:Prologue:

1.7K 45 1
                                    

Third Person's POV

"Kamahalan! Sinasakop na naman po tayo ng mga Dark Charmers (DC)! " sabi ng isang kawal Kay king Agate

Dahil sa hatid na balita ng isang kawal ay nabahala si King Agate sa kadahilanang ngayon ang kapanganakan ng kanilang pangalawang anak

"Ihanda ang mga kawal para sa laban!" utos naman nito na agad ding sinunod...

Napansin naman ni King Agate ang paglabas ni Lola Leisha mula sa silid kung saan niya pinaanak si Queen Diamond kaya naman agad niya itong nilapitan

"Kamusta po ang asawa ko pati ang anak namin? " kinakabahang tanong ng hari.

"Kamahalan, maayos po ang lagay nilang dalawa. Isang napakagandang babae po ang inyong anak" nakangiting sabi ni Lola Leisha..

"Maaari ko ba siyang makita at mahawakan? " tanong naman ng hari

"Sandali lamang po" muli namang pumanhik sa loob ng silid si Lola Leisha para kunin ang sanggol

Pagkalabas ni lola Leisha ay hawak niya na ang bata kasama ang kakaanak pa lamang na si Quen Diamond..

" Ayos lang bang gumalaw at tumayo ka na Diamond? " tanong nito sa kanyang asawa..

"Wag kang mag-alala dahil maayos na ako. May pinainom sa akin si Lola Leisha upang makakilos na ako" sabi naman ni Queen Diamond

"Kamahalan, ito na po ang inyong napakagandang anak. Maaari niyo na po siyang bigyan ng pangalan"  Marahan naman niyang iniabot sa hari ang sanggol..

"May naisip ka na bang pangalan para sa kanya mahal? " tanong ng reyna sa kanyang asawa.

"Ang ganda ng kanyang mga mata, Kakulay ng sa akin...... Alam ko na ang ipapangalan sa kanya, Garnet... Garnet Gemstone" saad ng mahal na hari...

"Magandang pangalan kamahalan" lola leisha.

Napalingon naman sila sa boses na kumuha nang kanilang atensyon

"Mom! Dad! Siya na po ba ang kapatid ko? " tanong ng isang batang lalaki na nasa edad na 5

"Oo Alex, siya ang kapatid mo. Si Garnet , ang ganda niya diba? " sabi ng hari at pumantay kay alex upang makita din ito ng bata..

"Oo nga po! Ang ganda niya! Yes! Kuya na din ako! " masayang turan ni alex na may patalon talon pa..

Napatawa naman sila dahil sa ikinilos ni Alex ngunit yun ay naputol nang isang kawal na namumuno sa labanan na nagaganap sa labas..

"Kamahalan! Nadagdagan na po ang mga kalaban! " kawal

"Tsk! Hindi talaga titigil sa paunti unting pagsakop si Vile! Hindi na siya nakuntento! Sige bumalik ka na doon at sasama na din ako sa laban" Saad ng hari

Agad din namang bumalik sa pakikipaglaban ang kawal..

Paalis na sana si King Agate ng agad siyang pigilan ng kayang asawa...

"Mahal, wag mo kaming iwan ni Alex at ni Garnet" nagmamakawaang sambit ni Queen Diamond.

"Ngunit kailangan kong tumulong sa laban. Ang Charm Village na lang ang natitirang kalupaan para sa mga Light Charmers. Pag hindi natin ito naisalba, mawawalan na tayo ng lugar"

"Hindi niyo na kailangang lumaban dahil ako na ang lalaban" saad ng isang maotoridad na boses..

"Father! " Queen Diamond..

"Ngunit Grand King Jasper... "King Agate

(PrincesStarlight: Grand King is for the past kings of a palace and grand Queen is for the past queens)

"Ako na ang bahala. Kailangan pa ng matinong mamumuno ang kaharian kaya hindi kayo pwedeng mawala. Ang gawin niyo na lamang ay ang magtago ngunit ang apo kong babae ay dapat na mailayo para sa kaligtasan at si Alex ay isama niyo sa pagtatago dahil matutulungan niya kayo sa pakikipaglaban kung sakali" Grand King Jasper

"But Father.... " Queen Diamond

"Para na iyon sa kaligtasan niya Diamond. Leisha, kunin mo ang sanggol at ilayo siya dito ngunit siguraduhin mong makakabalik din siya sa mundong ito pagtungtong niya sa tamang edad at isa pa, baguhin mo ang kanyang pangalan. Yun lamang at makakaalis ka na" utos ni grand king Jasper at agad din naman itong sinunod ni Lola Leisha...

"Mom, saan niya dadalhin ang kapatid ko? " naiiyak na tanong ni Alex

"Alex, sumunod ka muna sa amin ha? Babalik din naman si Garnet sa atin. Kaya tahan na" queen Diamond at sila'y nagtago na

Author's POV

Hello sa inyong lahat, nandito na ang babaeng makapal ang mukha ngunit may konting hiya..

May talino at talento ngunit ang kagandahan ay hindi naimbento. Muli, ako po si Author!

Choss lang hehe, back to story na

Lumipas na ang labing lima na taon ngunit hindi pa rin nababawi ng mga light charmers ang 4 na lugar na kanilang tunay na pag-aari...

Natalo ng ama ni Diamond na si GK Jasper(mahaba ang Grand King) ang hari ng mga DC na si Vile ngunit parehas naman na namatay ang dalawa...

"Dad, kailan po ba siya babalik? " walang ekspresyon na tanong ni Alex na ngayon ay 20 yrs old na..

"Hindi namin alam alex" malungkot na tugon ni Alex

"K" saad nito pabalik..

Napabuntong hininga na lamang ang hari at reyna dahil kay alex

Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi pa nakakabalik ang mahal niyang kapatid na si Garnet kaya't naapektuhan at nagbago si Alex

'Nasaan ka na ba Garnet? Pls naman bumalik ka na. Miss na miss ka na ni kuya' sa isip ni Alex at may tumulo namang mga luha galing sa mata niya

TO BE CONTINUED
💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗
PrincesStarlight: How's the revision of the prologue guys? Like it?

Well, keep on waiting and plus don't forget to vote and leave a comment about the NEW sky charm academy.

Ciao! ~

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon