Chapter 21: I'm awake

169 9 1
                                    

Third Person's POV

Apat na buwan at pangatlong araw nang hindi nagigising si Charm at sa bawat pagbisita ng mga royalties ay napapansin nilang unti-unti nang pumuputla ang kulay ng balat ni Charm kaya't unti-unti na rin silang nawalan ng pag-asa para sa kaibigan na naging dahilan ng madalang nilang pagbisita

Malaki rin ang naging epekto nito sa mga royalties, masamang epekto kung ating tutukuyin

Si Cherry na masayahin at bungangera ay naging tahimik at nadagdagan ang pagkataray, na humantong sa pagiging bitch niya

Si Cheria na laging pumipigil sa away nila Cherry at Von ay naging maldita na at ang nagiging unang dahilan pa ng kaguluhan. Kumbaga, gangster na kung umasta.

Si Von na laging kasagutan ni Cherry ay palamura na at napasok na rin ang isang bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Si Chen na tahimik at kinikilalang good boy ng grupo ay naging bad boy na, palagi na siyang may mga nakakabugbugan at ka-fling.

Si Ken na unti-unti nang nag-oopen up para sa iba ay bumalik sa pagiging cold; mas lumala pa nga. Bigla bigla na lang siyang mambubully o di kaya'y manununtok.

Dahil sa kanilang mga ugali ay nagkakaroon na sila ng mga masasamang records sa Hm's office na hindi naman ikinatuwa ng kanilang mga magulang kaya pinatawag sila sa kani-kanilang mga palasyo

@ice palace (ken&chen)

"Ken, Chen, ano bang nangyayari sa inyo? Marami kaming nababalitaan na kayo daw ang nagpapasimuno ng away sa academy, may problema ba? pwede niyo namang sabihin sa amin" nag-aalalang saad ni queen Lyle ngunit hindi man lang siya inimik ng kaniyang mga anak kaya't napabuntong hininga na lamang siya at hinayaang ang kanyang asawa na muna ang kuma-usap sa dalawa

" Sa mga pinag-gagagawa ninyo, hindi na nagiging maganda ang tingin sa inyo ng mga tao dito sa mahou dimenson lalo na't nababalitaan din nila ang mga pinag-gagagawa niyo sa academy dahil pag-kami'y bumitaw sa katungkulan, isa sa inyo ang magiging hari ng ice palace, kaya't umayos kayo" King Vien, ngunit sya'y tinalikuran at iniwan lamang ng kanilang mga anak

@Wizard's Palace (Cherry)

"Cherry, bumalik ka na sa dati! nag-aalala na kami ng ama mo, nagiging masamang impluwensya ka na din sa mga studyante sa academy..... Cherry, hwag mo namang sirain yung buhay mo, marami ka pang dapat na maranasan at mapag-aralan kaya't hwag mong hayaan na tuluyan kang maging ganyan" Queen Isabelle 

ngunit, pagtataray lang ang iginanti ng Cherry sa kanyang ina at lumisan din ng palasyo

@Earth & Water Palace (Cheria&Von)

"Cheria! tigilan niyo na ang kahibangan na ito! sinisira niyo ang buhay niyo pati na rin ang tiwala ng mga tao sa inyo!" Queen Chellia

"Ano bang pake nila?" walang hesitasyon na tanong ni Cheria sa kaniyang ina kaya't grabe na lamang ang pag-kagulat ng kaniyang ina sa inasal  niya...

"Cheria! wag mong sasagot-sagutin ng ganyan ang iyong ina! sya ang nagbigay-buhay sa inyong dalawa ni Von kaya't ayusin mo ang sarili mo! at sa mga ginagawa niyo, hindi matutuwasi Charm kapag nalaman niya ito--" ngunit hindi natapos ang nais na sabihin ni King mark nang walang paalam na lumabas ng palasyo sila Von at Cheria...

Dahil sa mga inasal ng royalties ay nag-karoon naman ng pagpupulong ang mga hari at reyna sa Mahou palace upang ito'y kanila ring ma-ibalita kila King Agate at Queen Diamond

@Mahou Palace

"Nandito na ang lahat..... kung gayon, atin ng umpisahan ang ating pag-pupulong. Maaari kang kayong mag-umpisa Vien at Lyle" saad ni King Agate upang mag-simula na ang kanilang pag-pupulong...

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon