Prologue

576 19 7
                                    

Binilisan ko ang paglalagay ng mga libro ko sa locker. Sinipat ko ang relo ko at napabuntong hininga na lang ng nakita ko na mag aalas dos na at wala pa rin akong nagagawa. Di ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Cindy, ang president ng student body na kaklase ko at Senior din sa North Crest International School.

"Friend. Remind lang kita na bukas na yung deadline ng pagfinalize sa art concept ng PLUMA."

Yun ang iniintindi ko buong araw. Ang sama ng pakiramdam ko pero kailangan ko pa din pumunta sa editorial room para ayusin ang art concept ng school newspaper.

"Oo, friend. Punta na lang ako mamaya, ha?"

"Napansin ko friend, napayat ka ha? Lalo kang sumesexy, namimiss mo yata si Dimitri ah!"

"Isang linggo pa lang sya sa New York, Cindy. Two weeks ang paalam nya, diba? At alam kong ikaw ang nakakamiss sa kanya, ako pa dinadamay mo."

"Eh kasi naman friend, wala ng magandang tanawin dito. Text mo naman sya oh. Sabihin mo uwi na, sabihin mo di na ako galit."

Natatawa na lang ako sa sinasabi nya. Umalis na rin si Cindy pagkatapos. Ultimate crush ng campus si Dimitri. Sobrang tindi kasi ng appeal ni Dimitri sa buong school. Mapa-prof, estudyante, bata, matanda o kahit maintenance sa school, walang di nakakakilala kay Dimitri. Sobrang headturner talaga ng bestfriend ko na yun.

13 years old si Tri ng nakilala ko, palayaw ni Dimitri. Nabili kasi ng parents nya yung katabing bahay namin. At dahil laking Australia si Tri, nahirapan sya noong una na maka adapt sa environment. Natatandaan ko noong una na napakamahiyain pa nya, pero ngayon, utang na loob, sumobra sa kapal ng mukha ang kaibigan ko sa akin.

Kaya ng umalis yung mga magulang ni Tri para magtrabaho sa New York pagdating nya ng 16 years old, naiwan lang sila ni Drake, kuya ni Tri na mas matanda ng apat na taon. At kelan lang ng umalis naman si Drake para magbakasyon, naiwan ng mag isa dito si Tri. Magkatabi lang kasi yung bahay namin kaya kahit umay na umay ako sa mukha ni Tri, wala akong magagawa, dagdag pa na paborito sya ng nanay ko. Madalas nasa bahay namin si Tri, doon nakain at walang kaarte arte kahit di hamak na mas mayaman sya dahil suportado sya ng mga magulang sya na parehas doktor sa ibang bansa.

Nasa New York ngayon si Tri para makasama naman ang mga magulang nya at si Kuya Drake. Papasyal pasyal na lang ang kaibigan ko, samantalang ako, dalawa gagawin kong project para sa kanya.

Nagmumuni muni ako ng biglang tumunog ang celphone sa backpack ko. Agad kong sinagot at napangiti sa pangalan ng caller.

"How are you doing?"

"Sina Tito at Tita? Si Drake?" Lagi akong updated sa mga parents ni Tri. Lagi ko silang kausap sa Skype.

"Ako kausap mo, kung sinu sino hinahanap mo. Where are you?"

"Where are you ka jan. Nasa school syempre. Tinatapos yung project sa Phil History."

"I thought you were already finished with it?"

"Yung sa akin, tapos na, eh yung sayo?"

"You mean, ginagawa mo yung sakin? Oh my God, Lyx. You're such a sweetheart. Sabi ko na nga ba, may tinatago kang pagtingin ee."

"Mukha mo. As if naman na gagawin mo to, alam na alam ko mangyayari. Uutuin mo si Miss Reyes tapos bibigyan ka ng detention na 2 hours para titigan ka."

"Jealous much?"

"Iba ba ihip ng hangin dyan sa New York? Parang nakasinghot ka ng katol ee. Hang up na."

Napa ubo ako sa huli kong binitiwan na salita. Nagsisimula na ding sumakit ang lalamunan ko.

"Are you sick?" Iba talaga si Tri, sobrang maalalahanin. Sobrang sweet. At sa tono ng boses nya, nag aalala sya. Yan ang kahuli hulihan kong gustong maramdaman nya lalo pa at malayo sya. Dapat masaya lang sya kasama ng pamilya nya.

"No. I'm not. Pero mas okay kung iha hang up mo na para matapos na ako at para makapahinga ka na din."

"Take care, okay? Sarap pa naman ng ulam nyo, bulalo, my favorite."

Teka, teka, nasa bahay ba namin tong lalaki na to? Wow. Ako nagawa ng project nya bago sya patambay tambay lang.

"Nasa bahay ka ba?!"

"Woman, keep your voice down. Halos madurog eardrums ko ha? Wala ako sa inyo, okay? Wag ka pahalata na namimiss moko. Tumawag lang ako kay Tita Nanette kung ano ulam nyo."

"Pinky swear? Never ka pang nagsinungaling sakin." Yan ang lagi kong sinasabi kapag pinapaamin ko sya na totoo naman dahil never syang nagsinungaling sakin ano man ang ginawa nya.

"Pinky swear."

*************

Alas onse na ako nakalabas ng campus. Chineck ko yung phone ko para tignan kung tumawag pa si Tri pero dead bat na pala phone ko. Daig ko pa yung mga teachers na gumagawa ng lesson plan na nakauwi na. Kahit kasi tapos na yung part ko, inantay ko pa rin yung mga kasama ko sa PLUMA na matapos lahat. Nakakahiya kasi na umuwi na agad kung alam mo na di pa tapos yung buong project. Yun nga lang, ako yung walang kasabay umuwi kasi iba yung way ko.

Ang bigat bigat na ng talukap ng mata ko, sumasabay pa din yung bigat ng backpack ko. Night shift naman si Daddy kaya di ako makapagpasundo. Namiss ko bigla si Tri. Lagi ko kasing kasabay si Tri, tas mas madalas na gusto nya mag commute kahit may bago syang sasakyan para daw maexercise nya yung binti nya sa paglalakad mula sa subdivision namin hanggang sa amin.

Madilim na nga yung daan, bigla pang umulan ng malakas. Ang tangi konlang nakikita ay yung lightpost na medyo malabo pa ang liwanag sa may waiting shed. Napakamalas nga naman oh, nagpalit ako ng bag kaya yung payong nasa bahay. Wala pa akong makitang jeep pauwi kaya nagpasya ako na takbuhin yung waiting shed na dalawang kanto ang layo. Basang basa na ako nung nakita ko na may papalapit na lalaki sa waiting shed. Naka jacket sya na itim at nakasumbrero. Bigla, bumilis ang tibok ng puso ko, parang may mali. Marami pa naman nababalita na may masamang tao na umaaligid sa lugar na to.

Di ako nagpahalata na natatakot ako. Agad ko lang kinapa ang bag ko at hinugot ang gel pen. Lumapit sya at tinignan ako. Di ko pa rin maaninag ang mukha nya kaya sa nanginginig na kamay, hinawakan ko ng madiim yung gel pen. Bahala na si Batman.

Tinignan ako ng lalaki habang tumagal ang titig nya sa dibdib ko. Di ko napansin na humakab na ang pangloob ko sa basa kong unipormeng puti na long sleeves.

"Miss, gusto mong magpainit?" Inangat nya ang mukha nya at natakot ako. Nagdarasal ako na sana may taong dumating kahit alam kong imposible. Inilabas ko na ang gel pen na hawak ko at itinutok sa kanya.

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Na sana dumating sya. Na sana sagipin nya ako. Na sana sya ang mag alis sakin dito. Nagsisimula ng manlabo ang paningin ko sa namumuong luha.

Tri.

Bigla. May humatak sa braso ko at nilagay ako sa likod nya. Pamilyar na pamilyar sakin ang amoy na yun. At ng magsalita sya,

"Subukan mong lumapit. Yung swelas ng sapatos ko ang magiging mukha mo."

Agad na umalis yung lalaki, at ng humarap sakin si Tri, di ko napigilan na di umiyak sa yakap nya. Si Tri na makita ko pa lang alam ko ng protektado ako.

Dumating sya. Dumating si Tri.

****************

Sample lang po. Hihihihi. Medyo malalim ako magtagalog kaya pinag iisipan ko kung gagawin ko na lang tong english. Pero di pa poko nkakapagdecide.

Sa tingin mo? :)

❤misspuffycheeks❤

My Best Friend's Girl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon