Chapter 10: Training ground

272 9 1
                                    

Charm's POV

Papunta kami ngayon sa training ground para mag-training probably dahil may mga DC nang nakakapasok sa Charm Ville

Inatake nga ako noong nakaraang linggo diba? Kaya nga naghahanda na kami kung sakali mang lusubin at sakupin kami ng mga DC, at Charm Ville na lang kasi ang natitirang rehiyon o lugar na pwedeng tirhan ng lahat ng mamamayan ng White land..

"Okay lang ba talagang pumasok ka ngayon? Kakagising mo lang kasi kahapon" Pang-sampung beses ng tanong ni Chen. Grabe naman toh mag-alala

"Wag kayo mag-alala, okay na ako" paninigurado ko..

Kahapon lang kasi ako nagising at isang linggo daw ako nakatulog, Hindi daw nila alam kung bakit dahil konti lang naman daw and tama ko (konti lang para sa kanila yun -_-) at dapat tatlong araw lang daw kaso napahaba

Hindi pa nga pala nila alam ang tungkol sa nangyari sa akin noong nakipag-laban ako, nung may kakaibang enerhiya ang lumabas sa akin, Hindi ko rin naman kasi alam kung ano talaga yun. Basta nawala na lang ako sa kontrol...

Balak ko nga pumunta ng library mamaya eh para malaman kung ano yun. Pagkatapos nga din pala nun ay may violet crown tattoo na bigla na lang sumulpot sa baba ng right collar bone ko

Siguro, clue na din yun

* * *

Nandito na kami sa loob ng training ground at ang dami ko agad nakikitang mga charmers na seryoso sa pagte-training

"Battle tayo guys! " suggest ni Chen na sinang-ayunan naman namin...

"O bunotan tayo ng makakalaban, kung sino yung may kaparehang number na nabunot, sila yung magkalaban" paliwanag ni Cheria at tumango nalang kami tsaka bumunot

Bumilang kaming tatlo at sabay sabay na itinaas yung number na nabunot namin..

1-Cheria
2-Ako
3-Cherry
1-Chen
2-Ken
3-Von

Bale kalaban ni Cheria si Chen, kalaban ko naman si Ken; good luck nalang sa akin, tapos kalaban naman ni Cherry si Von; good luck sa training ground, baka sumabog

Pumwesto na sila kaya pumwesto na din kami ni Ken..

Nakatayo lang muna kami habang yung iba ay nag lalaban na

Wala pa akong maisip na paraan para matalo siya pero sa tingin ko mas maganda kung ibubulong ko lang yung mga atake ko para hindi niya malaman.

[A/N: bulong po yung pag-sabi ni Charm sa mga atake niya ha? Tiyaka Hindi naman ako magaling sa mga action/fighting scenes kaya sana pagpasensyahan niyo na po ]

"Ladies first" Ken

"Fire wings" tsaka ako nagkaron ng pakpak sa likod, mas mahirap kasing tamaan sa aerial battle at kung magpakpak man siya, mas mabilis ako dahil mas sanay siyang lumaban sa lupa

"Fire meteor" bumagsak sa pwesto niya ang mga nagbabagang tipak na mga bato

Tila nagulat naman siya sa ginawa kong atake pero naka cast agad siya ng defense spell

"Lightning vortex! " at kada dikit ng mga fire meteor sa parang lightning shield niya ay tinitira din ako pabalik ng mga lightning

Iniiwasan ko lang ang mga iyon dahil mabilis naman ako sa ere pero may mga daplis din akong natamo galing sa kanya.

"Tss, Heat Impact" tila ba nagkaroon ng lindol at nagkaroon ng mga bitak sa lupa at mula doon ay lumabas ang maiinit na singaw, usually pang maramihan ang atakeng ito pero sa kaniya ko lang ni-focus.

"Argh!! Cold release!" Muling bumalik sa dating temperatura ang kinalalagyan niya.

"Fire scythe! Dispell!"

Nawala yung pakpak ko sa likod at sumugod naman ako sa kanya

"Fire ball" Nakita ko namang nag-summon din siya ng ice katana at sinangga yung mga atake ko. Nagkaroon naman ng usok sa paligid dahil sa pagtama ng apoy sa yelo at yun yung ginamit kong tiyempo para atakihin siya agad.

Habang hindi pa siya nakakakita ay sinipa ko siya sa tiyan na naging dahilan ng pagtalsik niya pero agad din siyang tumayo at sumugod sa akin.

Tinira niya ang kaniyang katana pa kanan at ang akin naman ay pakaliwa kaya naman nag-form ng cross ang weapon namin.

Hindi ko napansin paa niya na sinipa ang tuhod ko na naging dahilan para mapaluhod ako.

"Sh*t!"

Ni-slide ko naman yung kanang binti ko na naging dahilan para madapa siya at muli akong tumayo.

Napansin kong sumasakit ang tuhod ko tuwing ginagalaw ko yung parteng sinipa niya.

"Fire Chain"

Biglang may sumulpot na mga bakal na pumulupot sa kaniya.

"Argh!!" Alam kong napapaso siya dahil sa init ng temperatura ng bakal na iyon.

"Lightning strike"
Napansin ko namang may mga kidlat  na bumubulusong pababa at palapit ito ng palapit sa pwesto ko kaya naman nag-back flip ako palayo.

Nawala na yung epekto ng spell ko kaya naman nakawala na si Ken at galit na tumingin sa akin.

'Aba, practice lang toh, papatayin niya yata ako'

"Arghhhh!!" Muli siyang sumugod sa akin at humanda naman ako.

Yumuko ako nang muntikan niya nang mahiwa yung ulo ko at umikot naman ako para mapunta sa likod niya.

Sinuntok ko naman siya sa tagiliran

"Ouff!!" Ako naman ang umatake, bawat hawi ng scythe ko ay sinasangga niya ng katana niya hanggang sa matapat sa puso niya ang scythe ko at nasa leeg ko naman ang katana niya.

Napalunok tuloy ako

Maya Maya pa ay may narinig kaming mga nagpapalakpakan kaya naman napalingon kami sa lahat

Napatigil pala sila sa pag-eensayo dahil sa panonood sa amin..

Nagulat ako ng may umakbay sa akin at nagsalita

"Galing natin ah" as usual, si Von lang naman ang mahangin hahahaha

Napalingon naman ako sa kanya tsaka nag-salita

"Salamat"

"Yabang naman nito" pagpaparinig naman ni Cherry

Nako! Hahaha magsisimula nanaman ang world war haha kaya paalam na muna at hanggang dito lang ang naisip ni otor na idea tungkol sa topic natin for today

See you in the next chapter!

TO BE CONTINUED
@@@@@@@@@@@@@@@@
PS:

EDITED (08/19/17)

Sana po nagustuhan niyo 'tong chapter kahit hindi maganda ang fighting scenes

Don't forget to vote and leave a comment!

Ciao~~

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon