Chapter 30: Beast World (part 2)

127 5 1
                                    

Cherry's POV

Pagkarating namin dito sa Beast World ay agad kaming naghanap ng pagtataguan namin and at the same time, tutuluyan namin.....

Lahat kami ay naka-cloak at hanggang ngayon ay buhat buhat pa rin ni Ken si Charm.

Kyaaaah! Kenekeleg akoooo! wahahaha kashi naman hahahaha, ang harot!

Anyway highway, patuloy pa rin kami sa paglalakad nang may marinig kami kaya naman bigla kaming naalerto

"Psst" ??

Sino naman yun??

"Psst" ??

Nakakainis na ha? Kung sino ka bang mokong ka, wala kaming oras makipagtagu-taguan sayo

"Psst, dito" ??

Napatingin naman kami sa likod ng puno at doon nadatnan namin ang isang kalahating tao at kabayo....

"Kami ba?" Tanong ni Cheria

Tumango naman si half human and horse kaya naman sumunod kami sa kaniya

"Mga Light Charmers kayo diba? Anong ginagawa niyo dito?"

Nagulat naman kami dahil nalaman niya na light charmers kami samantalang tinago na namin ang presensya namin

"Paano mo--" Von

"Alam ko lang, sa tagal ko nang nandito. Kaya ko ng tukuyin kung sino ang mga dark charmers at napansin kong kakaiba kayo"

Paanong kakaiba?? Ano kami alien?

"Teka nga, sino ka ba at saan mo naman kami dadalhin? Hindi ka ba kalaban??" Chen

"Ah, patawad, ako nga pala si Shawn, isang saguitarius at hindi, hindi ako kalaban. Isa ako sa mga patagong mamamayan dito sa beast world. Karamihan kasi sa amin ay hinuhuli o di naman kaya ay pinapatay kaya kami ng mga kasamahan ko ay nagtatago. At doon ko kayo dadalhin. Mukhang pagod na rin kayo lalo na yang kasama niyo"

Sumulyap pa siya kay Charm bago ulit humarap at nagpatuloy sa paglalakad habang kami ay tahimik na lang na sumunod. Baka pagnag-ingay pa kami,lalo pa kaming mapahamak. Marami pa namang mga nagkalat na DC sa paligid. Mahirap na at baka maka-tunog pa silang nandito kami

------

Nandito kami sa ma gubat na parte ng beast world at habang lumalayo ang nilalakad namin ay napapansin kong mas dumadami ang mga punong nadadaanan namin

Hindi rin nagtagal ay may naaninag na kaming parang dingding kaso punong puno ito ng mga baging at halaman

May ginawa si Shawn na tanging magical beast lang ang nakakagawa upang mabuksan ang pintuang hindi namin alam na nandiyan pala......

"Pasok" Shawn

Sa pagpasok namin ay ang dami naming nakitang mga bahay at marami ring mga magical beast ang nakatingin sa amin. Merong kalahating leon at kalahating agila, meron rin silang sirena, elves, taurus at kung ano ano pa....

Idinaan kami ni Shawn sa loob ng isang bahay na sa tingin ko ay kaniya...

"Magpahinga na muna kayo, sigurado akong malayo ang nilakbay niyo" lumabas muli si Shawn para maiwan kaming mag-ayos ng mga gamit namin

Inihiga na ni Ken si Charm sa isa sa mga kama at ako naman ay inayos na rin yung gamit ni Charm.....

Pagkatapos namin ay natulog na rin kami

------
Charm's POV

"Charm malapit na......"??

Sino ka?? Anong malapit na??

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon