COMPLETELY LOST

98 4 0
                                    

AIKOS POV



Hindi ko inaasahan ang nangyari ngayong umaga. i am totally, completely lost. Nasaan na ba ako at parang wala ako sa sarili? Muntik ko nang makalimutan ang sarili ko. Grabeh, hindi ko makapaniwalang hinalikan na lang ako ng ganoon ni Mr. Lonely Soul.



"Putek! bakit dito ako sumakay? Dapat tumawid muna ako. Grrrrr! Pumara ako sa malapit ng overpass at saka pa lang ako tumawid pero nagalit ang tsuper dahil nag-1,2,3 daw ako. Humingin naman ako ng sorry kasi naman di naman talaga ako sasakay , usually naglalakad lang ako pauwi. Wala akong pera. Natuliro na ako sa halik ni Justin. Hay naku...." Tuliro ako habang naglalakad sa kalye. Asar na asar ako sa sarili ko.


"Good morning, Mama. I'm home..." Humalik ako sa pisingi niya. Isinubsob ko ang aking mukha sa hapag-kainan.


"Hmm, anong nangyari?"


"Mama..."


"Mmm...Bakit?"


"Hindi pa po ba luto 'yang niluluto ninyo." Yumakap ako sa kanyang likuran. "Gutom na ako."


"Sus, akala ko naman kung ano. Kung makayakapa ka, wagas! Wala ka bang trabaho."


"Pupunta po ako sa DreamWorkX mamaya para i-propose sana ang First Exhibit ko sa ground floor ng Skycraper Tower."


"That's good. Nakita ko 'yung picture ni Mr. Lonely Soul. Ang pogi pala talaga niya ha! nakilala mo ba ba? Baka naman Kuwentong barbers lang yan ha!"



Hindi na ako umimik. Ninanamnam ko ang mga sandaling hinalikan niya ako. Hanggang ngayon ay damang dama ko ang dampi ng kanyang labi.


"Huh, saan galing ang mga fruits dito?"


"Dumaan dito si Bob kanina. Lately, napapansin ko na hindi na siya pumupunta dito. Nag-away ba kayo?"


"Hindi po, Mama." Hindi ko kayang sabihin na galit si Bob dahil hanggang ngayon I have Tuesdays and Fridays. Paano kung malaman niyang may pang Saturday na ako kung sakali? Tapos biyudo pa. Naku, hindi puwede. Baka patayin ako ni Mama. Itatakwil niya ako kapag kay Mr. Lonely Soul ako nain-love.



Tahimik akong kumain. Himala! Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya. Aba at nabuhay muli si Bob. Nakangiti siya na parang walang nangyari.



"Speaking of the devil, biglang kanyang sumulpot na parang kabute"


"Nagpalamig lang" Bulong niya sa akin. Mukhang maaliwalas ang kanyang ngiti at halatang wala ng tampururot. "Can we date tonight? Susunduin kita sa Skycraper. Alam ko naman iyon eh. Doon din nagtatrabaho ang pinsan ko" Hindi ko tinanong kung sino ang pinsan niya dahil hindi naman ako interesado.


"May aayusin akong exhibit."


"Talaga? Saan? Kailan?" Sunud-sunod niyang tanong.


"Hindi ko alam kung puwede sa ground floor ng Skycraper. Magpapaalam muna ako sa boss namin."


"If you need help, just call me and I'll be there."


"Patawa ka talaga! Ewan ko sa'yo."


"Miss you, Aiko."


"Hindi kita na-miss dahil busy din ako. "


"Sakit naman nun...Pa-kiss nga ako." Pero nahila ako ni Bobby at talagang sinadya niyang halikan ako. Nagdikit ang aming mga labi.


"Hoy, Bobby..." Sigaw ni Mama.


"AAAHHHHHH! Nakakainis ka naman eh! "Talagang nagwala ako. Sinabunutan ko si Bobby.


"Aray ko, Aiko. Sorry na....Hindi ko sinasadya..."


"Hindi pala sinasadya..."


"Aiko, tama na nga'yan. Kumain na kayong dalawa! Tama na sabi..." Awat ni Mama.



Bago umalis si Bobby ay nagsorry siyang muli sa akin. Ginawa lang niya iyon dahil hirap na hirap na rin siya sa kaiiwas sa sitwasyon namin. Seloso daw siya pero hindi lang niya maipakita sa akin dahil ako pa rin ang nasusunod. Hindi rin siya komportable na may Tuesday at Friday pa ako at baka sa sususnod ay magkaroon pa ako ng Saturday at Sunday. Tama siya kasi malapit na akong magkaroon ng Saturday.


Pagkatapos noon ay umalis na siya.


His kiss was not something I worry about. 

'Yong kiss ni Mr. Lucas ang damang dama ko at gusto gusto ko pang maulit muli.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon