Chapter 7: Still in Trauma

322 13 1
                                    

Charm's POV

Nandito ako sa classroom at lumilipad ang isip ko dahil sa napaginipan ko kagabi

Bumalik na naman ulit kasi sa akin yung itsura nung namatay sila ate at kuya..

Ewan ko pero paulit ulit siya sa utak ko at pumasok din sa isip ko na takot na akong mamatay...

****

Natapos ang buong klase ng lutang ang isip ko at hangang ngayon ay lutang pa rin ako habang naka-upo dito sa kama ko...

Paulit ulit ang imaheng mga yun...

Parang bumabalik lahat..

Ano bang nangyayari?

Dapat ako nalang ang namatay at hindi sila!!

Paulit ulit din ang mga salitang iyon hanggang sa hindi ko namalayan na nasaksak ko na pala ang sarili ko hanggang sa dumilim na ang lahat.

Cherry's POV

"Ano kayang nangyari kay Charm? Para ang lalim ng iniisip eh" Chen

"Oo nga eh, sa sobrang lalim di ko na malangoy, di ko tuloy siya masagip" sabi naman ng impaktong si Von

"Tawa kayo bilis! Wawa naman baka umiyak" sarkastiko kong sabi...

Bwisit kasi eh, kita na ngang nag-aalala kami kay Charm tapos nagawa pang magsabi ng ganyan.

"Tama na nga yan. Tawagin mo nalang si Charm sa kwarto niya Cherry para maka-usap natin ng masinsinan at gumaan ang pakiramdam. Para kasing dala niya yung buong dimension eh" sabi ni Cheria kaya umakyat na ako para tawagin si Charm

----

Kanina pa ako katok ng katok dito sa kwarto ni Charm pero walang sumasagot o nagbubukas

Nakailang katok at tawag na ako sa kanya pero wala parin

Nag-aalala na tuloy ako

"Ang tagal mo naman"

"Kyah! Ken naman eh! Kagulat ka! " bwisit! Ginulat pa ako ng lalaking toh

Pano kaya kung may sakit ako sa puso? Malaman ko lang na patay na ako..

"Ayaw bang buksan? " tanong ni ken eh

Umiling lang ako..

"Ako na nga" sabi niya at kumatok then tinawag si Charm pero katulad ng kanina ay wala paring sumasagot

Nang ipihit niya yung pinto ay nalaman niyang bukas ito kaya naman pumasok siya at sumunod ako..

Teka, nasaan na siya?

Nilibot ko pa yung kwarto niya hanggang sa mapadpad ako sa cr at nagulat sa nakita..

S-si Charm, du-duguan. May s-saksak siya s-sa tyan habang hawak niya yung gunting

"K-ken! Dito bilis! "

"ANO YUN NAKITA MO NA BA... siya... " humina yung sinabi niya sa huli dahil sa nakita niya...

"Shit! Tawagin mo sila sa baba bilis!" at gaya nga ng inutos ni Ken ay tinawag at sinabi ko sa kanila yung nangyari kay Charm at kita ko na nag-aalala din sila...

*****

Nandito kami sa school hospital dahil dito namin siya dinala...

Nasabi na din sa amin ni doc na maraming dugo na ang nawala kay Charm kaya sobrang nag-aalala na talaga kami kay Charm

Siguro matagal na siyang nakahilata sa cr kaya maraming dugo na yung nawala sa kanya..

Ano bang nangyayari sayo Charm?

Bakit ka nagkakaganyan?

Gumising ka na din please..

Sobrang nag-aalala na kami...

Kahit mag-open up ka lang sa amin kahit konti basta gumaan na ang pakiramdam mo...

"W-wag" narinig naming boses galing kay Charm kaya napalingon kami sa kanya na ngayon ay umiiyak at pinagpapawisan ng matindi...

Kaming dalawa nga lang pala ni Ken yung nandito kasi bumili ng makakain yung iba..

Lumapit naman ako sa kanya at ginising sya

"Charm gising! Binabangungot ka! " pero ayaw pa rin kaya no choice ako kundi ang sampalin siya

*pakk*

Napabangon naman siya bigla dahil sa pagsampal ko sa kanya..

"Buti naman at nagising ka din"

Lumingon naman siya sa akin

"Huh? " siya habang baka tilt yung ulo niya..

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita

"Binabangungot ka kasi at ayaw mong magising kanina kaya sinampal kita. Sorry nga pala Don" ako at tinanguan niya lang ako tsaka lumingon sa ibang direksyon

Charm's POV

Bumabalik nanaman.

Ayaw akong tigilan ng pangyayaring ito...

Tama na, hindi ko na kaya...

"B-bakit? " Sabi ko habang umiiyak..

"Huh? " naguguluhang tanong naman ni Cherry.

Lumingon naman ako sa kanya at nakita kong nagulat siya dahil umiiyak ako..

"B-bakit? *sobs* ilang be-beses ko na kayong tin-naboy at nilayuan p-pero nandiyan parin kayo? *sobs* please *sobs* lumayo kayo sa akin lalo n-na't ayaw ko kayong *sobs* madamay at masaktan"

Nagulat na lang ako ng may maramdaman akong yumakap sa akin.

"Shh, tahan na. Nandito lang ako, kami. Hindi ka namin iiwan at lalayuan sa ayaw at sa gusto mo. Mag-open up ka sa amin para matulungan ka namin" pagpapatahan niya sa akin kaso lalo lang akong umiyak..

At ngayon ay humahagulhol na ako..

Cheria's POV

Nandito kami sa labas ng pintuan kung nasaan sila Cherry at Charm.

Naririnig namin lahat ng pinag-uusapan nila pati na rin yung hagulgol ni Charm..

Ang dami niya sigurong pinagdaanan..

"Tara na guys, pumasok na tayo" aya ko..

"Huh? Pero di ba mas mabuti kung sila na lang muna ang mag-usap? " si Chen yan..

"Edi sila lang ang magiging magkaibigan, ganun? Kaya nga tayo nandito para tulungan siya. Tara na" at binuksan ko na yung pinto..

"Yes! May exposure na rin ako! " narinig kong bulong ni von..
Baliw talaga.. Hahaha

TO BE CONTINUED
💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗
PS:

EDITED (08/18/17)

Okay lang ba?
Sorry kung ngayon lang ako nakapag ud..
Gomen ne..

Thank you nga pala sa patuloy na pagsuporta sa sky charm kahit tamad ako. Hehe

Di ko namalayan na nasa 1k+ na pala toh so thank you!!!!!!!

Don't forget to vote and leave a comment

Ciao~

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon