Chapter 29: Beast World

107 3 0
                                    

Ken's POV

"Royalties, have a safe trip and good luck. Sana magtagumpay kayo at magbalik ng walang nalalagas sa inyo" HM

Hinatid nga pala kami ni HM palabas ng academy, kasama ang mga charmers pati na rin mga magulang namin....

Mabilis rin kasing kumalat sa loob ng academy ang tungkol sa misyon namin

Matapos naming magpaalam ay nagsimula na kaming maglakbay

-----

3 oras na ang nakalipas pero hindi pa rin namin nararating ang Bridge of Death

"Guys, pahinga muna tayo, hindi pa tayo kumakain simula kanina" saad naman ni Cheria na sinang-ayunan naman naming lahat

Late na rin kasi kaming nagising kaya naligo na lang kami agad at sinuot ang mga armors namin tsaka dumiretso sa HM's office nang walang kain kain

"Boys, pwede bang paayos muna ng mga gamit natin?" Cheria

Tumango na lang muna kami atsaka inaayos yung mga gamit namin pero habang nag-aayos ako ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Charm

Ano ba tong nangyayari sa akin? Tuwing lumalapit ako sa kaniya o di kaya'y kinakausap, parang kinakabahan ako na ewan. Tapos kung may kasama o kausap ka namang ibang lalaki, naiinis ako........


Hindi sayo, kundi sa sarili ko at sa lalaki

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko

Charm, ano bang ginagawa mo sa akin? Parang gusto kitang angkinin at yakapin ng mahigpit. M-mahal ba k-kita? Pero, hindi! Si *mute* lang ang mahal ko! nangako ako sa kaniya na siya lang ang mamahalin ko!

"Ken, alam mo, para kang t*nga diyan. Kanina nakangiti ka tapos kumunot yung noo mo tapos ngayon parang galit ka pa, tawagan ko na ba yung mental? Mas lalo kang naging nakakatakot" Oo, Chen, kahit kailan, panira ka talagang mokong ka

Wait lang mga readers ha? Ibigay ko muna sa iba tong POV at may bubugbugin lang muna ako ngayon...

"Chen....."

Charm's POV

Baliw talaga si HM, sabihin ba namang 'Have a safe trip'. grabe, mamasyal ba kami? Maka 'safe trip' kuno

"Arghhhh!! Ken! Sorry na! waaaaah! Ayoko na!" napatingin naman kami kung saan nanggaling yung pambaklang tili na yun

Si Chen pala -_- hinahabol ni Ken at binabato ng mga lighting balls

Tsk tsk tsk, kawawang Chen. Anong kalokohan naman kaya ang ginawa nito at ginalit si Ken

"Pst, Cheria, iligtas mo na ang iniirog mo" pabulong kong pang-aasar kay Cheria wahahahaha. Halata naman kasing mahal nila ang isa't isa, ayaw pang umamin

"Charm naman eh!" Hahahaha, nagmaktol tuloy si Cheria pero tingnan mo 'tong babaitang toh, tinulungan rin naman si Chen

Sarap batukan eh....

Makapagluto na nga lang, kaloka yung mga kasama ko dito

Readers, anong gagawin niyo kapag hindi kayo mahal ng mahal niyo?

Paano naman kung nalilito pa siya kung sinong mahal niya? Ano bang dapat gawin?

Ako kaya, kayang mahalin ni Ken? pero mukhang imposible naman dahil siya na nga mismo ang nagsabi na hindi niya kayang magmahal ng iba diba?

Hays, alam mo *mute* ang swerte mo kay Ken, bakit ba naman kasi nawala ka agad sa kaniya? E di sana, ang saya saya niya lalo, sana kasama ka niya ngayon, sana kasama ka pa rin sa grupo ngayon kahit na nandito ako......... At sana, pinapanood ko kayong naglalambingan........ kahit na sobrang sakit basta para sa kaniya

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon