EXHIBIT OF LOVE

117 6 3
                                    

AIKO'S POV




Hindi naman ganoon ka-pormal ang exhibit na isasagawa sa ground floor ng Skycraper. Gusto ko lang makita ng lahat ng tao ang natatagong talent ng mga nagtatrabaho sa DreamWokrX lalo na ang mga professional photographers nito. Pinapili ko ang mga photographers ng sampung larawan na nagkaroon ng kahulugan sa kanilang buhay. Lalagyan nila ito ng caption para kahit wala sila doon ay mababasa ng mga audience, mga kliyente at expectators ang anumang paglalarawan sa kuhang iyon.



Matagal na rin ang DreamWorkX at sigurado kong madami na silang naging kliyente na tumatak talaga sa kanilang camera. Lahat ng iyon ay may kuwento na puwedeng tumimo sa puso ng kahit na sinong makakakita. Bawat larawan ay may kuwento.

Sigurado kong matutuwa ang lahat.



Biglang napadaan si Sullivan sa aking cubicle. Nagulat ako sa mga larawang dala niya.



"WOW! Kuha mo lahat ito?" Tiningnan kong mabuti ang larawan ng isang napakagandang babae. Nahihiya pa nga si Sullivan pero kitang-kita ko na proud siya sa mga larawang iyon.


"Aiko, pakiingatan ha!"


"OO naman. Mahal mo siya?" Tumango lang si Sullivan. Nakita kong malungkot siya para sa babaeng iyon. "First Love mo..." Tumango siyang muli...Ngumiti ako.


"Kaya lang may asawa na siya. Masaya naman ako para sa kanya dahil masaya ang kanyang pamilya."


"Did you send notifications on this? Inimbitahan mo ba ang mga subjects mo?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko ang mga larawan... Iisang mukha lang lahat ito.


"Sana magpunta siya..."


"Smile ka naman...These pictures are pricelessly taken by you kaya you have given justice on it. Walang katarungan lang 'yung katotohanang mahal mo siya pero may iba na siyang mahal..." Tinapik ko siya sa balikat at iniwan na niya ako.



Paglabas ni Sullivan, doon ko lang napansin si Justin, may dala siyang long stemmed na pulang rosas. Mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko kagabi.



"Good morning, dear..." Dear mong mukha mo. Inisnab ko siya at pumasok siya sa cubicle ko kahit hindi nagpapaalam at hindi iniimbitahan.


"Did you make an appointment with me, Mr. Justin Lucas? As far as I know, I don't do business with you."


"Napakasuplada naman ng sweetheart ko. Halika, baka gusto mong palamigin ko ang ulo mo" Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako. Umiwas ako dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.



Wala akong schedule ng kahit na anong pictorial sa studio o sa kahit saan nang araw na iyon. Pumasok lang kao sa DreamWorkX para ayusin ang mga pictures dahil sa next two days na ang aming exhibit kaya dapat na akong magmadali.



Biglang sumilip si Bae . " Hi, Aiko. Sir Justin... Aiko, if you need help nandito lang ako. Sabihin mo lang.."


"Sure, thanks. Kailangan ko talaga ang tulong mo. Mamaya lang." Umalis kaagad siya matapos landiin ng pasimple si Justin.


"Kung wala ka nang sasabihin, baka puwedeng bumalik ka na sa kabilang building. Medyo naiistorbo mo lang naman ako." Pagtataboy ko sa kanya.


"Puwede ba tayong magsabay kumain mamaya?"


"I think, I am busy later. I don't think, I can even eat..."


"Magpapadeliver na lang ako dito..."


"Look, Justin. Please stop wasting my time. Break na tayo di ba?"


"Look here , Aiko. Natatakot lang naman akong mawala ka." Bulong niya sa akin. Idinaan na naman niya ako sa paawa effect. "Mamaya, susunduin kita. Sabay tayong kumain."


"I said stop bugging me."


"See you later, Sweetheart." Sabay halik sa nguso ko. Nakasimangot pa naman ako kaya sapul niya ang nguso ko nga buong-buo. Niyakap niya ako sa likuran. At hinalikan ako sa pisngi.



Hindi ako nagpaapekto sa mga pangyayari. Ayoko lang aminin sa sarili ko na may takot akong nararamdaman. Ayoko lang amining mapapasunod niya ako sa lahat ng kanyang gusto at ibibigay ko ang aking sarili kahit ilang beses niyang hilingin. Gusto ko lang sanang marinig sa kanya na pakakasalan niya ako dahil gusto niyang magkasama kami habambuhay pero hindi iyon ang nangyari. Kabaliktaran ng iniisip ko ang lahat .



Mahirap yatang magpakatino dahil susubukin kung hanggang saan mo kayang panindigan ang iyong katinuan sa piling ng isang taong mahal mo. Handa akong magbago para kay Justin pero nandito ang tukso .



Pinuntahan niya ako ng bandang tanghali pero namuti lang ang mata niya sa kahihintay niya sa akin. Papalayo na siya ng lingunin ko. Napangiti na lang ako. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niya para tantyahin ang topak ko.



Iniisa-isa ko nang ilagay ang mga larawan sa mga dingding. Kasama ko si Bae at ang mga boys ng Graphics Department. Tinulungan nila akong ilagay lahat ang mga larawan sa isang napaka-artistic na paraan. Nandoon si Jessica at Kris. Si Fantasia at Kai na kanina pang nagkukulitan kasama sina Tao Chen, Yoona at Sulli.



Madali akong natapos. Halos nailagay ko na lahat. "Hmm, Aiko... Mukhang bakante ang dingding na iyon." Turo ni Bae sa dingding na nasa gawing dulo malapit sa elevator. Sinadya ko talagang bakantihen iyon.



"Ako na ang bahala doon."


"Sigurado ka? Tumango ako sa kanya at niyaya na siya ni Krystal paakyat ng DreamWorkX.


"Thanks..."



Muli kong sinulyapan ang mga larawang iyon. Punum-puno iyon ng kuwento. Kahit sa para sa akin ang mga titig na iyon at maging ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata, kitang-kita mo ang pagmamahal sa kanya.


WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon