LEO

94 11 0
                                    

LEO'S POV




Nalaman ko ang biglang pag-absent ni Mia na hindi naman nangyari kahit kailan. Palagi siyang present. Palagi mong mararamdaman ang presensya niya sa opisina dahil maingay ang bibig niya. Bigla akong nag-alala ng banggitin ni Krystal na nagkasakit daw siya. Kaya minabuti kong puntahan siya sa bahay niya.



Wala pa siya ng hapong iyon pero alam kong pauwi na siya lalo na kung ganitong araw na wala naman siyang pupuntahan. Walang anu-ano ay may nagbeep-beep na kotse sa aking likuran, ah si Mia na nga ito, sabi ko pa. Pero hindi si Mia ang nagmamaneho.



Pagbaba ni Mia, sinundan ko kaagad siya . Niyakap ko siya ng mahigpit. Nakita ko kung paano kami tiningnan ng lalaking iyon. Sino kaya siya? Dala na niya ang bag ni Mia.



"Upo ka!" sabi niya sa akin. Pumasok ang binata dala ang kanyang bag. Imposibleng personal driver niya iyon. May slingbag ito at maporma din. "Salamat, Gabriel. Si Leo nga pala, just in case hindi mo pa siya kilala."


"Siya 'yong ikinasal di ba kay Ms. Lilac..."


"OO..."


"Congratulations po , Sir. Angganda po ng bride ninyo at napakaganda ng wedding gown niya. Perfect for that day."


"Puwede bang iwan mo muna kami, Gabriel? " Pinaalis niya kaagad ang lalaki. "What brings you here?" Tanong niya sa akin. Seryoso siya at walang kangiti-ngiti sa mukha. Pero maganda pa rin siya.


"Gusto ko lang kumustahin ang kalagayan mo? Nabalitaan ko kasing hindi ka pumasok dahil may sakit ka. Ngayon ka lang yata umabsent. Kahit kasi may lagnat ka, pumapasok ka pa rin."


"Okay na ako at hindi ka na dapat pang mag-alala...Hindi maganda na ang bagong kasal na tulad mo ay nandito at dumadalaw sa akin."


"Well, I just want to visit an old friend. A very close friend..."


"Now that you see me, okay... I guess you can go now. Hindi ka na dapat pang nagtatagal dito at baka masundan ka pa ng mga paparazzi mo. Ayokong masangkot sa anumang isyu tungkol sa iyo."


"Mia..."


"I mean it... GET OUT! " Ipinagtabuuyan ako ni Mia. The signs could be good for her to forget me.



This house is just the same. Walang ipinagbago. This is where we use to hang out. We started as friend. A very close friend. Habang nagsisimula ako sa aking modeling career, si Mia ang walang sawang nagpapaalala sa akin na maging humble. Always keep your feet on the ground. People always look up to me because of the clothes I wear. Mga damit na disenyo ni Mia. Minsan ay gawa din niya.



Tulad ng bahay na ito, hindi pa rin nagbabago si Mia.



Everything changed when she feel in love with me. Hindi ko nasabi sa kanya na may long time girlfriend na ako kahit noong hindi pa kami nagkakakilala. Siya ang babaeng tumulong din sa akin tuwing nalulungkot ako at may mga problema. Tulad din siya ni Mia, maalalahanin, masayahin at punum-puno ng buhay. Nang magtapat siya ng nararamdaman niya para sa akin, doon ko napagtanto na malalim na ang kanyang pagtingin. Hindi ko kailanman iyon puwedeng suklian ng pagmamahal na gusto niya. Mahal ko kasi si Lilac. At si Mia, she is born to be my bestfriend. Alam kong hindi niya iyon matatanggap. Hindi niya matanggap ang katotohanang magkaibigan lang talaga kami. I feel sorry that we ended up this way. hindi niya tinanggap na maging bridesmaid ni Lilac and I saw her crying. Hindi ko na siya masyado pang tiningnan dahil naaawa din ako sa kanya.



Umalis na rin ako kaagad matapos kong malaman na okay na nga siya.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon