Chapter 32: Confession

128 1 1
                                    


💞CHERRY'S POV💞

Isang linggo na ang lumipas ng makabalik kami sa academy. Nagulat pa nga kami sa pagbalik namin dahil sa nangyari...

FLASHBACK~

"Ano ba, ayusin mo nga yung pagpapalipad mo!!" Kabwisit naman si Von eh. Kung ano anong pinaggagawa, mamaya madisgrasya pa kami

"E di sana ikaw na lang nagpalipad nitong Griffin!!" Saad ni Von at mas pinabilis pa ang pagpapalipad  nito

Papatayin yata ako ng lalaking toh eh!!!!

"Kyaaah!! Walang hiya ka talaga Von!! Mapapatay talaga kita!!" Sigaw ko pa dito at pumikit na lang. Bakit ba kasi siya pa ang nakasabay ko?! Arghhhh!! Tinatawanan pa niya ako

"Hahaha, dumilat ka na, nandito na tayo sa academy" Von

Dahil sa inis ko kaya tinulak ko siya kaya ng ending, kahalikan niya yung lupa

"Hmmp!!" Dumiretso na agad kami sa loob ng Academy

"CONGRATULATIONS!!!"

OMO!! Anong meron?

"Para saan po ito?" Tanong ni Charm ng may halong pagtataka

"Naiparating agad sa amin ni Shawn na nagtagumpay kayo sa inyong misyon kaya naman naghanda kami ng selebrasyon sa inyong pagbabalik" ay grabe! So deep naman ni HM hahahahaha

"Yun oh!! Kainan na!" Tingnan mo toh, sumugod agad sa mga pagkain. Lumamon eh

"Hahahahaha, Tara na!! Let's party party!!!" Biglang sigaw ni Charm na ikinagulat namin

Anong nangyayari sa babaeng ito??

FLASHBACK ENDS~

So yun nga, may selebrasyon na naganap

"Sorry na kasi Ken!! Hindi ko naman sinasadya eh!!!" Tapos ito pa, last week pa humihingi ng tawad toh si Charm at gaya ng dati, hindi pa rin siya pinapansin nito.

"Uy Ken!! Sige na, gagawin ko kung anong gusto mo. Please??" Langya, yan ang salitang hindi dapat binibitawan ng basta basta eh. Teka, gusto niyo bang malaman kung bakit naghahabol yan si Charm? Eto oh

FLASHBACK~

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng selebrasyon at nandito kaming lahat sa cafeteria para kumain

Sarap nga nga kain namin eh hahahaha, may live show na nagaganap sa harap namin 😂😂

"Charm, kain ka pa oh"
"Gusto mo ba ng prutas?"
"Ito oh, chocolate, sayo na lang"

Jusko, ewan ko kung anong sumapi diyan kay Ken at naging sweet kay Charm tapos si Charm naman mukhang naiirita na😂

"Subuan na kita" Langya Ken!! Anong sapi meron ka hahahahaha

"Waaaah!! Tama na nga!! Binebeybi mo na ako eh!! Ano bang nangyayari sayo Ken!! Sa pinaggagawa mo, naguguluhan lang ako eh!!!" Ayun! Nag-walk out si babaita habang naiwan namang nakatanga si Ken. FYI, rinig yung nang lahat na nasa caf

"Ano nangyari doon?" Tanong ni Impakto, kilala niyo na yun

Napaisip naman ako kung bakit pa iba iba yung timpla ng mood ni Charm

!!!😂😂😂

Napatawa naman ako bigla kaya napatingin sila sa akin

"Wala na, natuluyan na talaga tong babaeng toh!" Putspa! Binatukan ko nga si Von. Ayan nabilaukan tuloy

"T-tu- *cough* big" wala namang pumansin sa kaniya at nasa akin pa rin ang tingin nila.  Bait naming kaibigan noh?

"M-mga *cough* t-tak---sil!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon