Chapter 13: What are friends for?

190 8 0
                                    

Author's POV

Papunta sa cafeteria ang mga royalties kasama si Charm nang may marinig silang mga di kaya ayang bulungan

"Ano ba yan... Kasama pa rin nila yang bruha na yan? Di hamak na mas maganda pa ako diyan"

(Kapal ng mukha mong babae ka)

"Manggagamit lang yang babaeng yan, ang lapit na kaya ng rank battle sure naman akong plastic yan eh"

(Mas plastic ka, mukha mo palang mukha ng plastic sa sobrang oily)

"Pasikat"

(Hindi siya entertainer para magpasikat)

"Mang-aagaw"

(Marunong siyang makuntento para mang-agaw)

"Malandi"

(Ang malandi ay yang red lipstick mo, hindi siya)

"Masyadong papansin"

(Ewan ko sa inyo)

At kung ano ano pa...

Oo naapektuhan si Charm dahil alam niyang siya ang tinutukoy ng mga charmers na nagbubulungan...

Iniisip ni Charm kung bakit siya naapektuhan , samantalang noon eh wala lang naman yan sa kanya

Marahil nga eh napalapit na siya sa mga royalties kaya ganoon na lamang siya kung maapektuhan...

Sa isip ni Charm ay wala na siyang ibang marinig kundi ang mga mapanlait na salitang binibitawan ng mga charmers

Tila ba hinihipnotismo siya ng mga di kaya ayang salita na iyon...

Hanggang sa hindi niya na nakayanan at tumakbo palabas ng cafeteria at siyempre, sinundan siya ng royalties..

Ken's POV

Kanina pa ako nainis sa mga salitang lumalabas sa mga bunganga ng babaeng toh...

Puro na lang mga mapanlait na salita ang lumalabas sa kanila...

Gusto ko na silang gawing yelo kaso pinipigilan ko lang yung sarili ko...
.

Nagulat na lang kami ng biglang tumakbo palabas si Charm at dahil sa kaibigan niya kami ay sinundan namin siya...

Charm's POV

Hindi ko na kinaya kaya lumabas na ako sa lugar na iyon...

Masyado na sila....

Bakit ba...... Ano bang ginawa kong masama sa kanila para pagsabihan nila ako ng ganon?

Hindi naman nila ako kilala para pagsabihan ng mga masasakit na salitang yon. Ano kani close? Pero seryoso, wala ba silang ibang magawa kundi ang manlait?

Hindi naman nila kailangang magsabi ng mga masasakit na salita....

Nagulat na lang ako ng may naramdaman akong yumakap sa akin... Isa pa toh, feeling close kung sino man toh

"Shhh, tahan na, hayaan mo na lang yun dahil alam naman naming hindi totoo ang mga yun" si Cheria pala, binabawi ko na yung sinabi kong feeling close

"Tama, pabayaan mo na lang" dagdag ni Chen

"Tahan na, inggitera lang yung mga froglets na yun" Cherry

Napatawa naman ako ng mahina sa 'froglets

"Tahan na nandito naman kami at hindi ka namin iiwan kahit ano pang sabihin nila" First time 'atang maging sincere ni Von ah, nakain nito pero sa totoo lang, nata-touch ako sa mga sinabi nila

"That's what friends are for" Ken

And I have such wonderful friends and family

TO BE CONTINUED
🐻🐻🐻🐻🐻🐻🐻🐻🐻🐻🐻🐻
PS:

EDITED (08/19/17)

Many chapters to go so wait patiently..

Other chapters may be short due to I already want to finish this book..

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon