WAF: MIA'S NEW LIFE

95 9 0
                                    

MIA'S POV




Ito ang araw na pinakahihintay ko. Tatanggalin na ang benta sa aking mga mata. Unti-unting inikot ang benda sa aking ulo saka tinanggal ang gasa na nakatakip sa talukap ng aking nakapikit na mga mata.



"Iha, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata. Dahan-dahan..."


"Doc..."


"Iha, ikurap-kurap mo muna ang iyong mga mata bago mo imulat ng tuluyan. " Sinunod ko naman ang sinabi niya at nakaaninag ako ng liwanag. "Sabihin mo sa amin kung ano ang nakikita mo..."


"Doc, nakikita ko po kayo hawak ang salamin sa harap ko. "


"Ilan kaming lahat dito?" Bahagya pa akong nasisilam sa liwanag sa tagal kong nasanay sa dilim.


"Si Doc, si Ms. Sylvia, si Krystal, si Luna, Victoria at Amber, at si Icelle..." Luminga ako at tila namamalikmata sa aking nakikita. May kung anong napakaputing bagay sa likuran ni Icelle. Sobrang liwanag para hindi ko halos maimulat ang aking mata .


"Icelle, ano ba 'yang nasa likuran mo? Nakakasilaw!"


"Ha! Wala naman... Ako lang ang nandito. "


"Mia..." Hinanap ko ang boses na iyon ni Doc. Lumingon ako sa bandang kaliwa . Nakangiti ang doktor na nakasalamin at nasa edad singkuwenta na. Nakangiti siya sa akin.



Matagal daw akong hindi nagkamalay. Tapos na rin ang aking operayon . I am back to normal. I can continue doing my duties as a designer. Una kong hinanap si Gabriel. Lahat sila ay hindi makaimik. Iniiba nila ang usapan. Tiningnan ko silang isa-isa pero lahat ay isa-isa ring yuyuko. Hindi ko talaga maintindihan. Nasaan si Gabriel?


"Ms. Sylvia, sabihin po ninyo sa akin ang totoo? Nasaan na po si Gabriel?"


"Mia, magpahinga ka na muna Iha. Makakasama sa iyo..."


"Hindi ba ninyo naiintindihan ang tanong ko? Nasaan si Gabriel?" Sumigaw na ako at naghysterical. Anong silbi ngayon ng mga mata ko kung hindi ko makikita si Gabriel?


"Mia, tama na."



Hinugot ko ang karayom na nagdurugtong sa aking dextrose. Pumilandit ang dugo mula sa kamay ko. Ni hindi ko maramdaman ang sakit . Tila namanhid na ako. Wala akong ibang gustong gawin ngayon ay hanapin si Gabriel sa buong ospital kung saan siya nakaratay dahil alam kong naaksidente siya.



"Nasaan si Gabriel?"


"Mia, iha... maghunus-dili ka. Makinig ka muna!"


"Patay na si Gabriel, Mia." Diniretsa na ako ni Icelle. Walang preno.


"Ha! Huwag mo akong biruin, Icelle. Ayoko ng ganyang biro. Bawiin mo ang sinabi mo."


"Mia, mahal na mahal ka ni Gabriel." Tinitigan ako ni Icelle. Hindi ko alam kung bakit. Bigla akong napahinto. Parang na-gets ko ang titig na iyon.


"Si Gabriel ba ang eye donor ko!"



Nakayuko maging si Ms. Sylvia. Iyak din siya ng iyak. Wala siyang magawa para pakalmahin ako ng mga oras na iyon.



"GABRIELLLLLLL!" Umatungal ako ng iyak at naglupasay na parang bata. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.



Matapos kong maidischarge sa ospital sinamahan nila akong lahat sa huling hantungan kung saan inilibing si Gabriel. Itinabi siya kina Mama at Papa. Hindi na daw nila ako puwedeng hintayin kung kailan pa ako magigising. Mabuti na rin daw na hindi ko na siya makita.



Sinalat ko ang pangalan ni Gabriel sa lapida. May personalized picture siya doon.



"Gabriel, hindi natin alam na iyon na pala ang huli nating pagkikita. Ni hindi man lang tayo nakapagpaalam ng maayos sa isa't isa. Wala yata akong magandang alaala na naipabaon sa iyon kundi ang mga pag-iyak ko, ang paninisi ko sa Diyos dahil sa kamalasang dumating sa buhay ko. Pero sa bandang huli ipinadala ka niya sa akin hindi lang para pasayahin ako kundi para muling buhayin ang pag-asa ko na masarap mabuhay sa mundo. Sana, mas makita ko ang kagandahan ng buhay sa kabila ng pagsubok habang gamit ko ang iyong retina. Sana mas maging positibo ang pananaw ko sa buhay na may matibay na pananalig sa Diyos tulad ng ipinakita mong halimbawa sa akin. Alam mo, napakaiksi talaga ng buhay. Para wala pang 24hours kita sinasagot ay kinuha ka na ng Diyos sa akin. Hinding hindi kita makakalimutan habang ako ay nabubuhay. Hanggang sa muli nating pagkikita sa langit, Gabriel. Hintayin mo ako sa gate tulad ng pangako mo. "



Lahat pala sila ay nakikinig sa akin. Iyak sila ng iyak sa mga litanya ko.


"Mia, totoo bang nakita mo si Gabriel?"


"Siguro, near death experience ang tawag doon. Naglalakbay na ang kaluluwa ko sa kabilang buhay. Nakita ko na si Gabriel sa pintuan ng langit. Kasama niya sina Mama at Papa pero iniwan niya ako sa gate at hindi na niya ako binalikan. Ibig sabihin siguro ay hindi ko pa talaga oras."


"Alam mo ba, Mia... sa tingin ko ay anghel nga talaga si Gabriel?"


"Paano mo naman nasabi? " patuloy kaming naglakad palayo ng kanilang puntod.


"Matapos kang operahan ng gabing iyon, pinuntahan ka namin ni Mama sa loob ng iyong kuwarto. Pagbukas namin, halos mabulag ako sa sobrang liwanag sa iyong kuwarto. Ni hindi ko maibukas ang aking mata. Ilang Segundo lang, nagulat ko ng tanungin ni Mama kumbakit daw ako nakapikit na parang nasisilaw ako. Sinabi ko sa kanya na sobrang liwanag sa loob. Para lang akong nangangarap ng gising. Bukas na bukas ang bintana ng iyong kuwarto at malakas ang hangin sa loob na parang may lumabas na kung ano. Hindi ko alam...Nang gabing bantayan kita, nanaginip akong yakap ka ng isang anghel habang nakapalibot sa iyo ang madaming anghel. "


"Kaya ba mayroon nito sa ilalim ng unan ko?" Ipinakita ko ang isang mahabang piraso ng balahibo ng kung anong hayop na mas malaki pa sa pato o ibon.



Niyakap ako ng mahigpit ni Icelle. Guardian angel ko daw marahil si Gabriel at alam niya ang mangyayari sa akin. Kung wala si Gabriel, ako marahil ang nasagasaan. Ako marahil ang namatay. Pero nagsakripisyo siya. Heto ang ibinigay pa niya ang kanyang mga mata sa akin. 


Iyon siguro ang plano ng Diyos kaya siya dumating sa buhay ko.

WHEN ANGEL FALLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon