SEEING MIA SLEEP

83 5 0
                                    

JUSTIN'S POV




Nagpumilit akong makita si Mia. Hindi na ako makapaghintay. Gusto kong makita si Mia ng mga oras na iyon. Bandang 8pm na nang gabi ng payagan akong dalawin ang burol niya sa kabila ng miserable kong kondisyon. Naka-wheelchair ako with braces that supports my arm and leg. May dextrose pa ako. May neck brace at benda sa bandang ulo dahil sa sugat ko .



Napalingon sa akin ang mangilan-ngilang bisita. Dalawang buwan ng nakaburol si Mia. Isang buwan akong nakaratay sa kama. Dalawang linggo akong naka-comatose.



Pagpasok ko sa loob, nakita ko ang mga puno ng cherry blossoms na ginamit bilang dekorasyon sa buong burol ni Mia. Nalanta na ang mga talulot nito ngunit sinikap nilang alagaan ito sa spray para manatili at magtagal pa ng konting panahon ang pamumukadkad nito.



"MIAAAAAAAAAAA! MIAAAAAAA! GUSTO KONG MAKITA SI MIA. BUKSAN NINYO ITO.... BUKSAN NINYO... HUHUHU!" Kung nakakabasag lang ang palahaw ng iyak ko, malamang ay pagbayarin ako sa mga basag na pinto at pader ng lugar na iyon. Hindi ko lang kayang sumubsob sa kabaong ni Mia ng mga oras na iyon. Ipinababa nila ito ng konti para muli kong masilayan ang mahal kong asawa. Umiyak ang mga taong naroroon at nakasaksi ng matinding pagdadlaamhati na nararamaman ko. Pakiramdam ko ay huminto ang pag-ikot ng mundo dahil sa pangyayaring iyon.



"Iho, baka hindi mo kayanin..."



"Hindi... Kailangan kong makita si Mia ngayon. NGAYON. NOW!" Unti- unti nilang binuksan ang kabaong. Dinig ang hagulgol nina Luna at Amber na nakayakap sa isa't isa. Hindi na napigilan nina Kystal at Victoria ang kanilang mga luha sa sobrang awa sa akin. Hindi ko alam kung paanong iyak ang gagawin ko. Kahit magsisigaw ako , hindi ko alam kung pakikinggan ako ng langit. Bakit namin sinapit ang ganitong trahedya? Tutol ba si Gabriel? Baka nga tuwang tuwa pa si Gabriel dahil magkasama na sila ni Mia.




Nakita nila sa unang pagkakataon ang mukha ni Mia. Tila nagbago ang hitsura ng bangkay ng huli nila itong nakita. Para lang siyang natutulog ngayon suot ang kanyang trahe de boda. Payapa ngayon ang kanyang hitsura.



Napakaganda ng aking asawa ng makita ko siya sa simbahan. Para siyang anghel sa lupa habang natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang saya maging ang kakaibang ningning sa gilid ng kanyang mga mata. Pero natuldukan ang lahat ng iyon ng isang trahedya. Isang napakalagim na trahedya.



"MIA, BAKIT NINYO AKO INIWAN? BAKIT NINYO AKO INIWAN! AHHHHH! BAKITTTTTT!" Hinipo ni Justin ang tyan ni Mia. Yumuko ito at umiyak ng umiyak.


"Ha, anong ibig sabihin ni Justin?" Tanong ni Krystal kay Icelle.


"Krystal, buntis si Mia. Siguro isang buwan o dalawa..."


"Oh, Diyos ko..."


"Forever pa rin silang magkasama ni Gabriel sa bandang huli."



Sa bandang huli, walang nagawa ang maayos at organisado kong mga plano. Hindi pa rin pala iyon ang tadhana ko. Walang magagawa ang aking kayamanan para buhayin si Mia. Kahit isang taong iburol si Mia, hindi mauubos ang yaman ko. Pero hindi ko siya maaaring iburol ng ganoon katagal. Kailangan na rin niyang magpahinga.



Sila pa rin ni Gabriel ang magkasama sa kabilang buhay.



Nagtaka ako dahil hindi man lang ako dinalaw ni Mia sa panaginip. Ni hindi rin siya nagparamdam sa akin. Sa tingin ko, abala sila ni Gabriel sa kanilang reunion. Baka tinitingnan nila ang pagluluksa ko sa mga oras na ito.



Matapos kong malaman na namatay si Mia sa aksidente at hinintay lang nila akong gumising, ipinaubaya na nila sa akin ang pagpapasya kung ano ang susunod kong gagawin.



"Justin, isipin mo na lang na kailangan na ring magpahinga ng iyong mag-ina. " Inihatid ko ang aking mag-ina sa huli nilang hantungan sa tabi nina Mama at Papa at ni Gabriel.


"Sabi mo, hindi mo ako iiwan. Sabi mo huwag kitang iwan. MIAAAAAAAAAA!" Umiyak ako ng umiyak. Wala na akong magagawa.



May higit na makapangyarihan ang nakakaalam ng makabubuti para sa aming dalawa ni Mia. Maaaring ito ang gusto ko pero hindi pa rin ito ang aking tadhana. Hindi ko masabi kung unfair ang buhay dahil nawalan na ako ng magulang pero nang muling magmahal si Mia, nagkaroon akong muli ng pag-asa na muling umibig at magparaya.



Ang bawat araw na inilalagi ko dito sa ospital ay parang pagbibilang na rin ng aking kamatayan. Paglabas ko sa ospital, sino ang sasalubong sa akin sa bahay? Wala na si Mia. Lahat ng magagandang alaala ay mananatili sa aking puso hanggang sa kunin na rin ako ng Diyos at makapiling siya sa kabilang buhay.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon