Chapter 5:Dorm Mate

401 17 1
                                    

Charm's POV

Lunch break na namin ngayon kaya naman nag-aayos na ako ng gamit para kumain...

Sa dorm nga pala ako kakain para tipid sa allowance

Kamusta kaya yung mga ka dorm mate ko dun? Di ko pa kasi sila kilala at nakikita..

Baka dun din kakain ang mga yun, lutuan ko na lang..

Bago ako tuluyang makalabas ng room ay may narinig akong grupo ng mga istudyante na nag-uusap tungkol sa akin...

Katulad nang ang ganda daw ng mata ko, maganda daw figure ng katawan ko, na mukha daw akong mabait at may iba pa ngang nagsasabi na malandi daw ako at pasikat..

FYI ha? Sinong nilandi ko? Hmmp! Makabalik na nga sa dorm

***
Pumasok na ako sa loob ng dorm atsaka dumiretso agad sa kusina para magluto.

***

Tapos na nga pala akong magluto, ang niluto ko ay ginataang sitaw at kanin at ngayon ay gumagawa ako ng chocolate cream puff

Actually hinihintay ko na lang na matapos yung cream puff at lalagyan ko na ng chocolate filling na ganache..

(PS: Ang ganache po ay chocolate na nagawa noon dahil sa isang pagkakamali. Habang tinutunaw kasi ang chocolate sa ibabaw ng kumukulong tubig ay aksidente itong natapunan ng gatas at sinabi ng prof. pastry chef sa tinuturuan niya ang salitang 'ganache' na ang ibig sabihin ay 'stupid' at nang tikman niya ito ay nasarapan siya. The end.
French word nga pala ang GANACHE)

Nilalagyan ko na ng mga design ang cream puffs ng may sumigaw na ikinagulat ko at napasigaw na din ako kasabay ng babae..

Cherry's POV

Hi! I'm Cherry Andrenaline Arcilla, 15 yrs old and the Princess of Wizards Palace kung saan kami ang namumuno sa mga wizards, sorcerers, witches and summoners..

Nandito kaming limang royalties sa kwarto ko nang makaamoy ako ng mabango...

*sniff* *sniff*

Ang bango talaga, nakakagutom..

"May naaamoy ba kayo? " tanong ko kasi parang wala lang sa kanila..

"Huh? Wala naman, bakit? " tanong naman ni Cheria

Hindi nila naaamoy? Oh well, gutom na talaga ako eh

"Ahh, wala lang. Kukuha lang ako ng juice" paalam ko na ikinatango nila pero ang totoo sinusundan ko kung saan nanggagaling yung amoy hanggang sa may nakita akong babaeng na ka apron na may mint green color na naka ponytail na buhok..

May ginagawa siya eh at dahil sa nagulat ako na may ibang tao pa pala dito sa dorm ay napasigaw ako dahilan nang pagkagulat ng babae at pagsigaw din..

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! " kaming dalawa..

Narinig ko namang may bumukas na pinto at di ko namalayan na nandito na pala sila Cheria sa tabi ko.

"Anong nangyari?! Bakit ka sumisigaw?! " tarantang tanong ni Von

Napatigil naman ako at tinuro yung babae na kanina pa pala tumigil sa pagsigaw..

"Sino ba namang hindi sisigaw kung makita mong may ibang tao sa dorm mo?! " iritang tanong ko kay Von😤😤

Kainis taong lalaking toh!

"Chilax lang, nagtatanong lang naman eh" Von.

Tumingin naman kami sa babae na ngayon ay nakatingin sa amin

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon