SMILE , MIA

110 10 0
                                    

GABRIEL'S POV



Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng aking misyon, nauna ng bumalik sina Af at Hersadiel. Nagtaka si Mia kumbakit hindi niya nakikita si Mama at si Apple.



"Ah, magbabakasyon muna daw sila sa tiyahin ko sa Quezon City. " Mas naging malapit kami ni Mia dahil sa kanyang kondisyon. Naging palagay ang loob niya na sabihin ang kanyang mga haka-haka at opinyon sa madaming bagay. Lahat ng takot niya maging ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.



Madalas akong manatili sa kanila hanggang madaling araw. Nasanay na kami ni Mia na makatulog sa sopa pagkatapos magkape habang nagkukuwentuhan ng kung anu-ano. Hindi namin namamalayan ang mga oras . Binuhat ko na siya papasok ng kanyang kuwarto. Maingat ko siyang ibinaba sa kama ngunit bigla siyang nagising at hinila ako sa kama. Niyakap niya ako.



"Gabriel, tulog pa tayo." Pinatulog ko muna siya ngunit hindi ko matanggal ang kamay niya.


"Gabriel, dito ka na lang muna... Please..."



Nanatili siyang nakahiga sa aking bisig. Hindi ako makaramdam na anumang pagkamanhid dahil gustong gusto kong yakapin si Mia. Gustong gusto kong nakikitang payapa at nakapikit ang kanyang napakaamong mukha.



Lahat ay kaya kong gawin, mailigtas lang si Mia. Binantayan ko na si Mia buong magdamag. Maagang gumising si Mia. Papasok daw siya. Mabuti na lang at naghanda ako ng almusal para sabay na kaming kumain.



"Let's eat. " Inalalayan ko siyang umupo. "Okay na ba ang pakiramdam mo? " Iniangat ko ang kanyang mukha at tinitigang mabuti ang kanyang mga mata. Idinampi ko doon ang aking palad.


"Gabriel, bakit ang init ng palad mo?"


"Ha! Talaga! Napaso ba ang mata mo?"


"Ikaw talaga, natututo ka nang magbiro."


"Ano ba ang ibig sabihin kapag nagbibiro? Ano 'yong joke?"


"Wait, don't tell  me... you don't even joke because you don't know what joke is?"


"OO...kasi sa langit, walang nagjo-joke..." Sabay naming sabi.


"You always make the best joke, Gabriel lalo na kapag ganyan ang mga linya mo... " Dahil sa langit walang ganito, walang ganoon"


"But I am not joking. " Seryosong sabi ko. Ah, bakit ko ba seseryosohin ang sinasabi niya? Hindi naman talaga siya naniniwala sa anghel, sa langit pa kaya.


"When you joke, it is sometimes half truth. You mean something and you want to say it in a very articulate way na hindi masasaktan 'yong tao. Pero may mga bagay na totoo pero ginagawang biro kaya kapag tinamaan sila at guilty sila, doon sila nagagalit sa iyo even if you don't mean any harm."



"I LOVE YOU , MIA" Sabi ko sa kanya at bigla siyang natigilan. Hindi siya ngumiti or should I say hindi niya magawang ngumiti. Lalong hindi ko babawiin ang sinabi ko.



"It that a joke... Tatawa na ako." Pero tinitigan ko siya . Sumeryoso ako. Kapag tumawa siya sa sinabi ko, masasaktan siguro ako.



"I LOVE YOU MIA..." Iyon ang salita ng mga taga-lupa sa kapwa nila para iparating ang kanilang pagmamahal sa salita at iba din sa gawa.



"Ano ba, Gabriel? Kumain na nga tayo. Baka tayo ma-late" Iniba niya ang usapan. Tahimik kaming kumain . Ni hindi niya ako nawagang sulyapan. Masama ba ang ibig sabihin ng sinabi ko? Akala ba niya, joke lang 'yon. Kung alam lang niya na matagal kong pinag-isipan iyon. Matagal kong pinag-aralan bago ko nagawang sabihin. Mia, Mia, my Mia...



Tahimik pa rin siya pagpasok sa kotse. Hindi niya ako iniimikan kaya panay ang sulyap ko sa kinauupuan niya. Sa labas siya ng binata nakatingin. Dati, kapag isinasabay niya ako, ang dami niyang kuwento kaya nakikinig lang ako sa kanya, tawa pa siya ng tawa, pero ngayon. Nganga... madami ng anghel ang dumaan...



Dahil sa katahimikan niya, nakikiramdaman ang buong staff kung babatiin ba siya. Hindi tuloy nila alam kung good mood ba siya o bad mood. Baka kapag binati siya eh masamain ang bati nila kaya much better na tumahimik at tumingin na lang sa kanya. Kung papansin, okay. Kung hindi, mukhang hindi rin okay.



"Smile, Mia..." Sabi ko sa kanya pagkaupo niya sa kanyang mesa. Kinuha niya ang kanyang coloring book "The Secret Garden" at kumuha ng color pencil. Ah, mukhang nagri-release ng stress si Mia. Saan naman siya na-stress eh buong maghapon kahapon ay nakapagpahinga naman siya? Kung na-stress siya sa sinabi ko, bakit naman kaya?



Ngumiti naman siya. Okay na iyon, atleast alam kong okay naman siya. Hindi nagtagal ay tumayo siya ng senyasan siya ni Ms. Sylvia. Napasulyap ako sa pahina na coloring book na iyon. Nagulat ako. May mali sa mga kulay. Oh my Mia... her eyesight is getting worst. Mukhang hindi na niya nakikilala ang kulay na ginagamit niya.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon