MIA'S WORLD

195 12 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Sa loob ng opisina, tahimik na naupo si Mia sa kanyang cubicle. Inayos niya ang kanyang mesa. Matagal na rin yung huli niyang nilagay sa bookstand ang mga sketchpad na nasa ibabaw lang nito. Nagkalat din sa lapag ng pulang carpet ang mga colorpens na madalas niyang gamitin. Isinuksok niya ito sa isang container at saka pinunasan ng wipes ang mesa.




Napabuntunghininga siya at sumandal sa kanyang swivel chair habang tinititigan ang maayos at malinis na lugar para makapagsimula siyang muli sa kanyang trabaho. Ngayon, mas malinaw na ang kanyang isipan. Gusto niya ng focus kaya kinalimutan na niya ang nangyari nang daang gabi.



"Good morning , Ms. Sylvia"

"Good morning, Mia. Follow me in my office..."

"Yes, Ma'am." Dala nito ang kanyang maliit na notebook kung sakaling may mga reminders siyang dapat isulat. Tahimik siyang umupo sa harap ng upuan ni Sylvia Bermudez. Tinitigan niya ang babae.

"Mabuti naman at pumasok ka. Akala ko..."

"Ma'am, ano po ba ang sasabihin ninyo?"

"Ah... Okay ka lang ba, Mia?"

"Okay lang po ako, Ms. Sylvia. Huwag na po ninyong intindihin kung anuman po ang nakarating na balita sa inyo. Ang mahalaga, nandito po ako ngayon para magtrabaho" Determinadong sagot ni Mia.

"Mia?"

"Yes, Ms. Sylvia. Bakit po ninyo ako pinatawag? "

"May dadating na bagong apprentice ngayong araw. I just discovered him sa isang provincial fashion show sa Davao. I find his designs so bemusing. He has a new taste in fashion designing. Gusto kong turuan mo siya ng bagong techniques in designing. He could be a big asset in our company"

"Kailan po siya dadating?"

"Ngayon siya dadating. Siguro ay male-late lang"



Biglang bumukas ang pinto at hangos pa ang lalaki sa pagpasok. May dala siyang slingbag na malaki, kasya ang isang sketchpad na kasing haba ng isang long bondpaper. Malago ang buhok nito at naka-polo shirt na kulay pula at maong pants. Brown leather shoes ang suot nito.



"Huh! Mia? Dito ka nagtatrabaho?"

"At anong nakakagulat doon? "

"Magkakilala na kayo? Tila naguguluhang sabi ni Ms. Sylvia.

"Doon lang po sa tapat ng bahay ni Ms. Mia kami nakalipat ngayong umaga"

"Then that would be great... I think, you'll become great working partners"

"Great working partners? " Tumayo si Mia at lumabas na sa opisina kahit hindi pa sila pormal na naipapakilala sa isa't isa.



Naguluhan si Gabriel sa inasal ng dalaga. Hindi naman siya ganun kanina. Bigla kaagad nagbago ang mood niya. Sinenyasan ni Sylvia na sundan ni Gabriel si Mia kaya sumunod ang binata paglabas ng dalaga. Ngunit sa labas ay nakita ng binata na may kausap si Mia. Seryoso ang komprontasyon ng dalawa.



"Mia, I am so sorry about last night" Sabi ni Leo.



"Why say sorry when you really meant to hurt me anyway? Well, I'm used to it. What more can I say? Should there be a way to prevent it? Everything happens for a reason, Leo. I learned my lesson in a hard way but I am still fine."


"Mia?..."


"Ako lang naman ang mapilit. Alam na alam ko na ang mangyayari pero pinagpilitan ko pa rin ang sarili ko sa iyo. Hindi na ako natuto. But thanks to you dahil nagising na ako sa katotohanang na hopeless talaga ang mga taong tulad ko"


"Mia, it's not that... Look here... You deserve someone else better. Not me"


"Ikaw ang gusto ko pero pilit mo akong pinagtatabuyan. Ngayon mo sabihin ang totoo na kahit kailan ay hindi mo ako matututunang mahalin" Napakaagang drama. Gusto man niyang iwasan pero heto at nangyari pa rin.


"This is not the right time for all this confrontations, Mia..."


"I give you up..."


"Well and good... Don't be bitter in life, Mia. You just don't know me yet. And I don't think you would want to know everything about me since you said you've given up already"


"Get out of my way... Madami pa akong gagawin." Walang lingon-lingong bumalik si Mia sa kanyang cubicle. Hindi na niya pinansin ang sinabing iyon ni Leo.



Real Human life encounter has just started. 

This is Mia's World.


WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon