meron ka mahal ko. Ikaw mismo. Sorry." Narinig ko ang pag hikbi niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na.umiyak.

Ang bilis ng pangyayari nayakap nya agad ako. Wala hindi ko na kaya magmatigas pa dahil alam ko naman na sincere siya.

"Please Lyrra. Please!! Maniwala ka sakin. Hindi naman kita sasaktan, lahat gagawin ko para sayo." humigpit ang yakap nya sakin.

Hindi ko na kaya. Kaya niyakap ko na agad siya. Miss na miss ko ang taong ito. Oo nasaktan nya ako pero hindi naman yun masyadong big deal (A/N: Hindi daw big deal. Heol LJ ano to lokohan. Halos itaboy mo nga sya. Tsk.)

"I'm sorry Suga. I'm sorry." lalo pang bumuhos ang luha ko at humigpit ang yakap ko sakanya.


Nakaupo kami sa isang bench magkahawak kamay at tahimik lang. Nakikita kong nakangiti si Suga, pero ayoko muna magsalita. Gusto ko lang na makita ang masasaya nyang mukha.

"Swaegie!!" Nang magsalita sya para naman akong bumalik sa katinuan.

"H-ha? b-bakit?" nauutal tuloy ako.

"Talaga bang tayo na?" Si Suga talaga ohh. Hanggang ngayon ba hindi pa din sya makapaniwala!??

"Ayaw mo ba? Bawiin ko na lang." bigla naman syang naalerto pag kasabi ko nun.

"Teka bakit mo babawiin yun? Nasabi mo na tapos bigla mo babawiin. Tsk." binitawan nya ang kamay ko at tinalikuran ako.

Aba!! Ang bilis nman magtampo ng gums nito. Hahahaha XD Niyakap ko sya. Whhhhhhhaaahhh back hug ito guyseu hhahahaha.

"Swaegie naman ang bilis mo magtampo. Syempre hindi ko na babawiin yun. Once nasabi ko na wala na talagang bawian." Humarap naman sya sakin at niyakap ako.

"Magiging masaya tayo, promise. Promise talaga. Magtiwala ka sakin." niyakap ko din sya.

Ohh puro yakap kami diba? Hahahaha. Masaya nga kasi kami at wala makakapigil samin XD



"LJ gising na!!" Dahan dahan ko iminulat ang mga mata ko. Nakita ko sa harapan ko si Nica.

"Hmm Nica?? Nasaan si Suga?" hindi ko kasi sya makita sa tabi ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Hayyss tara na kanina pa kita hinahanap. Nag start na yung first period natutulog ka pa dito." agad nya ako hinatak pababa sa roof top at papunta sa classroom namin.

Ibig sabihin panaginip lang pala na okay na kami? Hindi pa pala kami. Bakit ko naman bigla napanaginipan ang gums na yun. Tsk kakaisip kasi sakanya eh.

"Late kayo. Bakit?" bigla naman akong bumalik sa realidad nang marinig ang boses ni Mrs. Hernandez.

"Sorry po ma'am may isanauli lang po kasi akong book sa library kaya na late kami. Pasensya na po." palusot ni Nica.

Make It Right: Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon