MIA'S WRATH

125 11 0
                                    

MIA'S POV




Hindi na ako bumalik sa opisina. Tinawagan ako ni Victory para kumustahin ang kalagayan ko at kung nasaan na ako. Hindi ko napigilang mapaiyak sa telepono. Ipinakausap sa akin si Gabriel.



"Gabriel, puntahan mo ako dito sa bahay pag uwi mo. Inuman tayo..." Pero ang totoo, kanina pa akong umiinom ng beer. Nakaanim na bote na ako. Pagbaba ko ng telepono ay nag-self pity na naman ako. Umiiyak na naman ako.



"Wala na talaga akong habol kay Leo. ♪♪Ikakasal ka na ... Iiwan na akong nag-iisa...♫" Hawak ko ang boteng walang laman at nagkakanta. Pinahid ko ang sarili kong luha. Suminghot-singhot ako. Ano bang kamalasan ang dumapo sa akin ? May sumpa ba ako? Paano ito maaalis sa akin?



Nakadapa ako sa long sofa ng mga oras na iyon. Lasing na lasing na ako. Narinig ko ang katok sa pinto kaya ako tumayo. Pasuray-suray akong naglakad hanggang sa pagbuksan ko si Gabriel.



"Gabriel, huhuhu!" Napapitlag si Gabriel ng yakapin ko siya sa leeg at humilig ako sa balikat niya . Doon ko ibinuhos ang iyak na kanina ko pang iniipon at pinipigilan. Para akong bata na ngumawa at nakasubsob sa dibdib niya. "Waaahhhh! Ikakasal na si Leo huhuhu!" Para akong nakahanap ng kuya ng masusumbungan. Halos buhat na ako ni Gabriel. Wala siyang nagawa kundi yakapin ako sa beywang at kargahin ako ng bahagya palapit sa sofa. Natapig niya ang mga bote ng beer na nasa sahig at pareho kaming nagulat.


"Anong oras mo inumpisahan ang pag-inom? Grabeh! angdami nito."


"Napakamalas ko talaga! Hindi ba ako mahal ng Diyos? Ha! Di ba sabi mo anghel ka? Anong sabi sa iyo ng Diyos? Mahal ba niya ako? Kung mahal niya ako, bakit ganito? Huhuhu!"


"Huwag mong idinadamay ang Diyos sa mga nangyayari sa buhay mo."


"Bakit? Hindi ka pa ba nabigo? Hindi ka ba nakaranas ng ganitong sakit? HA! Para akong mamamatay. Noong sabihan ako ni Leo na iba ang mahal niya, daig ko pa ang tinarakan ng kutsilyo sa dibdib. Ano pa kaya ngayong wala na akong pag-asa sa kanya dahil ikakasal na siya?"


"Mia, makakalimutan mo rin si Leo? Tahan na..." Samantalang pinapahid ni Gabriel ang luha ko ng biglang magbukas ang pinto.



Nagulat si Icelle ng makitang nakakandong ako sa aking binatang kapitbahay at halos sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Hindi namin namalayan ni Gabriel ang pagpasok niya. Titig na titig si Gabriel sa mukha ko. At ako naman ay parang na-hypnotized sa mga mata ng binata. Walang kakurap-kurap ang ayos naming dalawa. Kung hindi pa sumigaw si Icelle ay hindi kami matataranta.


"HOY! ANONG KAGULUHAN ANG NANGYARI DITO?!"


"Ay butiking kalabaw, nahulog sa kabayo!" Nagulantang kami at nahulog ako sa sahig. Hinila ako ni Gabriel para makatayo.


WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon