Chapter 8: Thank you

314 10 0
                                    

Charm's POV

Narinig kong nag click yung pinto kaya naman bumitaw na ako sa pagkakayakap ko kay Cherry..

"Hi Charm, okay ka na ba?" bati ni Chen sa akin..

"Medyo okay na din ako Chen"

"So........ baka pwede mo namang ikwento sa amin kung bakit ka nagkaganyan" saad ni Ken na ikinagulat ko...

"S-sige" at nagsimula na akong magkuwento...

*After the story telling*

"Ang sasama talaga ng mga DC na yun, walang patawad" gigil na saad ni Von😤😤

"Kaya nga at dahil dun ay lumalayo ako sa inyo para hindi kayo madamay. alam niyo naman na gusto nila akong kunin o mas malala ay patayin sa di malamang dahilan"

Dahil mahirap na't masaktan pa sila o di kaya'y madukot pa ng mga DC

"Ayaw, Hindi ako lalayo sayo. Sa ayaw at sa gusto mo, kaibigan mo na ako at kaibigan na kita kaya Hindi kita iiwan--" naputol young sasabihin in Cherry kasi sumabat yung karibal niya na sa tingin ko ay makakatuluyan niya.

"Hindi kita pababayaan~" Von. and nakatikim siya ng malakas na batok galing sa kanyang minamahal
hahaha

"Bwisit ka talaga Von! panira ka!" then tingin ulit sa akin "So as I was saying, Hindi kita iiwan dahil Hindi nag-iiwanan ang magkakaibigan"

Aww, nakaka-touch naman....... sana nga at hindi tayo mag-iwanan kahit na anong mangyari dahil alam kong sa simula ng pagkakaibigan natin, maraming mangyayaring hindi natin inaasahan

"Eh kayo?" dugtong ni Cherry kila Ken

"Tinatanong pa ba yan? siyempre kaibigan na din namin si Charm my loves" Before I knew it, hawak hawak na ni Von yung kamay ko

"Aba't bwisit kang lalaki ka! nagawa mo pang lumandi! halika dito!!" Cherry habang hinihila yung tenga ni Von

"A-Aray! joke lang naman eh! be-behave na ako! tama na! My gorgeous ear!" Natatawa na lang kami kila Von dahil sa kakulitan nila

Bago pa lumala yung pagbabangayan ng dalawa ay pinigilan na sila nila Cheria at Chen

Ang cute nga nila..

Napansin ko din kasi na sila Cherry at Von ang laging nagbabangayan, nag-aaway, naghaharutan at nag-aasaran pero sila din ang nagpapasaya sa grupo nila. Sigurado akong malungkot at walang kabuhay buhay ang grupo nila pagwala sila..

Sila Cheria at Chen naman, nakikisali din sila sa bangayan pero minsan lang at sila din ang pumipigil kila Cherry at Von kapag nag-aaway. Kumbaga sila yung tagabalanse sa grupo kapag masyado ng masaya at nawawala na sila sa focus o kaya naman pag sobrang galit at hindi na nakokontrol yung kapangyarihan ng isa't isa. Pagwala naman sila, sigurado akong hindi ganito kaayos at kaorganisado ang grupo nila

At si Ken naman...Hmmmm... I think siya yung nagga-guide o nagli-lead sa grupo. Kumbaga siya yung pinaka-utak para hindi sila laging napapahamak. Pag wala siya Baka wala na din ang buong grupo nila...

Eh ako kaya? anong magagawa ko? Baka maging troublemaker lang ako

Di bale nalang. I'll just be my usual self..

Nang natigil na sila sa pagbabangayan ay isa isa ko silang tiningnan at saka ako nagsalita..

"Thank you guys at sorry din sa nga problemang naidulot ko" ako

"Awww, GROUP HUG!" Si Cherry yan siyempre at nag-group hug nga kami. Si Ken? kasali yan, napilitan nga lang dahil hinila siya nila Von at Chen haha

Thank you guys. Pangako, poprotektahan ko kayo kahit buhay ko pa ang kapalit.

* * * *

Nakalabas na ako ng hospital at nandito ako sa kwarto.

Nag-gugupit gupit ng mga damit XD

Haha sorry naman, wala kasi akong magawa eh , ganto talaga kami ni OTOR kaya pagpasensyahan niyo na..

binabago ko lang naman yung design ng T shirt ko..

Yan! tapos ko ng tahiin. kapagod!

Since wala namang sewing machine dito at hinandstich ko na lang...

huhu, kawawa daliri ko..

- - -
Pagkatapos Kong magtahi ay lumabas muna ako para magpahangin...

@The Garden

Ano ng gagawin ko ngayon?

Hindi ko na alam,

Tama bang maghiganti ako kung Hindi ko naman alam ang totoong storya kung bakit nag-away ang DC at LC?

Kahit naman nasa libro namin yung history, Hindi naman pwedeng paniwalaan ko yun dahil baka kasinungalingan lang yun at ang mga DC talaga yung mababait

Paano nga pag Ganon? mababaliw ako nito!! 😲😲

"Para kang baliw diyan" ??

nagulat ako sa nagsalita kaya natigil ako sa pagiging pranka ko at lumingon sa likod

"Ikaw lang pala ken. Ginulat at tinakot mo naman ako"

Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko

Ang tahimik...

Humarap ako sa kanya at saka nagsalita..

" Ken..."

"Hmm?" Ken

"Thank you"

"Para saan naman?" and this time nakatingin na din siya sa akin

"Para sa pagiging kaibigan at bagong pamilya ko"

Kahit na wala na sila ate, nandiyan naman yung mga bago kong kaibigan at pamilya

Nagulat naman ako ng niyakap niya ko. Emeged, hormones umalis kayo

"Okay lang yun. ginusto naman namin at isa pa, mabuti kang tao" Ken habang yakap yakap ako

Thank you is the key word to make a person that appreciates you, happy.

TO BE CONTINUED
💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗
PS:

EDITED (08/18/17)

GOOD LUCK NIYO AKO GUYS PARA SA CONTEST NA SINALIHAN KO SA SCHOOL!!

haHa, thank you and lalabs

Don't forget to vote and leave a comment

Ciao~

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon