Chapter 17: Missing

194 6 0
                                    

Von's POV

Hi guys!

First POV ko ata toh ah..

Otor kasi eh -3-

Tama na nga yan,  marami pang ginagawa si otor.

Nandito naman kami ngayon sa palace namin.

Walang iba kundi ang Earth and Water palace..

Weekend kasi ngayon eh, napag-isipan namin ni Cheria na dalhin sila dito sa palace kaya eto kami ngayon,  nasa parteng garden ng palasyo

"Ang ganda naman talaga dito, malinaw at malinis ang tubig at ang mga bulaklak at halaman ay malalago at malulusog" Charm.

"Ano pa bang aasahan mo?  Kung gusto mong makihalubilo sa kalikasan, earth and water palace is the right place for you" pagmamalaki ko

Aba siyempre, proud ako  sa palace namin noh 😎

"Yabang naman nito. Wag ka mag-alala Charm,  kung gusto mong makakita ng pinakamagical place,  dadalhin kita sa palace namin" Cherry

"Talaga?!  Nakaka-excite naman" Charm habang nagniningning ang mga mata,  para tuloy siyang bata

"Yung palace din nila Ken at Chen ay maganda,  ang daming ice sculptures doon at mga ice sports.  Marami ka ding makikitang mga ice fairy doon" Cheria

Oo nga,  ang ganda kaya ng palace nila Ken

Kaso...

"Ken,  ang tagal na nga din pala nung dinala mo kami doon noh?  Hindi mo na kami pinapasyal sa palace niyo simula nung mamatay si--" hindi natapos ni Cherry yung sasabihin niya ng bigla na lang nag-walk out si Ken

"Anyare Don?  Bakit nag  walk out yun?" tanong niya..

Napaka-clueless niya talaga...

"Baliw ka kasi, alam mo namang kinakalimutan niya na siya tapos ipapaalala mo lang ulit. Hindi ka ba nag-iisip o sadyang tanga ka lang? Di bale na nga, naalala ko palang di ka marunong mag-isip dahil wala kang isip" sabi ko at tumayo tska pumasok sa loob

Aba siyempre, alam ko naman na pagkatapos ko yan asarin eh sasabog nanaman yan kaya naghahanda na akong tumakbo

"VON!!!!" rinig kong sigaw niya at hinabol niya na ako..

Hahaha..

"Wag po! Gusto ko pang mabuhay! Marami pa akong pangarap! Waaaah! si Cherry may balak na i-rape ako! Guys tulong! Cherry, alam kong pogi at hot ako pero wag naman sana" sabi ko na lalong nagpainis sa kanya

"Walang hiya ka talaga Von! Halika dito!" sigaw niya habang hinahabol ako😤😤

Hahaha, ang saya niyang asarin..

Hindi siya katulad ng ibang mga prinsesa na sobrang hinhin

Kaya mahal ko yan eh, mahal na mahal ko ang amazonang yan haha😍

Secret muna ha?  Bye na muna at kailangan ko pang mag-focus sa pagtakbo ko mula sa kanya

Ken's POV

Bago pa matapos ni Cherry yung sasabihin niya ay umalis na ako doon

Hindi ko kasi kayang marinig ulit ang pangalan niya

Ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko at ang nag-iisa ding nang-iwan sa akin

Simula ng patayin siya ng mga dark charmers ay malaki na ang galit ko sa kanila

Dahil sa kanila,  hindi kami  magkasama ngayon

Edi sana,  ang saya saya namin ngayon...

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon