Chapter 16: S.C.A History

179 7 0
                                    

Third Person's POV

Ngayon ay inaaral ng lahat ang tungkol sa History ng SCA

"Noong wala pa ang mga tinatawag na dark charmers ay Lima ang lugar na tinitirhan ng bawat may magi-oh sa Mahou no Dimension

Ito ang Lock kung saan nakatira ang mga taong kayang magproduce ng magi-oh out of its own body without casting a spell. Kilala rin sila bilang BENDERS

Wizards Dream, ang mga nakatira naman dito ay ang mga wizard at summoners...

Medyo parehas sila sa mga witches pero wand and spells ang ginagamit ng mga wizard at caliber naman ang ginagamit ng mga summoners.

Witches Ville, good witches ang mga nakatira dito. Ang ginagamit naman nila ay wand, alchemy and brooms..

Beast World, kung saan nakatira ang mga magical beasts or mythical creatures..

At lastly, Ang Charm Ville, kung saan nakatira ang mga taong may 2 magi-oh..

Commonly ang magi-oh nila ay ginagamitan ng spell pero ang specialization elements of magic lang ang pwede nilang magamit..

Noong hiw-hiwalay pa ang bawat may magi-oh sa bawat lugar ay magi-oh ang tawag sa mahika ng bawat isa pero simula ng sakupin ni Vile ang Beast world, Witches Ville, Wizards Dream, at Lock ay napagkasunduan ni Grand King Jasper na sa Charm Ville patirahin ang lahat ng mga kaanib ng light charmers at charm na din ang naging katawagan sa mahika ng bawat isa

Kaya ngayon ay magkakasama sama ang lahat sa iisang lugar..

At doon nagsimulang magkaroon ng 3 pang palace bukod sa Mahou palace nila King Agate at Queen Diamond

Ang Ice palace na pinamumunuan ng magulang nila Prince Ken at Prince Chen; King Vien at Queen Lyle ang namumuno dito

Ang Wizards Palace naman na pinamumunuan ng magulang ni Princesa Cherry na sina King Ford at Queen Isabelle

At ang panghuli ay ang Earth and Water palace na pinamumunuan naman ng magulang nila Princess Cheria at Prince Von na sina King Mark at Queen Chellia..

Magkasama ang Earth and Water Palace sapagkat isang Earth user si King Mark at Water user naman si Queen Chellia.

Ang hari't reyna kasi ng Earth and water palace ay tinaguriang hybrid rulers kung saan, magkaiba ang elementong kanilang taglay. Dahil din dun ay tinagurian ring Hybrid Prince and Princess sila Cheria at Von

Ang mga namili ng mamumuno ng bawat palace ay si haring Agate mismo dahil sa malaki ang tiwala niya sa mga ito..

Bata pa lang kasi sila ay magkakaibigan na sila..

Tumungo naman tayo sa naging pangalan ng academy...

Naisip niyo na ba kung bakit Sky Charm Academy ang naisip na ipangalan sa academy?

Dahil lang naman ito sa pagmamahalan nila Angely Charm Forrester at ang misteryosong lalaking kanyang minahal na nagngangalang Sky..

Si Angel ang panganay na anak ni Grandking Jasper at Grandqueen Ruby..

Si Angel kasi ay naglalakbay nang siya'y napadpad sa isang bayan at doon niya nakilala si Sky..

Di nagtagal ay nagkaroon sila ng pag kakagusto sa isa't isa at noong ipinakilala ni Angel si Sky sa kanyang magulang na sila Grandking Jasper at grandqueen Ruby ay ayaw tanggapin ni GQ Ruby si Sky sapagkat ang magulang ni GQ Ruby mismo ang nagtatag ng batas na "Prinsipe lamang ang pwedeng umibig at makipag-isang dibdib sa prinsesa" at dahil sa hindi naman prinsipe sa Sky ay hindi maaaring sila'y maging magkabiyak.

Bumalik si Sky sa kanyang bayan at naiwan si Angel dito..

Di nagtagal ay namatay si GQ Ruby at natanggal ang batas na iyon dahil sa pagsang-ayon din ng karamihan..

Tuwang tuwang bumalik si Angel sa bayan kung saan niya nakilala si Sky ngunit napawi naman ang kanyang kasayahan ng mabalitaan niyang bigla na lamang naglaho si Sky..

Nang ibibigay na ang trono kay Angel ay tumanggi siya at sinabing kay Diamond nalang ibigay ang trono sapagkat wala ding silbi kung siya ay magiging reyna dahil wala na ang kanyang hari...

Tinanggap ni Diamond ang trono dahil ayaw niyang patuloy na masaktan ang kanyang kapatid sa pagpilit ng trono sa kanya..

Di naglaon ay namatay si Angel dahil sa labis na kalungkutan at dahil sa pagmamahal na taglay ni Diamond para sa kanyang kapatid ay ginamit niya ang pangalan ng taong kanyang minahal bilang kapatid at ang mahal ng kanyang kapatid..

Simula noon ay tinawag ng Sky Charm Academy ang academy na ito. Ito na rin ang sumisimbulo bilang paalala sa wagas na pagmamahalan ng dalawang taong malaki ang pinagkaibahan sa antas ng pamumuhay at posisyon sa buhay..

Class dismissed"

TO BE CONTINUED
🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼
PS:

EDITED (08/21/17)

Bagong learn? Haha..

Sana naintindihan niyo yung history..

Comment about the history!!

-Ciao~

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon