WHAT A SHAME

73 5 2
                                    

AIKO'S POV




Gusto kong mapag-isa ng mga sandaling iyon. Nakita ko ang resulta ng isang taong hindi tapat sa isang relasyon. Nagdudulot ito ng malaking gulo at sakit sa ulo. Hindi ko namalayang nasa loob na ako ng mini-park sa pagitan ng building ng SkycraperTower at SylBerClothing... Yumuko ako sa bench at humagulgol sa sobrang kaliuhan. Nahihiya ako kina Chandy at Bob. Magpinsan pala sila. Ni hindi ko magawang mag-sorry. Ang masama pa harap-harapan kong ikinaila na kilala ko Justin.



"Miss, is there any problem?" Nanatili akong nakasubsob . Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Boses ng lalaki ang dinig ko.



"Alam mo, ayoko ng nakakakita ng umiiyak ng babae sa ganito kagandang lugar at ganito kagandang umaga...May I know your name?" Nanatili akong nakasubsob sa sandalan ng bench. "Miss, I'll go ahead. I can't be your crying shoulder but atleast you have my handkerchief to wipe your tears." Inilapag niya ang kayang panyo sa aking tabi. Kinuha ko iyon at inubos ang aking luha bago ako tuluyang bumalik sa DreamWorkX.



Pumasok ako sa aking cubicle. Pasilip-silip doon si Chandy at nakikiramdam pero hindi siya nagtangkang pumasok. Hindi kami nagkausap hanggang sa umalis ako.



Inayos ko ang aking portfolio at ang mga larawang isasama ko sa exhibit. Kailangan ko palang kunin kay Mr. Lucas ang portfolio ko. Tatanungin ko na rin siya kung anong larawan niya ang puwede kong isama sa exhibit.



Kinabukasan....



Maaga akong gumising at nagpaalam kay Mama.


"Hmmm,saan ang punta mo? Nagpunta pala dito si Bob kagabi. Kakausapin ka daw niya bago ka pumasok sa DreamWorkX."


"Maglalakad-lakad lang ako mamaya. Maglalabas lang po ako ng stress."


"Bumalik ka kaagad ha!"


Pero kaalis ko lang ng dumating si Bob



Nagtungo ako sa sementeryo at nagbakasakaling nandoon si Mr. Lucas. Hindi naman ako nagkamali. This time nakita ko siyang naghihintay sa tulay para sabay na kami sa puntod na dadalawin namin. Sampung dipa ang pagitan ng puntod ni Mia sa puntod ni Papa. Hindi ko nilapitan si Mr. Lucas. Hinayaan ko siya sa harap ng kanyang asawa tulad ng dati na niyang ginagawa. Nagsulyapan kami sa malayo hanggang sa paglapitin kaming dalawa sa gitna.



"Mr. Lucas?" Anglapit namin sa isa't isa. Magkadikit ang aming mga katawan. Hawak pareho ang aming mga palad. Titig na titig ako sa labi niya... parang gusto ko na kaagad magpahalik sa kanya. Napatingala ako ng konti at napalunok. Ambango niya. Nakakagayuma siya. Kung nasa kuwarto kami, baka lumabas ang pagiging agresibo ko at ako ang unang maghubad sa harap niya. Baka ako ang unang mang-akit sa kanya. Iyon naman kasi ang gusto kong maranasan sa edad ko ngayon. Bata pa daw ang edad na 21... pero gusto ko lang maranasang makatabi ang lalaki sa kama at maibigay sa kanya ang buo kong pagkababae. Iyon ang kahuli-hulihan kong pantasya sa buhay.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon