Chapter 15: Meet and Dinner with THEM

211 8 0
                                    

Charm's POV..

"Charm! Cheria! Dito bilis! " sigaw ni Cherry

Wonder where we are?

Well, nandito lang naman kami sa charmers mall, bumibili ng maisusuot, actually ako lang naman ang bibilhan nila..

Ganto kasi yung nangyari..

Flashback~
...

Pagkatapos ng rank battle ay nagbalikan na sa kani-kanilang dorms ang bawat charmers para makapagpahinga..

Lumapit naman sa akin sila Von at binati ako dahil officially na akong makakasama sa kanila..

Ayaw ko kasing isipin ng iba na wala akong karapatan na makisama sa kanila..

Eh ngayon, sa ganitong paraan na ako ang napili, napatunayan ko na hindi ko kailangan ng dugong bughaw para makalapit sa kanila..

"Miss Enzhart"??

Nagulat naman ako ng may tumawag sa akin mula sa likuran ko kaya humarap ako...

"K-king Agate, bakit po?" tanong ko habang nakayuko..

Aba siyempre hari ang nasa harapan ko kaya yumuko ako

"Iha, itaas mo ng ulo mo sapagkat may gusto lang kaming sabihin sayo" sabi ng isang napaagandang boses na nagmula kay Queen Diamond..

At gaya nga ng utos ni Queen Dia, itinaas ko ang ulo ko at tumingin sa kanila. Napansin ko din na ng mga hari't reyna ng ibang palace ay lumapit din sa akin..

"Bilang parangal na ikaw ang makakasama ng mga royalties sa kanilang grupo ay nais kitang imbitahan sa salo salong magaganap bukas sa Mahou Palace kasama kami at ang mga royalties" King Agate..

Yes! Makakapasok na din ako sa palace! Nakaka-excite!

"Masusunod po"

At umalis na sila

Flasback ends~

So kaya nila ako tinutulungang mamili ng damit kasi sabi ni Cherry eh kailang bongga daw ako doon haha...

Habang naglilibot kami eh may nakita akong eleganteng damit na pumukaw sa interes ko kaya nilapitan ko ito

It is a shoulderless dress na hanggang tuhod at may butas ito sa magkabilaang side sa bewang at color pastel green siya...

Lumapit naman sa akin sila Cheria at Cherry at nakita nila yung hawak ko na damit..

"Wow.... Ang ganda naman niyan, yan na ang napili mo?" tanong ni Cheria at tumango nalang ako.

"Ano ba yan charm, kung sinabi mong magaling ka pala pumili edi sana kanina pa ako naghahanda para sa susuutin ko mamaya" pabirong sabi ni Cherry...

"Haha sorry naman, nagulat naman kasi ako na kinaladkad mo ako dito, hindi na tuloy natin nasama yung mga boys" sabi ko..

Kanina kasi habang nasa cafeteria ako para kumain eh nagulat nalang ako ng hilain ako ni Cherry at hinila niya din si Cheria ng makita namin siyang nagbabasa sa ilalim ng puno..

Medyo nagalit nga si Cheria kasi naistorbo siya sa pagbabasa

"Hmp! Hayaan mo na yung mga boys! Halika na nga at bayaran na natin yan ng makapaghanda na tayo" Cherry at kinaladkad naman kaming dalawa ni Cheria. Hays, kawawa naman kami, gawin ba naman kaming stroller bag? Kinakaladkad lang? XD

-----------

Tapos na akong mag-ayos kaya naman lumabas na ako ng kwarto ko kasi remember, kadorm mate ko sila Cherry

Suot ko nga pala yung binili naming dress kanina at naka light make up ako then skin tone na sandals..

Yung buhok ko naman ay naka-ayos na katulad sa buhok ni Bell, yung sa disney princess...

Pagkalabas ko ay nagulat ako ng sumigaw si Cherry habang nakatingin at nakaturo yung hintuturo sa akin

Problema nito?

"Waaah! Sino ka?! Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ni Charm?! Anong ginawa mo kay Charm?! Huhu.. Charm lumabas ka diyan... Malaman ko lang na may ginawa sayo tong babaeng toh babanatan ko toh" histerikal na sabi ni Cherry

Grabe siya oh. Para namang sinabi niya na ring hindi ako maganda lol

"Grabe ka naman, ako toh si Charm! Ang sama mo sa akin ah"

"Hinde! Hinde ako naniniwala na ikaw si charm! Ilabas mo siya! Charm! Char--" well, natigil siya dahil binatukan lang naman siya ni Cheria na kararating lang..

"Tumahimik ka ngang babae ka. Si charm yan--" natigilan naman si Cheria dahil pagtingin niya kung nasaan si Cherry kanina eh wala na siya...

Humarap naman sa akin si Cheria at tinanong kung saan nagpunta si Cherry

"Ayun oh! Nasa sulok, nagpapatubo ng kabute" ako sabay turo sa isang babaeng naka crouch while anime crying at nakahawak sa ulo kung saan siya binatukan ni Cherria

Nakakatawa nga eh kasi mukha siyang ewan haha...

---

Pagkatapos ng session kanina lumabas na kami para imeet yung mga boys...

"Tagal naman nila! " rinig naming reklamo ni Von haha

Di pa kasi nila kami nakikita...

"Aba't! Hoy lalake! Nandito kami oh! Bulag lang" hulaan niyo kung sino

"Nandiyan na pala kayo, tara na at hinihintay na tayo sa Mahou Palace" saad ni Chen

Ang baho pa rin talaga ng pangalan😂😂

Tumango naman kami at dumiretso na sa carriage

Kinakabahan ako ah, first time ko naman kasi atsaka mga hari at reyna ang makakasama ko doon..

Ano kayang mangyayari? Naku! Baka pag ayaw nila sa akin eh ipakulong o di kaya ipatapon nila ako. Huhu, wag naman sana...

"Charm, nandito na tayo" Ken...

Nabalik naman ako sa ulirat ko dahil kay Ken kaya bumaba na din ako ng carriage

Pagbaba ko ay nakita ko agad sila King Agate, Queen Diamond, King Vien, Queen Lyle, King Ford, Queen Isabelle at sila King Mark at Queen Chellia..

(A/N: Next chapter niyo na po malalaman kung sino yung magulang nila diyan, although yung iba ay masasabi na ngayon)

"Buti naman at nakarating kayo" king Agate..

"Halina kayo at handa na ang kakainin natin" Queen Dia

Sumunod naman kami sa kanila..

Bawat madadaanan nga namin eh binabati at niyuyukuan ang mga hari at reyna, siyempre kasali ang mga royalties

---

Well, nandito na kaming lahat sa dorm at dinner lang ang nangyari at konting kwentuhan...

Dapat nga hindi kami makakapasok bukas kasi dapat limang araw kami sa palace kaso may nangyari..

Ewan ko na basta ang pagkarinig ko ay tungkol daw sa apat na lugar ng Mahou no Dimension..

Hindi talaga ako maka-get over sa pangalan 😂😂

Emergency ata eh....

Makatulog na nga

Night~

TO BE CONTINUED
💤💤💤💤💤💤💤💤💤💤💤💤
PS:

EDITED (08/21/17)

Hindi ko na po sinulat kung ano yung nangyari kanina sa dinner nila dahil may next chapter pa po..
Sa chapter 19 naman po eh may bonding naman pong mangyayari...

Next chapter; Chapter 16: S. C. A History

-Ciao~

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon