Chapter 24: What happened?

154 7 0
                                    

Starlight:  Hello guys! so, this is my next UD, pagpasensyahan niyo na po yung fight scene, hindi po kasi ako magaling gumawa ng ganon. Pagpasensyahan niyo na din po at ngayon lang ulit ako nakapag-ud, minsan lang po kasi ako makapag-internet. By the way, thank you po sa mga bago kong supporters! this chapter is for all of my readers!

WARNING: there will be some typographical errors as this is unread by the author when she published it

I now present you...... Chapter 24!!!!!

--------------------

Charm's POV

"Nakakainis! Ang sabi susunduin tayo pero nasaan na yung susundo sa atin? Ayan! Naglalakad tuloy tayo!" pagmamaktol ni Von..

Ewan ba namin kung nasaan na yung sasakyan na susundo sa amin, ang sabi kasi eh susunduin kami pero wala naman. Kanina pa nga kami nag-hahantay doon sa Blue Sea pero wala pa rin kaya naisipan naming maglakad at kung gagamit naman kami ng pakpak namin, baka maakit pa namin yung mga DC....

Ang layo pa naman ng lalakadin namin, papunta pa nga lang natagalan kami, paano pa kaya pag-pauwi tapos naglalakad pa kami? Bigti na, hahaha djk lang. mahal ko pa buhay ko

"Wag ka nga puro reklamo! Dinaig mo pa kaming mga babae kung makapag-reklamo ka eh!" Cherry..

At nag-umpisa nanaman sila, hindi na ata matitigil yan...

Kainis! Wala din naman kasi kaming teleportation ability...

Napansin ko naman na palapit ng palapit si Ken sa akin pero lumalayo din ako..... medyo galit pa rin kasi ako sa kanya, e di ngayon, alam niya na ang pakiramdam ng hindi pinapansin..... bahala siyang magdusa...

Naramdaman ko namang hinawakan niya ang aking kamay ngunit inilayo ko din ang kamay ko atsaka tumigil sa paglalakad na naging dahilan rin ng pagtigil ng iba

"Bakit Charm? Pagod ka na ba? Gusto mo na bang magpahinga?" alalang tanong ni Cherry

"Hoy hoy hoy, ano toh? Favoritism? Bakit ako kanina nung nagreklamo ako, binara mo ako tapos ngayon kay Charm naman eh nag-aalala ka. Aba! Hindi pwede yun!" Von

"Ganun talaga kaya masanay ka na hmmp!" Cherry

'Tong dalawa nga naman oh, hindi na talaga matitigil ang pag-aaway nila

"Ano..... mauna na lang muna kayong maglakad, sige na, aayusin ko lang sintas ko" palusot ko hahaha, hindi ko nga alam kung anong klaseng palusot yun eh...

"Ah sige" at nagpatuloy sila sa paglalakad maliban sa aming dalawa ni Ken..

Nang masiguro kong tama na ang layo nila upang hindi kami marinig ay tsaka ko hinarap si Ken

"Ano bang problema mo?" tanong ko...

"Bakit ba hindi mo ako pinapansin o kinaki-usap man lang?" tanong niya

"Anong tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" tanong ko

"Nag-uusap" ken

"Ganun naman pala eh, kinaki-usap kita atsaka pinapansin kaya 'wag kang ano diyan" kaimbyerna naman 'tong lalaking toh! Sabihan niyo na akong maarte, pake niyo ba? Yan! Nagiging bad na tuloy ako -3-

"Charm! Wag ka ngang magsinungaling sa akin! Sagutin mo naman ako ng maayos!" ken

"Oo na! iniiwasaan kita! Ano? Masaya ka na?" nakakainis na talaga eh, pilitin ba naman ako, hays

"Bakit? Ano bang nagawa kong mali sa'yo?" ken...

So, hindi niya alam ang mga nagagawa niya sa akin? wow huh? Ano ako nakikipaglaro?

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon