Chapter 31: Beast world (part 3)

65 0 0
                                    

💞THIRD PERSON'S POV💞

Agad na na-alerto ang lahat at pumwesto para sa pakikipaglaban

Lumabas na rin mula sa kani-kanilang pinagtataguan ang mga light charmers at magical beasts

"Naparito pala kayong mga pipitsuging light charmers at aba! Dinamay niyo pa ang mga magical beasts" Saad ni Karlos na prente pa ring naka-upo

"Kami? pipitsugin? wow ha! nahiya kami sa mukha mo!" Cherry

"Anong sabi mo?! Mga alagad, sugudin sila!!"

Agad na nagsimula ang labanan sa pagitan ng dark at light charmers.

"Fire Shield! Fire Chain--Bind!" Agad na nagapos ng umaapoy na bakal ang lima sa mga kalaban ni Charm

"Argh!!" Sigaw nito dahil sa sakit na naramdaman nila mula dito. Unti unting nalapnos ang kanilang mga balat hanggang sa sila'y naging itim na usok na lamang

Yumuko si Charm at sinipa paharap ang sumugod sa kaniya

"Fire Scythe!" Dahil sa pagsipa ni Charm ay nadapa ang kaniyang kalaban at sinaksak niya ito sa likod

Muli naman siyang humarap at sinugod ang mga natitira pa kaniyang kalaban

Sa kabilang dako naman ay ...

"Ano ba unggoy?! Bilisan mo nga ang pagkilos mo!!" Sigaw ni Cherry kay Von at pinaulanan ng spells ang mga kalaban

"Mag-ingat ka nga prutas! Muntikan na ako doon ah!! Water Lock--heat!!" Pag-iwas nito

Limang DC ang nakulong sa kaniyang water lock hanggang sa mawalan ito ng buhay

Nalagasan na ng 10 ang kanilang kalaban ngunit marami pa ang natitira

"Earth Golem!!" Cheria

Inatake nito ang lahat ng mga kalabang kaniyang nakikita.

"Electric Shock!!" At tinira naman ni Chen ang 2 DC aatake sa likod ni Cheria

"Salamat" pasasalamat nito na ginantihan lamang ni Chen ng isang ngiti at tango

"Ice Canon!" Muling tumira si Ken at pinuntirya ito sa mga kalaban

Unti unti nang nalalagasan ang mga DC, hindi lang dahil sa Royalties kundi dahil na rin sa tulong ng mga magical beasts

---------

"Paano ba yan, ikaw na lang ang natitira?" Ken

Ang heneral na lamang ang natira dahil nagawa nilang ubusin ang mga alagad nito

"Magaling kung ganon, ibigsabihin niyan ay ako na ang makakaharap ninyo" tumayo siya mula sa kaniyang upuan

Nagimbal ang lahat sa pag-iba ng ihip ng hangin. Kumidlat ng pagkalakas lakas na sunod sunod na tumama sa lupa at kasabay din non ang pagbabago ng anyo ni Karlos.

Naging pula ng kaniyang mga mata, mga ngipin ay tila ba'y kutsilyo sa talim, kukong mahahaba na kayang kumitil ng buhay at lakas na hindi ordinaryo. Ang kaniyang kami ay trumiple, na parang sa isang higante, mas naging matipuno at kitang kita ang mga ugat nito.

Nagsihanda ang lahat sa pag-atake at naging sensitibo sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Maya maya pa ay, nag-umpisa na ang laban na tila ba'y isang digmaan na sana'y kanilang mapagtagumpayan.

Ang laban na magtatakda ng kanilang kailangan, ang laban na tutulong sa kanila upang makalaya at ang laban na, maaaring maging simula ng kanilang pagbangon....

💞CHARM'S POV💞

"Blazing meteor shower"
"Frozen spikes!!"
"Thunder storm!!"
"Music of Death!!"
"Sandstorm!!"
"Electricity shower"

Sunod sunod na mga atake ang naganap pero parang wala namang epekto sa kaniya. Anong gagawin namin?

Kailangang maging matagumpay ito dahil kami ang inaasahan ng nakararami.

Kapag naging dehado, baka gamitin ko yung isa ko pang charm

"Charm, ilag!!!"

"Arghhhh!!!!" Shit!!

Tumakbo papunta sa akin si Ken atsaka ako inalalayan patayo

"Ayos ka lang?" Natamaan pala ako ng isa sa atake ni Karlos

Ewan ko kung matutuwa ba ako kasi nag-alala siya o maiinis dahil sa tanong niya. Siya kaya matamaan non, tapos tanungin ko kung ayos lang siya noh?! Ano ba toh, bobo o t*nga?

Hays, moodswings

Tumango na lang ako at bumalik sa pakikipaglaban, baka ano pang magawa ko kay Ken eh.

RULE NG BABAE: KAPAG MOODY, LUMAYO KA NA!!!

"Nakakainis ka na!!!! Fire Chain- BIND!! " Natigilan sa pag-atake si Karlos at yun na ang hudyat para tapusin na siya

Hindi ako makatulong sa pag-atake dahil kailangan kong mag concentrate sa pag bind kay Karlos

Lalong nagpupumiglas si Karlos dahil sa sunod sunod na atakeng natatanggap niya kaya naman nahihirapan ako lalo

"Sh*t!!" Ang hapdi sa kamay!! Nagfa-fire back sa akin yung spell ko dahil pilot siyang kumakawala

"BILISAN NIYO MGA KUPAL!!!" Putspa, may red sea yung tao dito oh!!!

Muli ay sabay sabay silang umatake at agad itong pinatama sa kalaban

Nagkaroon ng malaking pagsabog at kasabay din non ang pagtalsik ko. Sh*t!! Bad day ko talaga ngayon!!! Arghhhh!!!

Muling nabaling ang tingin ko sa harap ng makarinig ako ng mga hiyawan

"Yes!!! Nagawa natin!!!" Hahahaha tumatalon talon  pa si Von

"Sa wakas! Naibalik na rin natin ang isang lugar na dapat ay sa atin!" Chen

Tumayo ako atsaka lumapit sa kanila

"Kung ganon pwede na tayong bumalik sa academy" masayang turan ko

"Sandali" napatigil kami sa paglalakad namin at napalingon kay Shawn

"Maraming salamat sa pagpapalaya sa lugar na ito. Hayaan niyo sanang ihatid namin kayo pauwi"

"Paano?" Cherry

May tatlong Griffin ang lumapag mula sa ere na ikinagulat namin

"Sumakay na kayo" seryoso?!

"Charm, Tara na" huh?? Si Ken pala

"Bakit?"

"Hindi mo ba narinig? Tayong dalawa ang magkasabay sa Griffin na ito, si Von at Cherry naman sa isa at sila Chen at Cheria naman sa natira" Omo!! Gumagawa ata ang tadhana na magkasama kami hihi

"Okay" inalalayan niya muna ako pasakay bago siya kaya naman ang ending ay nakaback hug siya sa akin

Kinikilig ako!! Tingnan niyo, parang ewan lang ako noh? Nung una galit na galit ako tapos ngayon kinikilig naman, ganyan talaga pag may red Sea

Lumipad na ang mga Griffins at nagsimulang maglakbay pabalik ng Academy

"Charm" kyaaah!! Nakikiliti yung tenga ko!! Ang husky pa ng boses niya

"Hmm?" Tanong ko ng hindi siya nililingon

"Pagod ka ba?"

"Oo eh, bakit?"

"Kung gusto mo, matulog ka muna. Sumandal ka muna sa akin, hahawakan naman kita para hindi ka mahulog" Ken

Gaya ng sabi niya ay sumandal ako sa kaniya at ipinikit ang aking mga mata

"Salamat" at unti unti na akong nilamon ng kadiliman

TO BE CONTINUED

Sky Charm Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon